TREVOR'SPOV
Pabalik na akong cottage ng makita ko ang pulis sa may pinto ng cottage. Shit shit shit. Paano na to?
May biglang tumapik ng balikat ko. "Excuse ho. Ikaw ba si Mr. Trevor Concepcion?" tanong nung pulis.
dugdugdug. Yug puso ko, ang bili ng tibok.
"O-Opo b-bakit?" wag kang mapawisan, Trev. Wag kang kabado!
"San ka pupunta? Jan ba sa cottage na yan?" turo nya dun sa cottage.
"U-Uh....h-hindi ho ah. Ano, naligaw lang ho ako."
"Hindi ako naniniwala. Kasangkot ka ba sa pagtakas ni Sher Avanzado?"
"P-Po?! Grabe naman ho kayo magakusa."
"E san ba ang punta mo?" nakataas ang kilay ng pulis na ito.
"U-Uwi po a-ako samin. Sige po una na ho ako." bigla akong tumakbo sa ibang dereksyon. Hala. Sana hindi nila mahuli si Sher.
SHER'SPOV
"OMG! Shit. Uh...Ate Sher, magtago ka." -Norica
"Baliw. hindi sya puwede magtago, hahanapin ang buong sulok ng cottage na to. Kelangan mong umalis dito." -Cham
"Ha!? Wala nang ibang daan papalabas." sabi ko na halatang nagaalala na ako sa puwedeng mangyare.
"Wala bang backdoor jan?" tanong ni Pao.
"W-Wala e."
"PNP TO!!! BUKSAN NYO ANG PINTO!!!" sigaw pa nung pulis. Shit. kinakabahan na talaga ako. :(
Tumakbo nalang ako sa itaas sa may kuwarto. May aparador dun at binuksan ko sa itaas. Parang may atic sya kaya pumasok ako dun. Pagkakasyahin ko nalang ang sarili ko dun.
3RDPERSON'SPOV
Habang nagtatago si Sher sa may atic. Sila Pao naman ay may naisip na plano. Kalmado nilang binuksan ang pinto.
"Ano pong maipaglilingkod ko sainyo?" -Pao
"PNP kame. At andito kame para mag search warrant against Sher Lim."
"Si Sher? W-Wala ho dito si Sher." -Cham
"Imposible. Nadiskubre namin na dito ang taguan nya. Ilabas nyo na sya bago ko pa kayo idamay."
"Sir, wala po talaga dito si Sher, we swear. Kung andito sya, edi sana kame na mismo nagdala sakanya sa presinto." -Norica
"Hindi ba kayo ang mga estudyante ng Judehill University?"
"Opo. Edi ba lahat ng mga taga Judehill, may galit kay Sher." -Pao
"Sigurado ba kayo jan? Hahanapin nalang namin sya baka tinatago nyo sya."
"Wala nga po sir. Swear." nagcross fingers naman si Pao ng patago.
"E bakit nandidito kayo? Wala ba kayong mga klase?"
"Wala po. Absent po kame." -Norica
"At bakit naman?"
"Kase may mga kumakalat na balita na marami na hong namatay dito sa gubat na to at minumulto narin ang cottage na to. Kaya po nagsspirit of the glass po kame." -Cham
"Spirit of ano? Tsk. Mga bata, itigil nyo na yang kalokohang yan. Mamaya mapaano pa kayo jan. Kayo'y mga bata lamang, ang dami nyo ng alam ah. Hindi maganda maglaro nyan. Magsiuwi na kayo."
"Pero sir, masaya po to. Sali po kayo!!" -Norica
"Ay nako hindi na. Mamaya ako pa'y masapian. Umuwi na kayo. Kundi, tatawagan ko ang mga magulang nyo."
BINABASA MO ANG
GAME OVER (ON-HOLD)
TerrorDeath is the game. Friends are the characters. Computer is my weapon. I am the controller.