Pahina: 18

251 3 9
                                    

AT DAHIL HALLOWEEN NA, MAGUUD NA AKO! HAHAHAHA

-

SHER'SPOV

"Papa, ano pong ginagawa nyo dito?" tanong ko nung kumalas ako sa yakap namin.

"Kailangan natin mailigatas ang mama mo baka ano pa ang gawin sakanya ng babaeng baliw na yun!"

"Oo nga po. Tara, kailangan po natin silang sundan.

Paalis na kami pero nagsalita naman si Norica na parang natatakot. "Paano pa natin sila maabutan? Malamang naisakay na sa kotse si Tita.

"Tito, Sher, Norica, may mga kakayahan tayo. Kaluluwa tayo, kaya nating lumagpas sa mga bagay bagay. Kaya nating magteleport dun. At malalaman din natin kung nasan sila pupunta o kung san na ang location nila." paliwanag naman ni Pao.

Tumango kami at hinawakan ni Papa yung kamay ko. "Halina anak. Kailangan nating maligtas ang mama mo."

***

"I'm sure dito dinala ni Sen ang mama mo. Naamoy ko." -Pao

Nandito kami ngayon sa school. Sa may hallway. Andito na naman kami.

"TULOOOOONG!!!! TULUNGAAAAAN NYO AKOOOO!!!" boses ni mama yun ah! Tumakbo kaming lahat sa library. Nandun si mama, nakakadena siya sa upuan. Kamay, paa katawan pati leeg. May mga bakas ng dugo sa damit niya at labi niya. Walang hiya ka Sen! Sinaktan mo mama ko!

*PAK* Sinampal ni Sen si mama!!! I clenched my fist dahil nangiinit narin ang dugo ko. "HAYOP KA SEN!!! WAG MONG GALAWIN ANG MAMA KO!!!!" sigaw ko sa sobrang galit.

"Alam mo sayang, hindi makikita ng malandi mong anak kung ano ang gagawin ko sayo. Masisiyahan akong makita ang kanyang magiging reaksyon kapag napanood niya kung paano kita pahirapan. Kung pano kita laruin." tapos tumawa siya na parang baliw. "Alam mo, kung hindi dahil sa kapatid ko, hindi mangyayari to e. Kung di lang sya epal. Sayang, close pa naman kami dati." nilalaro nya yung kutsilyo sa leeg ni mama. "I can't wait na matuluyan na ang anak mo. Papunta na ang mom ko sa ospital kung nasan nakaconfine si Sher. Mamatay na ang anak mo." at tumawa pa sya lalo.

"Shit Sher, kailangan nating pumunta sa ospital kundi matutuluyan ka na! Hindi ka na magigising pa!" -Pao

"Hindi ko puwedeng iwan si mama dito baka anong mangyari sakanya!"

"Tito, puwede bang dito muna kayo?" tanong ni Pao sakanila ni Papa at Norica.

Tumango si Papa pero si Norica, natatakot parin. "Ate Pao, wag mo ko iwan dito pls."

"Norica, babalik na tayong tatlo sa katawan natin."

"Paano si Tito?" -Norica

"Ok lang ako. Kailangan nyo nang bumalik." nakangiti si papa.

"P-Pero....pero hindi ko na po kayo makikita." maluha-luhang sabi ko.

"Makikita mo pa ako wag ka magalala. Dalian nyo na."

Magteteleport na sana ako nang makaramdam ako na parang wala na akong makita. Biglang nagiging puti yung paningin ko. Anong nangyayari sakin? "Pao, nahihirapan akong makakita."

"S-Sher..." nanlaki ang mga mata nya. Anong nakita nya sakin!? "B-Bakit n-nawawala ka? A-Anong nangyayari?"

"H-Hindi ko alam..." tinignan ko ang mga kamay ko. Oo, nawawala ako. Bakit ganun? "H-Hindi ako makateleport. B-Bakit ganun?"

"Anak, alam ko kung bakit ganyan." sabi ni Papa at napatingin ako sakanya. "Nagaagaw buhay ka na. Kailangan mo nang bilisan."

"Tara Sher at Norica, tatakbo nalang tayo. Bilisan na natin." -Pao

GAME OVER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon