Pahina: 8

199 2 0
                                    

GUSTO KO LANG LINAWIN NA SILA AY MGA 4TH YEAR H.S STUDENTS. ETO ANG MGA AGE NILA.

Sher- 16 years old

Sen- 17 years old

Pao- 17 years old

Norica- 14 years old (maaga nagaral)

Cham- 15 years old

Armhila- 16 years old

Cristine- 15 years old

Angelica- 16 years old

SHER'SPOV

Napatitig lang ako dun sa nakasulat sa pader. Sino naman ang gagawa nito? Di kaya sinusundan ako ni Leonor?

"Sher, nakahanap na pala ako ng magandang--" napatigil si Sen ng makita nya rin ang nakasulat sa pader. "Ano yan?"

"Hindi ko alam." ang tangi kong nasagot. Lumapit ako sa computer ko at umupo sa harap nun.

"Naglalaro ka nyan, Sher?" tanong ni Sen at lumapit sakin.

"Hindi." mahina kong sagot.

"E ano iyan? Nakakatakot naman tong play me...kinikilabutan ako sa bahay mo ah."

"Walang milagro dito. Ngayon lang to nangyare." Well, simula nang laruin ang paranormal626, everything became weird and creepy.

Tinanggal ko nalang yung plug nung computer ko at tinakloban ng kumot. Ayoko ng gumalaw nyan. Ayoko na. Natatakot na ako.

"Bat di mo nilaro? Maganda naman laruin yun ah. Nalaro ko na kase yun, isang beses e." sabi ni Sen.

Umiling lang ako. "Ayoko. Um...tara na, manuod nalang tayo. Ano ba yung gusto mo?"

"Eto, Diary ng Panget the movie."

Ang corny pero sumangayon nalang ako para malibang sa iniisip ko. Mamaya ko nalang lilinisin yung dugo sa pader. Nattrauma pa ako ngayon.

PAO'SPOV

"Kuya, matagal pa ba yan?" inip na inip na ako. Kelangan ko ng magresearch. Dalawang oras na si kuya sa computer naglalaro ng walang kuwentang League of Legends na yan.

"Malapit na. Pusta namin to ng kaibigan ko e."

"Mas importante yung gagawin ko!"

"Boom! Panis ka saken hahaha. O ayan na, ayan na. Ikaw na dito." tumayo na sya at napakamot sa batok nya. "Ano ba kase gagawin mo?"

"Magssearch."

"Ng? Mabilis lang?"

"Hindi. Suggest kong matulog ka na. Bukas ka na maglaro pls lang."

"Ok ok fine. Matutulog na ko. Napakanerdy mo talaga."

Umirap lang ako at narinig ko ang sara ng pinto. Nagsimula na ako magtype sa search bar ng google. 'Leonor' at lumabas ay walang kuwentang resulta. Hindi ko naman kase alam ang apilyedo nya. Hm... 'Leonor ng Judehill University' at merong lumabas. Pinindot ko yung first link.

"Estudyante ng Judehill University na nagngangalang Leonor Sevilla ay natagpuang patay sa loob ng Chemistry Lab ng paaralan pagkatapos gahasain at patayin. Ang trese anyos na dalaga ay nasabing ginahasa ng walong lalaki at pinatay. Natagpuang may mga saksak ito at dinukot pa ang kanyang puso. Pitong suspek ay nahuli na at napatay, ngunit isa ay pinaghahanap parin. Hindi kinilala ang mga suspek dahil hindi sila umaamin na sila ay ang mga gumahasa sa dalaga."

Sino yung isang hindi pa nahahanap? Hindi kaya, sya yung pumatay kina Cristine at Angelica? Kung pinatay nya si Leonor, malamang gagawin din nya sa mga estudyante ng Judehill University. Pero, namatay si Cristine bilang isang puppet na cinocontrol. At nakalutang pa ang kutsilyo nung umalis na sa lugar yung nakacape na pumatay kay Cristine? Naguguluhan ako. Either Leonor or 7th killer lang ang hinala ko. Aalamin ko pa kung paano pinatay si Angelica.

GAME OVER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon