Pahina: 10

282 2 2
                                    

SHER'SPOV

Tumayo ako sa kinauupuan ko nang biglang nagflash sa screen ang...ang mukha ng magandang babae. "You lose." at ngumisi ng nakakaloko. Tumakbo na ako papalabas at buti naman bukas na ang pinto.

Tatakbo na sana ako pabalik sa classroom ko pero napatigil ako nang makita ko ang isang bangkay sa tapat ng chem lab.

OMG. S-S-SI ARMHILA!!! Pugot ang ulo nya. Nanlaki ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. I-Impossible...

SEN'SPOV

"Nasan na si Sher?" tanong ni Cham.

"Oo nga kanina pa sya wala." -Norica

"Baka nasarapan na sya magcutting hahaha." sabi ko naman.

"Wow. Surprising. Si Pao, hindi nakagawa ng assignment sa Physics. Si Sher, nagcutting na. Mga topnotchers talaga o." umiling iling si Cham.

"GUYS!!!" sigaw ng isa naming kaklase na si James, na kakapasok lang ng classroom. "PATAY NA SI ARMHILA!!!"

Nanlaki ang mga mata namin at dali dali tumakbo at sinundan si James na papuntang hallway. Napatigil kame nang makita namin si Sher na nakatayo sa tabi ni Armhila. Bigla syang tumingin samin.

"Ate Sher?" -Norica

"G-Guys....s-si Armhila--"

Pinutol ni James si Sher sa pagsasalita. "Ay pinatay mo."

Napatingin kameng lahat kay James.

"A-Ano!? Sinisisi mo ba ako!? Na ako ang pumatay sakanya?"

"Nakita kita. Ikaw lang ang taong anjan. Walang ibang papatay kundi ikaw."

"H-Hindi ako...maniwala kayo..." maiyak iyak na si Sher.

"S-Sher? Pano mo nagawa yun?" -Cham

"H-Hindi ko sya pinatay. H-Hindi ako mamatay tao." umiiyak na si Sher.

"E sinong papatay sakanya?! sabihin mo nga!" -James

"H-Hindi ko alam..." mahina nyang sagot.

"Tamo! Tsk. Tumawag kayo ng pulis! Isang kaklase natin, suspek sa pagpatay kay Armhila!" sumigaw si James at lahat sila nagagree at tumakbo sa baba.

"A-Ate A-Armhila..." biglang umiyak si Norica.

"So ibig sabihin...si Cristine at si Angelica..." sabi ko.

Umiling iling si Sher. "Hindi. Wala akong kinalaman sakanila! Maniwala kayo! Kaibigan ko sila well except si Angelica pero hindi dadating sa punto na papatayin ko sila! Wala akong rason!"

"Talaga? E nung time na sinagot ka ni Cristine dahil kakompitensya mo si Pao, isa yun sa rason. Si Angelica, nung inaway mo sya. Si Armhila, hindi ko alam kung bakit." -Cham

"Hindi! Hindi ako ganun! Sen! Maniwala ka! Sen naman pls!" nagmamakaawa sya sakin pero hindi ko lang pinansin.

Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwala.

"Sen pls! Kilala mo ako! Bestfriends tayo diba?" tumutulo na ang mga luha nya.

"I'm sorry Sher, pero sa ngayon, hindi ko pa alam ang paniniwalaan ko." at umalis na ako dun.

SHER'SPOV

"Pao, Cham, Norica, pls. Hindi ako ganung tao. Parang awa nyo na. Wag nyo akong pakulong." humahagulgol na talaga ako.

"I'm sorry ate Sher, mas kaibigan namin si ate Armhila. Sa prisinto ka nalang magpaliwanag." -Norica

"B-Bakit nyo ba ginagawa sakin to!?" sigaw ko.

GAME OVER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon