Pahina: 6

210 2 0
                                    

PAO'SPOV

"Ms. Paula, anong nakita mo?" tanong ni Sir Conorado saakin.

"Omygosh." hiyaw ni Ms. Dela Fuente. "Sino yan?"

Tinuro nya dun sa monitor. May tao pero hindi mamukaan kase nakasuot ito ng cape. Tapos may hood pa sya. Itinaas nya ang kutsilyo at sinaksak si Cristine.

"Omygosh. I couldn't believe of what I saw. Di ko kaya." at biglang umalis si Ms. Dela Fuente.

"So sir, kumpirmado na. Tao ang pumatay kay Ms. Eugenio." sabi nung isang police.

"Hindi..." mahina kong sabi. Nakita ko sa monitor na umalis na yung taong sumaksak kay Cristine pero nakalutang parin ang kutsilyo. Baka nga hindi tao?

"Ano yan? Bakit nakalutang ang kutsilyo?" -Sir Conorado

"Sir, feeling ko po multo. Multo ang pumatay kay Cristine." sabat ko.

"Tumigil ka nga Ms. Paula, walang multo sa iskuwelahang ito. Sino naman ang papatay kay Cristine? Tao lang yan. Kitang kita sa cctv na nakasuot pa to ng cape."

"Sir, andito po ako para maki-imbestiga."

"Ms. Paula, bumalik ka na ng classroom mo ngayon din!"

"Pero sir--"

"Wag ka nang umangal. If you say another word, I will fail you in my subject. At sisiguraduhin kong, mawawala ka na sa pagiging top 1!" sigaw nya.

Nalungkot akong tumango at sumunod na lang sakanya. Umakyat na ako. Habang papaakyat na sa classroom ko, narinig kong parang may sumisitsit saakin.

"Pssst."

Sabi nila, pag may sumistsit sayo, wag kang lilingon. Kase pag lumingon ka, susundan ka na ng multo forever. Totoo man o hindi, wala namang mawawala kung sumunod sa pamahiing yun diba?

"Pssst."

Sino ba yun? Tss. Kinikilabutan na ako. Baka ako naman ang patayin. Ayoko pang mamatay. Sayang lang ang pagigiging top 1 ko.

"Pao." bulong nito. Wag kang lilingon Pao.

"Pao. halika...sumunod ka sakin." bulong pa nito. Ngayon lang ako makakapagmura sa isip ko. Fuck. Natatakot na talaga ako. Tumakbo na kaya ako? Isang floor nalang din naman e.

"Pao!" sumigaw na ito. Fuck talaga. Tatakbo na ako.

"PAULA!!!" tumakbo na ako pero bago pa ako makarating ng classroom, nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko.

"TIGILAN MO NA AKO!!!" sigaw ko.

"Pao!" lumingon na ako. Buwiset. Si Raymond lang pala. "Anong nangyayare sayo?"

"Raymond!" bigla ko syang niyakap. "Anong ginagawa mo dito? Kaasar ka naman. Tinakot mo ako."

"Kanina pa ko tawag ng tawag sayo, hindi ka naman nalingon. Ok ka lang ba?"

"Uh..oo ok lang. Kinabahan lang ng konti. Akala ko kung sino nang sumisitsit sakin e."

"May klase ka pa?"

"Uh..oo. Pinagalitan nga ako ni Sir Conorado. Ikaw?"

"Nagcutting ako. Boring sa klase ni Ms. Puyawan." kumamot sya sa batok nya.

Piningot ko yung tenga nya. "Tss. Kabaliktaran talaga kita. Ikaw talaga, kahit kelan, napakatamad magaral. Pumasok ka na nga."

"Masaya nga magcutting e. Uy, mamaya, sama ka samin kumain sa labas. Sama mo si Sher."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Sher? As in Sher Lim? Yung kaklase ko?"

"Ewan ko. Basta alam ko, Sher pangalan nga e. Pinakilala sya samin ni Trevor. Yung magandang babae na hot. Haha."

GAME OVER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon