Prina's POV
"Kayong talagang mga babae, Ang hilig mag malling tapos ang kaunti lang naman pala ng bibilhin. Dapat nanood nalang talaga tayo ng sine."
Kanina pa nag rereklamo 'tong kasama ko. Siya nag aya na mag Date kuno daw kami. Tapos nag rereklamo.
"Sasapakin na talaga kita, Isa pang rant mo diyan. Ang corny ng sine noh. Masasayang lang ang ilang oras ng buhay mo."
Pasalamat nga siya dalawang paper bag lang ang bitbit niya habang naglalakad. Hindi tulad ng ibang babae na halos gawin ng tagabitbit lang yung ka date nila.
"Corny? 'di ba, iyon nga yung gusto niyong mga babae? Kakaiba ka talaga."
Yeah, I know. and that's me. Mas gusto ko pa kumain.
"Gutom na ako."
sakto nandito kami sa tapat ng Jollibee *u* .
"Tara? doon tayo sa Mcdo.?"
Nandito na kami sa tapat ng Jollibee tapos sa Mcdo pa siya mag aaya.
"Ayoko 'don. Dito tayo sa Jollibee." Pag pupumilit ko.
Hinarap niya ako. Nauuna kasi siya maglakad.
"Mas masarap sa Mcdo. Lalo na yung chicken fillet nila. Tara na." Hinawakan niya yung wrist ko. Hihilahin niya na sana ako papunta sa Mcdo .
"Hi Prina. Taray may pa HHWW pa kayo ni Papa Gabby.. Hi Gab "
"O___O Anong ginagawa mo dito?" Biglang sumulpot galing kung saan si Nella.
"Bakit masama? bibili ako pang paint ko." paliwanag niya
"Ang bilis mo naman tumakbo. porket payatot ka."
Bibili pala ng pang paint ha. kaylangan may escort.
"Tse!"
"Hello rin Nella, Nag ddate din na kayo ni Ethan?" Tanong ni Gabby, So magkakilala sila nung lalaking kasama ni Nella.
"Hindi noh! Asa pa siya. Nagpumilit lang 'yan sumama, walang magawa sa buhay niya. Magkakilala kayo?"
Denial pa siya. Bagay nga sila eh.
"Pwede ba, bago tayo magkwentuhan kumain muna tayo?"
Sumingit na ako sa usapan dahil gutom na gutom na ako. Paano ang usapan 5pm pa. naging 2pm.
Hindi tuloy ako nakapag tanghalian ng maayos."Oo nga. dito kami sa Jollibee kakain. dito na rin kayo. Tara na Prina hanap na tayo table. Kayong dalawa, Umorder na kayo."
Hinila na ako ni Nella sa loob at nag hanap ng Table. mabuti naman. Ayoko sa Mcdo . Wala naman nagawa yung dalawa.
Pagkahanap namin ng table umupo na kami. nakakapagod maglibot.
"So.... You and Gabby are dating. ang sweet niyo. may pa holding hands ng ganap. dati chat chat lang. " Nagsisimula na siya mang-asar. Diyan siya magaling.
"Oo na. Nag ddate na kami. wala naman masama. Single naman siya walang magagalit."
"Ayiie.. Pumapag ibig na siya. Hindi ka na magiging bitter."
"Whatever! ikaw rin may ka date ha? " Pambawi ko sakanya. Sumama bigla ang aura niya.
"Hindi kami nag ddate, Sabit lang siya. Muntikan pa nga ako patayin kanina sa motor 'nun. "
Nakakatawa yung mukha niya. Galit na galit.
"Here's your order two beautiful ladies." Tapos binaba na ni Gabby yung orders. In fairness alam niya na yung mga gusto ko. Lagi kasi kami mag ka chat.
"Bakit wala akong sundae? " pag mamaktol ni Nella. Nasa harap namin sila. Ang cute nila.
Parang aso at pusa.
"Malay ko ba na gusto mo pala 'nun." Sagot sakanya ni Mr. neighbor niya. Hindi ko pa siya kilala.
"Hayts. ako na nga lang bibili." Tumayo na si Nella para umalis. Pinigilan siya ni Mr.Neigbor.
"Ako na bibili. Arte talaga."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Humagalpak kami ng tawa ni Gabby. Sinamaan naman kami ng tingin ni Nella na nakaupo na ulit.
"What's Funny.?"
"Wala. ganyan pala kaming tignan ni Prina kapag nag aaway."
"Ang Cute niyo. " dag dag ko pa.
"So cute tayo?" nag ning-ning ang mata niya sa narinig niya.
"Ako lang hindi ka kasama." sumamingot yung mukha niya. Hahahaha
"Wag ka maniwala diyan Gabby, cute ka rin sa paningin niyan ni Prina, Denial lang siya."
"Alam ko naman 'yon Nella." Pagkasabi niya nun nag tawanan na sila.
"So kelan pa kayo naging close?" nagtataka ako sakanilang dalawa.
"Ngayon lang. mabait pala 'to Prina. sagutin mo na."
"Ewan ko sayo, tigilan niyo ko."
"Eto na sundae mo. makakakain na rin finally. "
"Hehe thank you"
Pagkatapos namin kumain hindi muna kami umalis. nag kwentuhan muna kami.
"Mag ka dancetroup pala kayo kaya pala mag kakilala kayo. Ano nga ulit name mo?" tanong ko sa kasama ni Nella.
"Ethan, bago lang ako sa dance troupe kaya iilan palang yung close ko 'dun."
"kaya pala you're not familiar. tambay kasi ako ng dance studio dati." Yeah, tambay ako doon dati dahil kay Alex.
"Eh bakit dati lang?" tanong ni Ethan. medyo chismoso siya ha.
paano ko ba sasagutin 'yon.
"Ano kasi..."
"huwag mo na nga itanong. chismoso ka talagang bakla ka. Tara na nga bibili na ako ng gamit ko."
Tumayo na kami para umalis. nag hiwalay kami ng landas .
Tahimik ng kasama ko. anong nangyari dito? Naglalakad na kami papuntang exit para umuwi.
"Tahimik mo ata?"
"Ah wala."
"Weh/? Ano nga problema?" Hindi ko siya titigilan hanggang hindi niya sinasabi.
Huminto siya sa paglalakad.
"Iniisip ko lang, Bakit nga ba hindi ka na tumatambay sa dance studio ngayon.?"
Ow, Yung tungkol doon pala yung iniisip niya.
"Yung tumatambay pa kasi ako doon dati noong medyo may gusto pa ako kay Alex . tsaka noong kinukulit niya pa ako." Medyo alanganin kong sagot.
"Ah... kaya pala. " Tapos nagsimula na ulit siya maglakad. Parang lalo lang siya na tahimik dahil sa sagot ko.
Bakit ko ba kasi sinagot? eh kasi naman nag tanong siya.
Sinabayan ko nalang siya sa paglalakad.
bakit parang ang layo ng exit? Feeling ko kanina pa kami naglalakad.
"Kaya pala hindi ka na tumatambay doon kasi wala ka ng dahilan para pumunta doon, dahil hindi mo na gusto si Alex?."
parang ganun na nga?"Pwede ka ba ulit pumunta doon kapag practice? Para panoorin ako?" Huminto ulit siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Napatingin ako sakanya.
Para siyang nagmamakaawa kung titignan niyo siya."Aist. Never mind. Tara na nga. " ngumiti na ulit siya and he offered his hand to me to continue to walk.
Pag katanggap ko ng kamay niya sinabi ko na yung gusto kong sabihin.
"Hindi mo naman 'yan kaylangan hilingin. Balak ko naman talaga gawin 'yon. Someday. " Pagkasabi ko noon naglakad kami ng magkahawak ang mga kamay.
---------^^^
YOU ARE READING
The way You are
Teen FictionBakit nga ba tayo gumagawa ng desisyon? To be happy? or To make others happy? Paano kung ang desisyon na ikakasaya mo ang ikalulungkot ng mahal mo? Hindi mo na ba itutuloy ang desisyon na matagal mo ng pinagplanuhan, dahil nakasalalay rito ang ka...