NORICA'SPOV
1 hour na ang nakakalipas at di parin nakakabalik sila Ate Sher at Ate Pao. Ano na kaya ang nangyare dun sa dalawa? Nagaalala na ako. Gabing gabi na kase. Paano nalang pag nahuli kame ng parents namin? Yari na.
*BLAG*
Shit. Kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa at dinial ang number ni Ate Pao.
*BLAG*
"AH!" nagulat ako nung makita ko ang mukha ni Sen sa may bintana. Kumakatok lang pala sya. "Ate Sen!?"
Ngumiti sya sakin. Binuksan ko ang pinto at pinapasok sya. "Hi Norica."
"Ate Sen? Anong ginagawa mo dito?"
"Nakita ko kaseng kotse to ng mama ni Sher e. Akala ko andito si Sher e tapos ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?"
"Uh...dito daw kase ang bahay ni Leonor kaya pinasok nila. Nagpaiwan ako."
"Hay nako...bakit nyo ba kaseng pinagpipilitang si Leonor ang may kagagawan ng lahat e wala naman kayong proof."
Tumaas ang kilay ko. Huh? Hindi ba dapat natatakot din sya ngayon? Andami nang namatay e. "Patay narin si Ate Cham ah."
"Weh? Ow. Sad for her." parang sarcastic pa nung pagkasabi nya nun. Ang weird nya huh...
*toot toot*
From: Ate Pao
Norica. Ok ka lang jan?
To: Ate Pao
Yes ate Pao. Andito din si Ate Sen!! ^_^
From: Ate Pao
Anong ibig mong sabihin? Bakit anjan sya!?
To: Ate Pao
Huh? Bakit? Anong meron?
From: Ate Pao
Umalis ka na jan ngayon din!!!!
Huh? Ang weird ni Ate Pao. Wala namang ginagawang masama si Ate Sen ah.
"Sinong katext mo?" tanong ni Ate Sen habang nakangiti sakin na parang nakakaloko.
"Uhh...w-wala. Si mommy uh...pinapauwi na ako."
"Oh? Parang di naman mommy mo yun."
"M-Mommy ko yun. S-Sige a-alis na ako--"
"Si Pao ba yun?" biglang lumalim ang boses nya. kakaiba na talaga sya.
"H-Ha?"
"Alam nyo na ang lahat no?!"
"Anong lahat?"
"NA AKO ANG TUNAY NA PUMATAY!!!!"
Biglang lumaki ang mga mata ko. Nababaliw na ba sya? Anong sinasabe nya?! Sya ang pumatay kina Tin, Angelica, Armhila at Cham? "I-Ikaw?"
"Oo ako nga. At sisiguraduhin kong hindi mo ito mapagkakalat." tumawa sya nang masama.
Lalabas na sana ako ng kotse pero hinawakan nya ako sa braso at sinampal ng malakas. Naglabas sya ng kutsilyo at bigla akong natakot. "No...maawa ka Ate Sen..."
"Don't worry. Hindi pa ngayon. You'll be my bait...for now." nagsmirk sya at inuntog ako ng malakas sa may pinto and everything went black.
SHER'SPOV
"Sher kelangan na nating umalis! Nasa kotse si Sen!" -Pao
"Ano!?"
"T-teka. Ang anak kong si Lilian....nasa kotse nyo sa labas?"
BINABASA MO ANG
GAME OVER (ON-HOLD)
HorrorDeath is the game. Friends are the characters. Computer is my weapon. I am the controller.