SHER'SPOV
"....Ms. Maria Sher Lim for Top 2 of 4th year-A."
Lahat sila nagpalakpakan para sakin at ako naman ay pumunta sa harapan upang kunin ang certificate at medal ko. Nagpicture muna kasama ang adviser ko bago ako pinabalik sa puwesto ko.
"And Ms. Gabrielle Paula Barcelon for Top 1 and Best in English of 4th year-A."
Hayss. As usual, nalamangan nanaman nya ako. Talo nanaman ako. 2nd lang naman talaga ako. Pano, ang galing galing kase ng Pao na yan. I tried my super best pero bakit lagi nalang akong 2nd.
"Sher?" tawag saakin ng bestfriend kong si Sen. "Ok ka lang?"
Tumango lamang ako. "I'm fine. Masakit lang isipin na, pangalawa na lang talaga ako."
"Hey, wag mong sabihin yan. Ikaw, number 1 ka sa puso ko. Pati sa puso ni Trevor. Ayiiiee." pinoke-poke naman nya ang tagiliran ko.
"Tsss. Si Trevor? Nako. Iba standard nun sa babae."
"Pano mo naman nasabi? Di yan sa standard. Kung ano yan ng tinitibok ng puso noh. Ang manhid mo naman, halatang halata naman na may gusto sayo si Trevor tapos hindi mo pa nararamdaman?"
"Ayoko kaseng mag-assume. At kung totoo man na gusto nya ako, bali-wala nalang sakin yun. Ngayon palang sinasabe ko na, friendzoned na sya."
Napatawa na lang si Sen at nagpatuloy na kaming makinig sa supervisor na nagsspeech sa harapan. After ng awarding ceremony, nagsibalikan na kami sa mga perspective rooms namin. English ang next subject namin, eh since absent naman si Ma'am Ramirez, free time kami.
"HOY!!! LAHAT KAYO!!! DI PORKET WALA SI MA'AM RAMIREZ EH MANGGUGULO AT MAGIINGAY NA KAYO! UMUPO KAYONG LAHAT!" suway ng class president namin na si Armhilla. Responsable nga talaga.
Sumunod naman ang buong klase kaso malakas na nagusap usap naman ang mga ito. Pinabayaan na lang ni Armhilla tutal hindi naman lumalabas ng classroom eh.
"Pao! Armhilla! Norica! Cristine! I just found a new horror website game." rinig kong sabi ni Champagne habang nagbbrowse sa internet nya gamit ang kanyang macbook.
"Horror nanaman? Wala na bang iba dyan?" rinig kong tanong ni Norica.
"Hay nako beh, wag ka ng magreklamo, hindi ka naman nanunuod eh. Lagi namang nakatakip yang mata mo." sabat naman ni Cristine.
"Nako guys, mukhang magandang laruin to. Tara, ppress ko na yung play ha."
"Uy Sher, tara, tignan natin yung nilalaro nila." bulong sakin ni Sen.
Akmang tatayo na sana kami ng narinig naming nagsalita si Cham. "Paranormal 626 is temporary closed. You can play during 6pm to 6am. 4 hours till the game returns. Remember to play it on a desktop or an iMac. Laptops, iPhone, iTouch and mobiles are not valid to play the particular game."
Ah so may selected time pala tong game na to. At computer lang talaga ah. 6pm to 6am? Chineck ko yung watch ko at 2:30pm pa lamang. 3pm ang dismissal namin.
"So girls computer shop mamaya?" pangaalok ni Cham.
"It's a no from me." agad na sagot ni Pao.
"Ang KJ mo naman Pao. Minsan na nga lang to, magsisiyahan sa isang laro." -Cham
"Sige na ate Pao, sumama ka na! Alam mo naman na nakakasama lang ako pag kasama ka eh!" -Norica
"Sige na Pao! Baka mapanaginipan ko pa ang Exo ngayong gabi." pagtitili ni Armhilla.
"Puro ka Exo. Adik masyado si Ate Armhilla. Basta bawal Chanyeol ko ha. ^____^" -Norica
"Ano game guys? Wala naman tayong homework eh. Atchaka, friday ngayon oh. Saturday bukas. Tara." pagpipilit ni Cham.
"Sige game ako." -Armhilla
"Ako din." -Cristine
"Sama din ako basta sama si ate Pao." -Norica
"Oh sama ka na Pao?" tanong ni Cham.
"Uh...sige na sasama na."
"Yun! Kompleto na tayo!" pagchecheer nila pero mukhang nanghihinayang padin si Pao.
Hay nako. Kababaeng tao, addict naman masyado sa computer. Pati si Pao, iniinfluence. Sana pag nainfluence na sya, matalo ko na sya.
"Hi. Puwede bang sumali sainyo?" teka, si Sen ba yun? Tumalikod ako at nakita si Sen na lumapit sakanila.
"Ikaw? Gusto mong sumali? Sure ka ba dyan?" tanong ni Cham.
Tumango lang si Sen. "Mahilig din kase kong maglaro ng mga ganyan."
"Sige. You can join. Basta walang takip takip ng mata at tenga ah." kinindatan naman ni Cham si Sen.
"Matapang yata ako noh!" pagmamayabang ni Sen saka tumawa.
"Rosenna!" tawag ko. "Sasali ka sakanila?"
"Oo. Gusto mo din ba? tara."
"Ayoko. May mas mahalaga pa akong gagawin kesa jan."
"Palibhasa, trying hard para matalo si Pao." rinig kong bulong ni Cristine.
Hinarap ko si Cristine saka nagsalita. "Oo. Nagsisikap akong magaral para maging first. Hindi namang masama gawin yun eh. Gusto ko proud sakin ang parents ko at gusto ko maganda kinabukasan ko. Palibhasa, baliw-wala lang pagaaral sainyo lalo na't hindi naman kayo naguubos ng dugo at pawis para makapagaral kayo."
At napatikom ko ang mga bibig nilang lahat. Tss. Trying hard talaga ako! Di ko sila aatrasan.
"Sher, wag ka na makipagaway. Tama na ha?" -Sen
"Di ako nakikipagaway."
"Ang babaw ng pinagaawayan nyo!? Laro lang!? how cheap! Grabe kayo! Maging mature din naman kahit konti!" pagsasabat naman ni Angelica, ang drama queen slash kaartehan queen slash make up addict slash malandi ng batch.
"Hoy ikaw coloring book! Wag kang umepal! Di ka kasama dito!" -Sen
Palaban kase si Sen eh kahit ganyan yan.
"Excuse me!? Ikaw ba ang kausap ko!? Diba sila Sher at Cristine!? Bakit ka rin umeepal!?"
"Hoy tama na nga tong away!" -Pao
"Tama naman si Sen eh. Nakikisabat ka kase eh." -Cham
"Wow. Ngayon ako naman pinagkakaisahan nyo? Galing nyo talaga. Scripted ba to?"
"Drama queen talaga." napabuntong hininga nalang si Sen.
"Kung sa tingin mo mababaw ang pinagaawayan nila pwes siguro naman hindi ka takot sa horror games noh?" -Cham
"Of coures not! What a chicken!"
Nagexchange ng looks ang girls then nagsmirk.
"Edi sumama ka samin mamaya." -Cham
"No thanks. I have better things to do. I have date with my boyfriend, Sky." sabay apply ng lipgloss nya.
"Tss. chicken daw, duwag naman pala. May pagkatalk shit din." sabi ni Cham sabay nagtawanan silang lahat.
"Sinong talkshit at duwag? Fine! Sasama ako sainyo and I will prove you bitches!"
"Yun naman pala eh." at nagtawanan narin kaming lahat.
BINABASA MO ANG
GAME OVER (ON-HOLD)
HorrorDeath is the game. Friends are the characters. Computer is my weapon. I am the controller.