Pahina: 9

215 3 0
                                    

SHER'SPOV

Kinuha ko ang sulat at nilagay lang sa bulsa ko. Bumalik na akong classroom at binigay kay Norics yung physics book. Umupo ulit ako sa upuan ko.

Sakto pumasok si Sir Mariano, A.P teacher namin. "Goodmorning class. Pls keep your phones we are going to discuss."

At yun! Biglang naring ang phone ko at mabalian sana ng buto tong tumatawag na to. Letse naman oh. Ang lakas pa ng ringtone ko.

"Aherm? Kasasabi ko lang ah."

Nagpeace sign ako. "Sorry po." Kinuha ko yung phone ko at pinindot ang silent mode pero bago ko pa mapindot, tumatawag nanaman ang unknown caller.

"Get out Ms. Lim!!" sigaw ni Sir.

"Sir pasensya na po--"

"No. Lumabas ka. I am an impatient person at mabilis uminit ang ulo ko. Sige na, labas na." tumuro sya labas.

Bumusangot ako at walang ginawa kundi lumabas nalang. Alangan na tumambay pa ako sa harap ng classroom, nakakahiya no. Aalis muna ako at tatawagan ang lecheng caller.

Dialing...

"Hello?" sagot nito.

"Hoy ikaw kung sino ka man! Isinusumpa kita! Alam mo bang dahil sayo, pinalabas ako ng teacher ko! Sana alam mong may klase ako! Sana nagtext ka nalang! Buwisit!"

Napatawa nalang yung caller. "Si Trevor to."

Ang hayup na yun. "Trevor!? Tss. Alam mong may klase ako!"

"Sorry. Kala ko wala pa kayong teacher. At nakitawag lang ako kay Sean, wala kase akong load."

"Bakit ka ba natawag!?"

"Well, gusto lang sana kitang yayain. Mamaya, lalabas kami ng mga kasama ko, kakain kame sa mcdo."

"No thanks. Hindi ako one of the boys."

"Tss grabe. Minsan lang naman. Kung gusto mo, isama mo si Sen o kahit sinong friend mo."

"Ayoko. Atsaka baka pagtripan lang ako ng mga yan. At maiingay kayo. Mas trip ko sa tahimik na lugar. At yung nakakapagaral ako."

"Sus naman. Napanerdy mo. Sige naa. Libre ko. Kahit anong gusto mong kainin, sagot ko."

"Hindi rin ako PG kaya wag mong ipagmukha sakin na kahit ano ang kakainin ko."

"Parang tanga to. Syempre kahit ano nga. Gusto mo kahit fries lang or drinks or sundae. Ako na bahala."

"Hm...pagiisipan ko pa. Well, yayain ko si Sen kung sakali. Tetext nalang kita."

"Ge. Mamayang uwian ah."

"Ok bye." inend call ko na.

Dahil nabobored ako, at pinalabas naman ako ng teacher ko, maglibot libot kaya muna ako? Bumaba ako papuntang hallway. At mejo kinakabahan ako. Nadaanan ko ang library, avr room at....chem lab. Tinignan ko yung chem lab at luckily, wala naman akong nakita dun. Pero binilisan ko ang lakad ko at nadaanan ko yung computer lab. Nakabukas yung pinto.

Pero kinilabutan ako nung parang may nakita akong tao sa loob. Babae sya. Nakatalikod at nakaharap sa bintana. Nakauniform din sya. Anong ginagawa nya jan?

"Um...hello?" tawag ko. Pero hindi sya lumingon. "Um...oras ng klase ah. Bakit andito ka? Asan mga kaklase mo?"

Pumasok na ako sa loob at lumunok. "Um....hello?"

At ngayon, narinig ko na ang mahina nyang boses. "Tulungan mo ako."

"Huh? Bakit? Anong nangyare!?"

GAME OVER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon