Pahina: 4

239 4 4
                                    

SHER'SPOV

Kanina, ang creepy ni Angelica. Hindi tuloy ako makatulog dahil nagrereplay sa utak ko yung sinabe nya.

"I hate bitches who mind other business. Hindi mo alam ang kaya kong gawin..."

Aiish! Bakit ba ganun!? Hindi talaga ako makatulog nang dahil lang jan? Diba dapat sanay na ako na mean talaga si Angelica? Eh bakit yung kanina, parang may ibang side pa syang hindi pinapakita. At isa pa, bakit palagi nalang nila pinagkakaabalahan yung laro? Teka, tawagan ko lang si Sen.

Dinial ko yung number ni Sen at nagring ito. Sinagot nya rin ito. "Hello?"

"Uh...hi Sen."

"Oh Sher, napatawag ka?"

"Uh...gusto ko lang sanang tanungin kung.....maganda ba yung nilalaro nyo?"

"Yung Paranormal626?"

"Oo."

"Oo naman. Kaya nga addict na addict kame eh. Kaso hindi namin matapos tapos, 7 players lang kase kame eh."

"Ah ganun? Gusto ko sanang laruin."

"Talaga? Lalaruin mo? O sige ba. Basta maglog in ka lang. Game wreckers yung name. Tapos password ay pncsva2."

Tinype ko yung account name pati password. Naglog in at may walong username na nakasalang.

tin_E

MarieCurieSiopao

longlostplayer

Babygirl61

champoradooo

SkyBaby

slayqueen

blood_destroyer

Pinindot ko nalang si blood_destroyer since ako naman yun. Tapos mamaya nagrarandom pick na ng character. At nagstop kay....

tin_E....

CRISTINE'SPOV

*Bogbogbog*

Nagising ako ng narinig kong may kumalabog sa pintuan sa baba. Tinignan ko yung oras. 11:59pm palang at mukhang nakatulog ako. Bumaba na ako dahil hindi nagsastop ang pagkakalabog ng pintuan.

"Sandali!!" sigaw ko.

Binuksan ko na yung pinto pero isang malakas ng hihip ng hangin ang sumalubong sakin. Wow naman eh kanina lang, ang init ah. Kulang pa nga ang aircon sa sobrang init tapos sabay mahangin.

Sinara ko na yung pinto at dahil biglang nawala ang antok ko, maghahanap muna ako ng mapapapak sa kusina. Nakakita ako ng jar of hearts. chos. Jar of cookies. Eto yung cookies na ginagawa ni lola pero ewan ko kung bat buhay pa.

Binuksan ko at kumuha ng isa. Isinubo ko na at grabe! Ang tigas! Ano ba to!? Bato ata tong kinakain ko. O baka expired na kaya nanigas? O baka sa sobrang lakas ng hangin kanina ay nanigas na sa loob. Chos.

Ngunit nakaramdam ako na parang nasira yung ipin ko. Yung pinapasta ko. Kainis naman. Humarap ako sa salamin at binuka ang bunganga ko. Tinignan ko kung may sira. Pero nagulat ako ng biglang may nakita akong anino sa may likod ko. Papalapit sya saakin.

Lumingon ako, pero walang tao. Pagharap ko ulit sa salamin...

AHHHHHHH!

MULTO SA HARAP KO!!!! Napaupo ako na takot na takot at gulat. Yung mukha nung nasa salamin, ang pangit. Mahabang buhok at parang nakauniform pa sya. Itim ang buong mata at nakanganga habang sinisigawan ako. At ang huli kong nakita ay kadiliman.

*

Nagising ako na mejo kumikirot pa ang ulo. Nasaan ako? Namulat na ang mga mata ko nung naramdaman kong, parang nakatusok ang mga sinulid sakin na para bang puppet doll. At oo nga, kamay at paa ko parang nakatahi. At may bakat pa ng dried blood.

Natatakot na ako. Ayoko dito! Nasaan ba ako!? Tulungan nya ako!

"MMMHMMMM!!!!" sinubukan kong sumigaw ngunit nakadikit pala ang bibig ko. Parang nakamighty bond.

Namumuo na ang mga luha sa mata ko. Parang awa nyo na! Pakawalan nyo ako!

*toot toot*

Sa harap ko, may screen, at nagopen yun. Nakasulat dun ay instructions kung paano ka makakawala.

Instructions:

For your excemptional task, you have to take yoursef out of the threads that are connected from the ceiling to the parts of your body. You, the character, have been sewed. To get you out of the thread is very simple. Cut the threads using your teeth, or, pull the thread down but warning, it will be very painful. The choice is yours, goodluck.

Sinisira ko na yung sinulid using my teeth. Naputol na yung sa dalawang kamay ko, sa paa ko nalang. Hinila ko nalang yung sa paa at napasigaw ako sa sobrang sakit. Parang hinuhugot yung laman ko. Pero natanggal ko na rin at nakalabas na ako.

Pero nung nakalabas na ako, dalawa lang ang napansin ko, nasa school ako at hindi ko na controllado ang sarili ko. Nakita ko sa may salamin sa harap ko na isang mensahe na nasa papel.

You can no longer control yourself. You are now batterized. Your life is now depended on the player. Let the player control you. Goodluck!! May the odd be ever in your favor.

SHER'SPOV

1st task: Go to the first room and find the key for the second room. Don't wake the baby up or else, the baby will cry loudly and wake the first killer up. Goodluck!

Ipununta ko na yung character dun sa room. Sa loob nun, merong crib at may baby dun na natutulog. Pag nagising, lagot na! Nasaan na yung susi? Hm....ayun! Nasa ibabaw ng cabinet. Pinalakad ko dahan dahan yung character. At yung baby, mejo gumagalaw galaw at nagiinat. Ok konti nalang....konti nalang....makukuha na yung susi. Ok.....ok....baby don't cry, tonight~ chos. Ok....gotcha! Kelangan ko nalang ay lumabas. Dahan dahan nanaman akong lumabas at....

UWAAAAHHHHHHHHHH!!!!!!!!

Shit shit shit. Anong ginawa ko?! Di naman ako nagingay ah. Shit! Gising na yung first killer! Run for your life! Tumakbo na yung character habang hinahabol sya ng first killer na may dalang kutsilyo. SECOND DOOR! Second door!

CRISTINE'SPOV

Iyak ako ng iyak habang tumatakbo na may hawak na susi. Hindi ko alam kung sino ang kumukontrol sakin pero kung sino man, bilisan mo pls. May dalang kutsilyo ito! Papatayin ako! Nasaan ang second door!? Ayun, umiilaw ilaw ng red ang pinto baka second door ito. Isinaksak yung susi pero bakit ayaw mabuksan!? Tumingin ako sa ibang door, nagiilaw ilaw rin!? Baka hindi to ang second door!

SHER'SPOV

Sinubukan ko sa ibang pintuan pero ayaw rin. May note sa gilid.

Note: Ready, Go, Stop, Ocean, Sun, Darkness, Victory.

Ano daw!? Kanina, yung first room, orange color eh ano yung sunod? Bahala na. Pumunta ako dun sa yellow pero hindi talaga para dun ang susi. Saan!? Anjan na yung killer! Paparating na! Sinubukan ko sa green. Ayun ayun bumukas!

Pero bago pa tuluyang makapasok ay nasaksak na yung character. Ikinaladkad ito at pinagsasaksak pa.

"Game Over."

Ang brutal naman ng larong to. Kahit nakakatense, at thrilling, ang brutal ha. Buti nalang laro ito. Hayss.

GAME OVER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon