Mika's POv^"Grabe yung exam sa math, naalog mga nerve cells ko." Pagrereklamo ni nella,parang hinihilot hilot niya pa yung noo niya.
"Sa pag kakaalala ko Quiz lang naman yun. bakit ganun kahirap? Papahirapan talaga nila tayo bago manlang mag sembreak?" Sabay dukdok ni kyla sa ulo niya sa desk.
"By the way! malapit na nga pala sembreak. dapat enjoyin natin yun. what do you think girls?" taas baba pa ng kilay ni prina.
Andito kami ngayon sa tambayan, remember yung store na pinuntahan namin dati.
"Uuwi kami ng province para dumalaw sa cemetery. pero sa October 30 pa naman yun." pag papaliwanag ni kyla.
"Me too " Si Nella din pala.
"Edi agahan nalang natin yung plano natin." Suggest ko sakanila. teka wala pa naman kaming plano.
"Overnight tayo sainyo Prina? sa start ng Sembreak? " good idea yung suggestion ni nella.
Lahat kami nag agree sakanya.
"Asan pala yung tatlong ugok mika? bakit di mo ata kasabay lumabas?"
"May bibilin lang daw sila sa mall " Si kyla na sumagot, syempre alam niya kung nasaan boyfriend niya.
malapit na mag sembreak na eexcite naman ako. Kaylangan ko din talaga ng break. Daming alam ng mga teachers ,eh. ako kasi ginawang secretary. wala naman akong sipag.
Na feel kong nag vibrate yung phone ko. Automatic naman na napangiti ako.
"what is the meaning of that smile?" Lahat naman sila napatingin saken na parang may alam sila pero nag tatanong padin sila.
"Wala! mga baliw ,! " Binalik ang tingin sa screen ng cellphone ko.
[papunta na kami diyan, miss you: )]
I text back.
[ok, ingat . seeyou :)]
"Ehem! Kamusta naman kayo ni tris?" malicous na tanong ni prina. chismosa talaga.
"Ok naman ako, Mukang ok naman din siya " inosente kong sagot sakanya. Kahit alam ko naman ang ibigsabihin ng tanong niya. maasar lang.
"He he he." sabay irap.
"Hahahahaha sorry na. ok naman kami. di naman kami mag kaaway. malapit na din daw sila dito."
Pagkasabi ko nun. tinignan na nila ko ng parang nangaasar.
Ok naman talaga kami. umamin siya na may gusto siya sakin, Manliligaw daw siya sa ayaw at sa gusto ko. Alam naman na nila yun. Botong boto pa nga sila.
"What?" kairita tong mga to.
"Wala naman. So anong level na niya diyan sa puso mo? "
"We know naman na you likes him too. Ang sweet niyo kaya. ayiie"
I like him too? Maybe? aminado naman ako na crush ko siya. pero like? I dont think so. Ewan ko ba dito sa puso ko. Di mabilis mag tiwala.
kung tiwala lang din naman ang pag uusapan. meron namab ako sakanya nun. Basta! Ewan!
"Hoy natulala ka na niyan!" kagulat naman to si nella.
"Silent means yes? you like him too?"
"Maybe/?"
"Ha?/anong maybe?/ di mo alam?" Sabay sabay nilang tanong.
"Hahahaha nakakatawa kayo." sinamaan nila ako ng tingin. "Maybe nga kase. Ako na bahala." .
YOU ARE READING
The way You are
Teen FictionBakit nga ba tayo gumagawa ng desisyon? To be happy? or To make others happy? Paano kung ang desisyon na ikakasaya mo ang ikalulungkot ng mahal mo? Hindi mo na ba itutuloy ang desisyon na matagal mo ng pinagplanuhan, dahil nakasalalay rito ang ka...