Pahina: 5

215 4 1
                                    

SHER'SPOV

Pagkapasok na pag kapasok ko, agad na bumugad sakin yung crowded place sa school namin. Masyadong matao na para bang may pinagkakaguluhan sila. Ano kayang meron?

"Excuse me. Excuuuseee." pilit na isinisiksik ko yung sarili ko para makiraan at makisilip.

"Layo kayo. Lumayo po kayo." sabi nung police habang pinapalayo kami.

"Ano po bang meron?" tanong ko.

"Ate Sheeer!" napalingon ako sa tumawag sakin. Si Norica lang pala. "Ate Sher. Huhuhu."

"Oh Norics, anong nangyare? Bakit ka umiiyak!?"

"Ate Sher patay na si Cristine!" sigaw nya at nagpatuloy sa pagiyak.

"ANO!? SERYOSO KA!? PAANO!?"

"Hindi alam ate. Nakita lang yung bangkay nya dun sa may hallway sa may chem lab. Marami syang saksak."

Napalaki ang mata ko sa narinig ko. Para bang nagulat ako. Parang...parang di matanggal sa utak ko na may saksak sya. Sino naman ang sumaksak sakanya? At bakit walang nakakita?

"Anong meron dito!? Anong nagyayare dito!? Bakit maraming tao!? Magsibalikan kayo sa classroom nyo!" sigaw nung math teacher namin na si Sir Conorado. Nagsibalikan naman sila sa mga classrooms nila habang nagbubulong bulungan parin. "Kayo!? Bakit di kayo bumalik!?" sigaw nya kina Cham, Pao, Armhila at Sen na umiiyak din.

"Sir, wag na po kayo magalit. Kaibigan po namin si Cristine kaya masakit lang po samin na bigla nalang namin nalaman na patay na sya." -Pao

"Anong sabe mo!? Sinong namatay!? Si Cristine!? Cristine Eugenio!?" hindi kapani-paniwalang tanong ni Sir.

"Opo sir. Naaubutan sya sa tapat ng chem lab na puno ng saksak sa likod." -Cham

"ISA TONG KALOKOHAN! SINO NAMAN ANG GAGAWA SAKANYA NUN! HINDI PA BUKAS ANG SCHOOL BEFORE 5:30AM!" sigaw pa ni sir. "Mang Nestor!?"

Lumapit yung school guard namin. "Bakit po sir?"

"Sino ang kauna-unahang estudyante na pumasok kaninang umaga?"

"Ay si Vince po yung grade 5."

"Eh sa high school?"

"Alam ko po si Angelica Dixon po eh."

"Nakita mo ba si Cristine Eugenio ngayong umaga na pumasok!?"

"Hindi po sir. Isa isa ko pong chineck."

"O sige, bumalik ka na dun." tumingin samin si sir. "Kayo! Bumalik na kayo ng classroom nyo! Kame na ang bahala dito kay Ms. Cristine. Kame na ang kakausap sa mga magulang at magpapalibing na rin."

"Ganyan na po ba talaga kayo? Hindi nyo man lang bibigyan ng hustisya yung tao. Wala nakakaalam kung sino ang pumatay sakanya." malungkot na sabe ni Norica.

"Hindi pinagaaksayahan ng oras yan mga bata. Wala ding mangyayare kung sino ang pumatay pero irerecap namin sa cctv kung sino ang nandun sa may hallway."

Wala na kameng magawa kundi bumalik sa classrooms namin. Napaisip ako. Sinong papatay kay Cristine? Teka....yung kuwento saakin nun ni Trevor, si Leonor. Yung ginahasa at pinatay nun. Di kaya....sya?

*

"Huhuhuhu. Namimiss ko na si Ate Cristine." -Norica

"Ako din baby norics." -Cham

"Nakakainis, walang kuwentang mga faculty staff dito. Wala man lang pakialam sa pagkamatay nya. At hindi ka ba nagtataka, yung mga ibang studyante dito, wala rin pakialam? Parang di pa sila nagulat. Ambilis nilang makalimot." -Armhila

GAME OVER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon