Pahina: 19

108 2 8
                                    

SHER'SPOV

Unti-unti ko nang minulat ang mga mata ko. Sinubukan kong gumalaw pero nahirapan ako kase masakit ang katawan ko. Parang nakakapanibagong gumalaw. Nasa sahig nga pala ako. Tumayo na ako at tiniis ang sakit.

"H-Hija...I'm s-sorry..." paghahagulgol ng mama ni Sen.

"Huwag po kayong magalala. Kelangan ko na po masira ang sumpa."

"Hija wag mo naman saktan ang anak ko." pagmamakaawa nya.

Umiwas ako ng tingin. "Pag may nangyaring masama sa mama ko, hindi ko po maipapangako sainyong hindi ko sya masasaktan. Marami na rin po syang napatay."

"P-Patawarin mo na ang anak ko.."

"Dapat sya po ang humingi ng tawad at dapat din syang makulong." at umalis na ako. Wala na akong oras makipagusap sakanya.

Paglabas ko, sakto nakita ko ang parents ni Norica na nagmamadaling sumugod sa room ni Norica at nakita ko rin ang parents ni Pao na sumusugod din sa kuwarto ni Pao. Anong nangyayari?

Bigla akong nakaramdam ng parang may humiwa sa braso ko. Nakita kong dumudugo yung braso ko pero wala namang humiwa nito. May hiwa na lang kusa. Napansin ko na may mga patak patak ng dugo sa sahig. Hindi ko alam pero sinusundan ko ito.

Hanggang sa makarating ako sa fire exit. Nakasulat sa dingding na gamit ang dugo.

TAPUSIN MO NA ANG KAPATID KO. NAUUBOS NA ANG ORAS!

Nanghihina ako pero kakayanin ko dahil tatlong buhay ang hawak ko. Lalo na si Mama. Sana ok lang sya. Pag may nangyare talagang masama kay Mama, baka makapatay ako. Mapapatay ko ang bestfriend ko.

Pumara ako ng taxi at pumunta sa bahay nila Sen. Kelangan ko nang sirain ang computer nya para mawala na ang sumpa! At pag nasira ko na yun, kelangan ko na syang puntahan at tatapusin na namin to!

Nakarating na ako sa bahay nila at binayaran ko agad yung driver. Pumasok ako ng bahay nila, kahit nakasara ito, nagover-the-bakod ako. Pumasok na ako at umakyat sa kuwarto ni Sen. Pero nakalock ito. FVCK! Bakit nakalock?! Shit. Di ko alam kung nasan ang susi!

Nakaramdam ako ng mabigat na bagay na bumagsak sa ulo ko. Umikot agad ang paningin ko kaya bumagsak ako. May pumukpok ng ulo ko. Sino to?!

"I'm back bitch. I'm perfectly alive."

Boses ni Sky?

*

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Nasaan ako? Ang dilim ng paligid ko. Shit naman. Ang sakit ng ulo ko. Nasaan ba kasi ako?! Huh? Familiar tong lugar... Teka...Chemistry lab? Bakit ako nandito?! Paano ako napunta dito?!

"Hi Sher." biglang may nagsalita sa intercome. "Welcome to the game."

"SINO KA?! AT ANONG KELANGAN MO SAKIN?!" sigaw ko habang hinahanap kung saan galing ang boses.

"How could you not recognize my voice? It's Sky." tapos tumawa sya. "Musta na Sher? Namiss mo ba ako? Ngayong gising ka na, nakarecover ka na ba?"

"ITIGIL NYO NA TO NI SEN! MASAMA ANG GINAGAWA NYO!"

"Yeah. Nasabihan narin ako nyan e kaya lang, di talaga kame nakikinig. Sher, handa ka na ba sa hinanda kong game para sayo?"

"AYOKONG MAGLARO!"

"Aw. Sayang naman. Masaya pa naman to. May mapapalalunan ka."

"Ano naman?!"

"Buhay ni Pao, Norica, Trevor at Mama mo ang mapapalalunan mo pag nanalo ka sa game na to. O diba parang grand prize na rin? Isang laro lang yan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GAME OVER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon