Pahina: 3

298 6 2
                                    

SEN'POV

"Nakakainis! Hindi ko natapos yung game! Naubos na kase yung 1 hour namin eh. Maubusan pa ako ng pera para sa extend." panghihinayang ni Cham.

"Ang creepy nung may ari ng shop. At hindi mo ba napansin? Tayo lang yung andun sa shop." -Angelica

"Bakit mo tinitignan yung may ari? Type mo?" pagtataray ni Cristine.

Tinaasan lang niya Cristine ng kilay. "Shut the hell up."

"Sus type mo lang eh." bulong nya.

Ay oo nga pala, tatanuningin ko nga si Sher ko nagawa nya yung research project na sinasabe nya kase di ko alam yun eh. "Sher." lumingon sya sakin. "Nagawa mo?"

"Ang alin?"

"Yung research project. Sabe mo ginawan mo rin ako."

"Huh? Research project?"

"Wag ka nga magloko. Serioso. Nakagawa ka ba?"

"Teka Sen ano bang sinasabe mo? Wala akong alam na may research project tayo at kelan ko naman sinabe na gagawan kita?"

"Tsk. Siguro hindi mo lang ako nagawan kaya ka ganyan." bulong ko habang nagtatampo.

Porma porma lang nya ata yun na gagawan nya ako. Kunwari wala syang alam sa research project para may palusot sya....bagsak nanaman ako sa subject na yun...

"I swear wala tayong research project." sabi nya pero di ko sya pinansin. Sinuyo naman nya ako. "Uy...galit ka ba?"

"Hindi." matipid kong sagot.

"Uy....sorry na. Wala naman talaga eh." hinawakan nya ako sa braso ngunit tinanggal ko iyon.

"Kakasabi mo lang kase kagabi eh. Sabe mo may research tayo tapos ginawan mo narin ako. Sinearch mo pa nga yung nilalaro ni Cham eh sabe mo maganda. Mukhang tuwang tuwa ka pa nga kase maganda yung laro nung sinearch mo." pagpapaliwanag ko sakanya.

"What?"

"Sinearch mo nga ba yung laro kagabi?"

"Uh..oo pero--"

"Edi ibig sabihin hindi ako nagsisinungaling. Sher naman..." kumamot nalang ako sa batok. Naiinis na kase ako sa totoo lang.

"Sinearch ko pero wala akong sinasabe na maganda yun. Nacucurious kase ako eh. At hindi naman kita tinawagan kagabi eh. Ang aga ko kaya natulog."

"Kung ayaw mo talaga maniwala...." kinuha ko ang phone ko at pinindot sa recent calls. Pinakita ko sakanya yung huling convo namin na 6:27pm.

"Sen?"

"Oh? Hindi ka parin ba naniniwala?"

"Hindi ko number yan..."

Pati ba naman to idedeny nya! "Sher naman eh! Pati ba naman--" napatigil ako ng napansin kong unknown number nga. 09102314626 ang nakalagay. Imposible! Kahapon, Sher naman ang pangalan dito ah! Bakit ganun?

"Imposible! Nagkausap talaga tayo kagabi!"

Umiling iling lang sya at humarap ng tingin. Galit na yan. Pano, akala nya niloloko ko lang sya. Pero, magkausap talaga kami kagabi eh! Eh kung hindi sya, sino yung kausap ko?

SHER'SPOV

Naglalakad ako sa hallway papuntang locker pero parang may humihip ng tenga ko. Nakiliti ako at agad na lumingon. Wala namang tao. Humarap ulit ako ngunit may nakita akong tao na nakasuot lang ng itim lahat at hindi ko makita ang mukha. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

GAME OVER (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon