SHER'SPOV
Andito na kami sa tapat ng bahay ng mga Sevilla. Kasama ko si Norica at Pao. Naisipan naming kausap ang mga magulang ni Leonor tungkol sa kanyang pag kamatay.
"Sure ka bang dito ang bahay nila Leonor?" tanong ko. Ako nga pala ang nagdrive gamit ang kotse ni mama pero di nya alam.
"Oo. Si kuya na mismo ang nagsabe." sagot ni Pao.
"Ate Pao and Ate Sher, uuwi nalang ako. Ayoko dito." pagmamakaawa ni Norica habang kumakapit sa shirt ni Pao.
"Sige um, dito ka nalang. Hintayin mo kame. Lock the doors. Wag kang lalabas o magiingay. If you feel something strange, tawagan mo agad ako ah." bilin ni Pao.
Tumango si Norica. "Okay. Pakibilisan nyo pls."
"We will." bumaba na kame ng kotse at nagdoorbell. Yung bahay, mansion sya. Malaki pero mukhang luma na sya. Medyo nakakatakot din ang itsura nito. Sana naman hindi lumipat ang mga magulang ni Leonor.
Bunukas na ang gate. Isang matandang babaeng nakadaster ang nagbukas.
"Magandang gabi ho." bati ko. "Uh..kayo ho ba ang nanay ni Leonor Sevilla?"
"Ako nga bakit?" masungit na tanong nya. "Andito ba kayo para maghagilop ng balita? Hindi ba matagal ng patay ang anak ko!?"
"Uh...opo pero kelangang kelangan lang po namin ng mga sagot. Hindi nyo ho alam kung anong trahedya ang nangyayare sa school namin. Pls po." -Pao
"Sige pumasok kayo."
*
"Anong gusto nyong malaman?" tanong nya at inabot samin ni Pao ang tig-isang baso ng tubig.
"K-Kase ho, kaming pitong magkakaibigan, simula nang laruin namin yung Paranormal626, isa isa na kameng namamatay. Apat na ho samin ang namatay. Hindi ko ho alam kung anong sumpa ang sumapi dun sa larong yun."
"Ikukuwento ko sainyo ang buhay ng pamilya ko."
Tumango kame ni Pao. Handa na kameng makinig.
"Si bunsong anak ko na si Leonor ay may ate, si Lilian. Silang magkapatid ay hindi mo mapaghiwalay. Sobrang close nila sa isa't isa. Madali silang magkasundo. Minsan, may konting away pero madali namang magkabati. Paborito ng tatay nila si Lilian. Ang tatay nila at ang panganay ko ay close samantalang ako at si Leonor ang close. Kung tutuusin, masaya kameng pamilya. Ngunit lahat yung kasiyahang yun, nasira dahil sa isang pangyayareng hindi namin inaasahan."
Habang nagkkuwento sya, palakad lakad sya. Feel na feel nya ang pagkuwento.
"Dumating sa punto na, naiinggit si Lilian sa pagiging close nila Leonor at ng tatay nila. Nung isang gabi na umuwi ng lasing ang tatay nila, pinagtangkaang gahasain si Leonor at nahuli ito ni Lilian na akala ay niyayakap lang ito at nilalambing. Nagselos si Lilian at nagplano na kung paano makakaganti sa kapatid. May pitong kaibigang lalaki si Lilian at yun ang plano nila, gahasain si Leonor pero wala sa plano nila na patayin ang anak ko."
FLASHBACK:
"BITIWAN NYO AKO!!! PARANG AWA NYO NA!! TULUNGAAAN NYO KOOOO!!!!" sumisigaw sigaw ang dalaga habang sya ay ginagalaw ng pitong binata.
Biglang lumitaw ang ate nya at nakatingin lang sakanya. Nakaramdam sya agad ng konting kasiyahan.
"ATE! Ate tulungan mo ako!" pagmamakaawa nga. Ngunit sa halip na tulungan nya ang kapatid nya, tinitigan lang nya ito. "Ate parang awa mo na!"
"Dapat lang sayo yan!" at umalis si Lilian. Nagintay sya sa labas ng isang oras. Makalipas ang isang oras na panggagahasa, lumabas na ang pitong lalaki.
"Tapos na." sabi nung isang lalaki.
"Lahat kayo nakasubok?" tanong ni Lilian na parang baliw.
"Oo. Sarap nga e. Ge, una na kame. Ikaw nang bahala." sabe naman nung isa.
"Good. Sige makakaalis na kayo." pumasok na ulit si Lilian at natagpuang nakahiga ang kapatid nya. Sira sira ang uniform. Dugo dugo yung hita. Iyak ng iyak. Basta halata mong nagalaw sya.
"A-Ate..."
"Ano? Masarap ba?"
"A-Ate b-bakit?" umiiyak parin ang dalaga.
"Wala lang. Akala ko may tinatago kang kati jan sa katawan mo e."
"A-Ate a-akala ko magkakampi tayo? I-ikaw ba ang may gawa nun?"
"Ako nga. At magkakampi naman tayo e. Tinraydor mo lang ako."
Dahan dahang tumayo si Leonor. "A-Ano? W-Wala akong ginagawa sayo."
"Anong wala!? Napakaselfish mo Leonor! Lagi nalang kayong magkasama ni tatay! Parang ikaw lang anak nya! Naiinggit ako Leonor! Akala mo kung sino kang santo jan e masama naman talagang ugali mo! Tinulungan kita sa lahat ng bagay pero ako hindi mo man lang tinulungan!"
"H-Hindi yan totoo. M-Mahal ka din ni tatay!"
"Hindi ako naniniwala. Dahil hindi ko yon naramdaman!"
"A-Akala mo lang yon ate. Pero hindi mo alam na ikaw ang pinaguusapan namin tuwing magkasama kame."
"Sinasabe mo ba to para maguilty ako ha!? Hahaha. Mautak ka din no! Well sorry ka, magsasama kayo ni tatay sa impyerno!" tumawa na parang adik si Lilian at naglabas ng kutsilyo.
"Ate baliw ka na ba ha!? Anong gagawin mo kay tatay!?"
"Tapos na. Ikaw naman ang isusunod ko!"
"Ate gumising ka nga! Hindi ka naman ganyan! Hindi ikaw yan! Tandaan mo ang mga tinurong magandang asal satin!"
"Wala akong pake! Mawala ka na!" isinaksak ni Lilian ang kutsilyo sa puso ng kapatid at ibinaon ito.
"Uuggghh A-Ate..."
Itinanggal ni Lilian ang kutsilyo.
"Matakot ka sa diyos ate."
Lalo syang nagalit at idinukot pa ang puso ng kapatid nya. Biglang lumaki ang mga mata nya sa kanyang ginawa. Pintay nya ang sarili nyang kapatid!
FLASHBACK OVER.
"M-Maarami po ba naming makita kung anong itsura ni Lilian at ni Leonor?" tanong ko.
Tumango sya at may kinuha sa may cabinet sa may sala. May kinuha syang dalawang larawan at ipinakita sakin. Isang magandang babae na nakangiti. "Ito si Leonor. Ang ganda nya diba?"
"Opo. E si Lilian po?"
"Ah si Lilian ba kamo? Sinunog ko na lahat ng mag larawan nya. Pero may isa akong larawan na itinira." may nilabas sya mula sa loob ng frama ng larawan ni Leonor. "Ito si Lilian."
Nanlaki ang mata namin ni Pao sa nakita namin. Hindi ito puwede. Imposible! B-Bakit s-sya?!
"S-Si Lilian po yan? Sigurado po kayo?"
"Oo. Si Rosenna Lilian Sevilla Banzuelo."
Si Sen ang nasa larawan. Ibig sabihin....sya ang may kagagawan ng lahat.
BINABASA MO ANG
GAME OVER (ON-HOLD)
HorrorDeath is the game. Friends are the characters. Computer is my weapon. I am the controller.