Pahina: 11

242 2 1
                                    

SHER'SPOV

Nagising ako sa silaw ng araw. Natandaan ko, nasa cottage pa pala ako. Bumaba na ako at hinanap si Trevor pero wala sya. Nasan na sya?

Nakita ko sa lamesa na may pancakes na galing sa mcdo at pinagtimpla nya pa ako ng kape. Meron ding note dun.

To: Sher

Nasa school ako. Babalikan nalang kita mamaya. Eat your breakfast na.

Natuwa naman ako kase nagpprepare pa sya para sakin. Pero naalala ko, yung joke nya kagabi kaya parang sumasama nanaman.yung loob ko.

Kinain ko na yung pancakes at ininom yung kape. Tinapon ko na yung styro at hinugasan yung mug. Pagtapos, bored na ako. Wala na akong magawa. Buksan ko nalang kaya yung tv.

Pagopen ko, news naman agad yung palabas.

"Isang babaeng nagngangalang, Sher Lim ang nakatakas sa San Juan City Jail. Kaninang umaga ay natagpuang, wala na si Lim sa kanyang kulungan at nakabukas na rin ang pinto ng kulungan. Hanggang ngayon ay pinaghahanap parin sya ng mga pulis at tumutulong rin ang mga kapwa estudyante nya sa Judehill University." sabi nung reporter.

Pinaghahanap na ako!? Sabe ko na nga ba e. Natatakot tuloy lalo ako. Parang hindi parin ako safe dito.

"Ang dapat death penalty! Nakapatay na nga, tumakas pa! Halatang guilty!" sabi ni James na kaklase ko.

"Oo nga. Pag nahanap na sya, tuturuan namin sya ng leksyon." sabi naman ng kaklase kong si Aaron.

Tumutulo na ang mga luha ko sa sobrang takot at nasasaktan rin ako. Dahil pati mga kaklase ko, mga kalaban ko narin.

Wala naman akong ginagawa e. Sana maniwala na sila. Sana may maniwala man lang sakin bukod kay Trevor at tulungan ako. Mamaya pa makakabalik si Trevor at baka mahanap pa ako ng mga pulis dito.

TREVOR'SPOV

"Sa totoo lang pare, hindi ako naniniwalang, si Sher ang papatay kay Armhilla e." -Sean

"Ako nga rin e." -Raymond

Napahimas lang ako sa baba ko. Ano na kaya ang nangyayare sa cottage? Usap usapan parin sya dahil kalat na nakatakas sya ng kulungan. At ang may sala ay ako na wala silang kamalay malay.

"Ikaw pre, naniniwala kaba?" tanong ni Sean sakin.

"Hindi rin."

"Well, ang o.a lang ng iba. Naawa nga ako sakanya e. Alam mo, crush ko si Sher." -Sean

"Ano!?" tinaasan ko sya ng kilay.

"Joke lang. Sayong sayo na sya pre." at tumawa sila ni Raymond.

"Hey, we got news for you guys." sabi ni Gareth.

"Ano yun?" tanong namin.

"Magkakaroon tayo ng field trip." announce nya.

Lahat naman sila nagcheer. Well, except for me. Dahil kung magffield trip kame, paano naman si Sher? Andun lang sya sa cottage? Tutol ako.

"Tutol ako." sabe ko sabay tayo.

Napatigil silang lahat at tumingin sakin.

"Whata are you saying bro? Fieldtrip is fun." -Gino

"Alam ko. Pero parang unfair kay Sher."

Lahat sila nagbulong bulugan na.

"Anong unfair kay Sher? Bro, she's gone. Gone for good. Dahil nakapatay sya." -Sky

GAME OVER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon