SHER'SPOV
Patay!? Patay na ako!? Pero....paano? "E bakit nakikita at nakakausap ko kayo!?"
"Patay na rin kame ate." -Norica
No no no. This can't be happening. Hindi ako puwedeng mamatay. Akala ko ba tatlo silang maliligtas?! Ba't lahat kami nadamay!?
"Hindi naman tayo totally patay na. Comatous lang tayo pero critical ang mga condition natin lalo sayo Sher. Binuwis mo ang buhay mo para saamin diba? Bakit mo ginawa yun? Sana hinayaan mo nalang akong mamatay at mailigtas kayo ni Norica." sabi ni Pao
"No. Walang mamatay sainyong dalawa. Dapat ako. Dahil ako naman talaga ang dahilan kung bakit nagkaganto ang mga buhay natin e."
"Tama na. Walang may kasalanan dito. Pare-pareho lang tayong nabiktima sa mga kagagawan ni Sen. Patay na kaya sya?" tanong naman ni Norica.
"Walang sinabi sa balita na patay na sya. Pero wala ding sinabi na hinahanap sya ng mga pulis. Nasan sya?" tanong ko naman.
"Hindi namin alam." -Norica
"Kelangan na nating bumalik sa mga katawan natin. Kelangan ako ni mama.
Kelangan ko pang mabuhay." naiiyak kong sabi.
"No. Hindi pa tayo puwedeng bumalik sa katawaan natin. May tamang oras pero hindi ngayon. Kelangan nating mahanap sila Raymond, Sean at lalo na si Sen." sabi ni Pao.
"Saan naman natin sila mahahanap!? Baka ideclare na nila ang time of death natin!" pagaalala ni Norica.
"Hindi yan. Hangga't humihinga pa tayo, hindi pa tayo puwedeng mamatay."
"Nasan si Trevor? Kelangan ko syang puntahan. Gusto kong malaman kung ok lang sya. Kung anong lagay nya. Kung anong ginawa sakanya ng mga hinayupak nyang kaibigan." pag-aalala ko.
"Calm down, Sher. Kagagaling lang namin ng hospital kanina. Chineck namin sya. Konting injury lang naman ang meron sya at nagpapahinga na sya ngayon sa kuwarto nya sa hospital. Baka nga daw makalabas na sya bukas. Pero alam mo ba, hinahanap ka nya."
Hinahanap nya ako? B-Bakit naman nya ako hahanapin? Nag-aalala lang siguro sya.
"E...si Sen?! Nasan na sya?!" hindi ko narinig na binanggit ang pangalan nya kanina sa radyo kaya malamang nakatakas sya.
"Nakatakas sya." sabi ni Norica. Sabi ko na nga ba e!
"Ano?!" bigla namang bumukas ang pinto at nanlaki ang mga mata namin nung makita namin si Sen na nanlilisik ang mga mata at may hawak na baril sa kamay. Mukha syang nakadrugs. Nakakatakot na ang itsura nya. "A-Anong g-ginagawa nya dito?!"
"Sher...ang mama mo..." -Pao
Tumingin ako kay mama na nasa kusina na may ginagawa. Papalapit si Sen kay mama na para bang nanggigigil ito.
"MA! MA UMALIS NA JAN! MAMA!" sigaw ko. Hindi ako marinig ni mama kase kaluluwa na lang ako. Tumingin ako kay Pao. "Kelangan ko nang bumalik sa katawan ko."
"Hindi puwede Sher..."
"At bakit hindi?! PAPATAYIN NYA SI MAMA!" naiiyak na ako.
"Ahhh! Sen!" napalingon ako sa sigaw. Si mama pala. Nakataas ang mga kamay. Nakatutok sa kanya yung baril.
"Hi tita. Magandang umaga. Nasupresa ba kayo?" -Sen
"S-Sen ibaba mo yan..."
Tumakbo ako kay Sen at kahit lumalagpas lang ako, inaagaw ko sakanya yung baril. Sana maagaw ko man lang. Subukan lang nyang barilin ang mama ko! "AKIN NA YAN SEN! HAYOP KA! WAG MONG PAPATAYIN ANG MAMA KO!"
"Alam nyo po ba ang ginawa ng magaling nyong anak ha?!"
"Sen...p-parang a-awa mo na. Bitiwan mo yang baril. Hindi laruan yan."
"Bakit sa tingin mo nakikipaglaro ako sayo?! Huh. Tangina hindi! Hindi pa ako nakakaganti! Teka, nasan na nga ba si Sher?! Nacoma sya diba?! Hahahaha." tumawa sya ng nakakaloko na parang baliw. "Buti nga sakanya. Sana nga hindi na sya magising e."
"Bakit ka ba nagkakaganyan Sen?! Bestfriend ka ng anak ko!"
"Hindi ko sya bestfriend! Puwede ba! Kasabuwat naman kayo sa kagaguhan nya! Malandi kaya ang anak mo!"
"Wag mo syang pagsasalitaan ang anak ko ng ganyan!"
"At anong gagawin mo ha? Anong laban mo? Tatawag ka sa pulis? Go. Haha. As if naman makatawag ka pa e babarilin muna kita bago ka pa makahawak ng telepono e."
WAG MONG GAGAWIN YAN ROSENNA!
"Parang awa mo na Sen. Mali 'tong ginagawa mo. Sumuko ka na sa mga pulis." pagmamakaaawa ni mama.
"Asa ka pang gagawin ko yan. Hindi ako tanga babae!"
"Patayin mo na ako pero parang awa mo na, wag mong saktan ang anak ko."
"Wala ka namang atraso sakin e. Anak mo lang meron. Kaya lang mag-ina kayo e kaya damay damay na yan." nagsmirk si Sen at narinig ko na yung 'click' sound.
"ROSENNA WAG MONG PAPATAYIN ANG MAMA KO! TIGILAN MO SYA!" sigaw ko pero si Norica at Pao lang ang tanging nakakarinig sakin.
"Habang walang kamalay-malay na nakahiga ang anak mo, ikaw naman, binuburol na. hahaha." tumawa nanaman si Sen ng nakakaloko.
"Hindi ka ba natatakot sa diyos, Sen?! Ha?!"
"Hindi..wala naman kayong dapat katakutan kundi ako e."
NO WAY! I FEAR GOD! YOU SHALL FEAR HIM FOR HE IS SO ALMIGHTY AND POWERFUL! HINDI MO SYA MATATALO! "TANDAAN MO SEN! GINAWA KA LANG NG DIYOS!" sigaw ko ulit.
"MAHIYA KA SA SARILI MO SEN! PANGINOON, Parusahan nyo po ang batang ito. Hindi nya alam ang ginagawa nya." pagdadasal ni mama. Nakakaawa si mama. Umiiyak na ako.
"MANAHIMIK KA NA PUTA KA! HALIKA NA DITO! SUMAMA KA SAKIN!" niyakap ni Sen si mama sa leeg at kinaladkad ito palabas. Saan nya dadalhin si mama?!
Nakita kong sinakay ni Sen si mama sa kotse at umandar na ito paalis. "MAMA!!!! MA!!! SEN WALANG HIYA KA! HAYOP KA! BESTFRIEND KITA TAPOS GAGANTUHIN MO LANG AKO! PATI MAMA KO DINAMAY MO!" paghahagulgol ko. Sobra na to...pag may nangyare masama talaga kay mama...mas gugustuhin ko pang macoma nalang habang buhay.
"Sen..." -Pao
Napatingala ako. May lalalaking papalapit samin. Pamilyar sya. Parang nakita ko na sya nuon. Lumapit sya sakin at bigla akong niyakap. "Sher..."
Naalala ko na kung sino sya. Namiss ko sya. Namiss ko talaga sya sobra. "Papa..."
BINABASA MO ANG
GAME OVER (ON-HOLD)
HorrorDeath is the game. Friends are the characters. Computer is my weapon. I am the controller.