Mika's POV"Ella!!! bumaba ka dito!"
Takte naman 'to si mama oh!
Malapit na ako sa part na magkaka aminan na yung dalawang bida eh,.Lumabas nalang ako ng kwarto ko bago pa 'ko sigawan ulit ni mama.
November 1 na nga pala ngayon kaya busy si mama na magluto ng mga handa namin.
Hindi ko nga alam bakit siya nag hahanda eh, wala naman akong maalala na may namatay na ba kaming kamag-anak. Di ko naman hinihiling na meron nga. nag tataka lang ako.
"Yes Ma?" pinuntahan ko na siya sa kusina. Ambango! Naamoy ko na yung sopas . wohooo.
"Pupunta yung tita Fey mo dito kasama si claire. " Omy! makikita ko na ulit si claire . miss ko na yung babae na 'yun.
si tita Fey BFF ni mama, kapatid naman siya ni papa.
"Kumuha ka ng pera 'dun sa taas ng ref, bumili ka ng cake. yung mocha ha! 'wag chocolate."
"Daya naman Ma. I love chocolate. " sabay pout.
"HAHAHA Ampanget mo anak . sige na nga. umalis ka na. " Umalis ako ng bahay ng mayroong ngiti sa aking mga labi.
Sumakay ako ng jeep. wala kaming kotse. motor lang .
Regalo yun ni papa kay mama 'nung anniversary nila. Sweet 'noh? 'di pa ko marunong mag motor kay mama kasi yun.nakarating ako sa mall . Bumili kaagad ako ng cake. excited na'ko umuwi baka nan'dun na di claire.
nilabas ko yung phone ko para tignan yung oras. 5:22 pm. baka nandoon na nga 'yun. babalik ko na sana yung phone ko kaso nabangga ako sa matigas na bagay.
"Aray!" napapikit ako. bwisit naman! 'kelan pa nag ka pader sa pinto ng exit ng mall?
" stupid! whatch your step!" Tapos umalis na siya sa harap ko. naiwan naman akong tulala.
blinl*blink
Ay! punyemas!
Gwapo sana. Antipatiko lang! kagigil !
" Mika??!" lumingon ako sa likod. si tris pala yung tumawag sakin. shit pogi niya sa suot niyang itim na polo. Lumapit siya sa'kin.
"A..anong ginagawa mo dito?" shems ba't ako nauutal?
nag smile siya. " napadaan lang ako dito, may bibilin lang, ikaw?" Tinaas ko yung cake. "oh, I see "
"pauwi na sana ako. baka hinahanap na ako ni mama." padilim na din kasi. mabilis mag dilim kasi malapit na ang pasko.
"Hatid na kita?"
" Hala! No , wag na. May bibilin ka pa di ba? kakapasok mo lang ng mall. Ako nalang uuwi, kaya ko naman " nginitian ko siya para naman mapanatag siya.
"Sure? sige, kahit diyan nalang kita ihatid sa sakayan." pumayag na'ko. di naman papatalo 'to. sa sakayan na nga lang eh.
"Bye :))" Sumakay na ako ng jeep. pag ka uwi ko palang ng bahay tama nga. nandoon na sila tita.
"Waah!!! Insan! Imissyou na." nagulat ako kay claire biglang sulpot sa harap ko. niyakap ko na din siya. aatakihin ako sa puso dahil sa babaeng 'to.
"Hindi kita na miss insan. sarreh! " Nag pout naman siya. Natawa na'ko sa itsura niya.
"tse! denial ka pa. tara na nga. kain na tayo." hinila niya ko papuntang lamesa.
"Andito ka na pala anak.Tara kain na." Kumain kami ng tahimik. Siyempre joke lang 'yun. di uso ang tahimik sa amin kahit kumakain. mag kausap kami ni claire, tapos si tita saka si mama naman.
Kwentuhan lang tungkol sa buhay buhay. simula nung lumipat ulit kami dito sa bago naming bahay.Pagkatapos kumain si tita na daw mag huhugas ng pinggan, kami ni claire umakyat na sa kwarto ko.
Naglinis at nagpalit ng pantulog.
"Kamusta naman sa new school mo?" Pareho kaming nakadapa dito sa kama.
" Ok lang, na meet ko ulit yung mga dati kong friends. Remember yung mga nakwento ko dati sa'yo? "
"Oh, nice. So madali ka palang nakapag adjust eh. "
"yeah." maikli kong sagot. Naalala ko si tris. 'di ko alam kung mag kwento pa ako sakanya tungkol kay tris. Siguro kaylangan nga para makapag bigay siya ng advice sakin.
"Insan?"
"hm?" nakapikit na siya, patulog na siguro 'to.
" may mga bago na din akong mga friends, tatlong boys sila."
dumilat siya. halata mo sa mata niya yung excitement.
"Mga pogi?? " sabi na nga ba eh,
"Hmm. oo. kaso mga taken na sila insan, kaya wala ka ng chance" Sabay belat ko sakanya.
"Sus! ang daya naman. Sana dati mo pa sinabi. Go kwento ka tungkol sakanila."
"si rein boyfriend siya ni kyla. Si alex naman may gusto siya kay prina, pero hindi pa sila. tapos si tris...." napatigil ako. kkwento ko ba? paano ko ba sasabihin.
"Si tris?" halatang nag aabang siya ng sagot mula sa akin.
"Si tris... nanliligaw sakin." nanlaki yung mata niya.
"OMG!!! REALLY?? KINIKILIG AKO INSAN! Yiiiee! " napaupo na nga siya sa sobrang kilig.
"Huwag ka nga maingay baka marinig ka ni mama. "
Nag crossarms siya tapos biglang nag seryoso.
"Hindi alam ni tita?""Siyempre alam niya. 'kelan ba ko nag tago kay mama? pumayag naman siya basta ligaw lang muna."
"Mas lalo akong kinikilig.. So may chance?" taas baba pa siya ng kilay niya.
naupo na din ako.
"Siyempre meron. Mag papaligaw ba ako kung wala? actually nakita ko nga siya kanina sa mall eh, " naalala ko na naman ang kapogian niya.
"eh, bakit hindi mo sinama dito? para nakilatis ko na." parang di'ko gusto yung kilatis na sinasabi nito eh,
"May binili siya kaya hindi ko na sinama. next time na. matulog na tayo. goodnight insan: )) "
"Goodnight".
YOU ARE READING
The way You are
Teen FictionBakit nga ba tayo gumagawa ng desisyon? To be happy? or To make others happy? Paano kung ang desisyon na ikakasaya mo ang ikalulungkot ng mahal mo? Hindi mo na ba itutuloy ang desisyon na matagal mo ng pinagplanuhan, dahil nakasalalay rito ang ka...