Kabanata Labing dalawa.

2 0 0
                                    


"Nandito ba si Tristan Garcia?" dinilat ko yung mata ko.

Siya yung kanina. Yung tumawag ng honey kay Tris.

Anong ginagawa niya dito?

"Pare! Si shiella." Gulat na gulat pa si alex.

Lumingon dito yung babae. Napa kunot noo ako sa tingin niya sa 'kin. Ang sama ng tingin niya.

Pumasok siya ng Room. Dere-deretso sa harap namin.

"Hey? Ikaw? Bakit ka naka ganyan kay Tristan?"

Umayos ako ng upo. Hindi ko siya pinansin. mukhang nainsulto siya sa 'di ko pag pansin sakanya.

"Shiella, pwede ba umalis ka na. You're making a scene."

"Shut up Tristan. Nawala lang ako saglit may pinalit ka na agad sa akin?"

Pinalit? Ang alam ko 2 years ng single si Tris.

Nilingon ko si Tris. parang nag tatanong ako na 'who is she? and what is she talking all about?'

"Huwag ka ngang Feeling Shiella. 2 years na tayong break. Remember?"

"I Don't care. alam mo naman para sa akin, parang kahapon lang 'yun nangyari."

Paiyak na siya habang sinasabi niya 'yun.

"Tsk. Move on. ikaw ang nakipag break, hindi ako. Kaya tigilan mo na 'ko."

Talagang sa harap ko pa sila gumagawa ng eksena.

"Sorry na Tris, Matagal ko ng pinagsisihan yung nagawa ko sayo. Patawarin mo na ako."

umiiyak na nga siya. Sa totoo lang naaawa ako sakanya.

Ayoko sa lahat yung nakikitang nag mamakaawa ang kapwa ko babae sa isang lalaki para mahalin lang sila nito. How pathetic.

"Stop this." Hinila ni Tris yung babae sa labas ng room. hanggang sa hindi ko na sila nakita.

okay? Anong nagngyari?

"Grabi si Shiella pre! " napatingin ako kay Alex. halata kasing amaze na amaze siya.

"Who is she?" Out of nowhere naitanong ko.

"Si Shiella 'yun mika. Ex ni Tris.. Ganda noh? -Aray! bakit mo ako binatukan Rein?"

"Ang insensitive mo kasi. Si Mika 'yang kausap mo. Mika na nililigawan ni Tris. Gag*"

"Ano ba kayo. Okay lang ako." Okay nga ba ako? hindi manlang niya sinabi sa akin na bumalik na pala yung ex niya.

"Mas maganda ka pa rin kesa dun Mika, Sayo parin ang boto namin. Hehe" Baliw talaga 'to si alex.

Mabilis lang nag daan ang oras. Uwian na pala. Hindi na pumasok si Tris. ano na kaya nangyari 'dun?

"Nakita niyo na ba si shiella? Ang ganda padin niya noh?" Girl#1

"Oo nga eh, mas nag improve pa nga. nawala lang last year. " Girl#2

"Yung lalaki na kasama niya kanina yung ex niya di' ba? Ang pogi talaga 'nun. Bagay talaga sila." Girl#3 Parang mga kinikilig pa. tsk.

"Mika!??"

nandito na pala yung tatlong babae.

"what's with that face?" Tanong ni Nella.

"Wala. Tara na nga sa tambayan." aya ko sakanila.

Pagdating namin sa tambayan hindi na nila ko tinigilan sa kakatanong. kung ano na daw ang itsura nung Shiella? Ano daw reaksyon ni Tris nung nakita niya yung babae? Ano daw sabi nung nagkita sila.? Ano daw naramdaman ko? at marami pang iba.

"Pero seryoso Mika? Nagselos ka noh?" Nag selos ba ako?

"Hindi noh." parang defensive ata ko sa sagot ko.

"Sus! halata naman sa reaksyon mo. Don't Us." Lakas talaga mang asar nito ni Prina.

"Gusto mo kwentuham ka namin tungkol kay Shiella?" talaga bang inaasar ako ng mga to? ang alam ko ako yung kaibigan nila eh.

"No need, wala naman ako paki alam." ininom ko nalang yung Softdrink ko.

"Ganito kasi 'yun. First year palang crush na ni Shiella si Tris. Hindi nagtagal niligawan na siya ni Tris. Mabait naman kasi talaga yun si Shiella, may pag ka maingay lang talaga. Tsaka Title holder yun ng Ms.Teen ng school natin. pinang lalaban din siya in other school." Ang dal-dal talaga nitong si Prina eh, Stalker ata nung Shiella 'to . Ayaw pa talaga paawat. " Tapos naging sila nung 2nd year. Sobrang Sweet nila Promise. Naging sikat yung love team nila, kasi nga famous si Shiella at pogi naman si Tris."

Sweet ha?

"Kaso nag break sila nung malapit na matapos yung school year. walang nakaka alam kung bakit." pag papatuloy ni Prina.

Ganun? Ano nga kayang reason? Na kwento lang sakin dati ni Tris na may naging girlfriend na siya pero isa lang. Tsaka 2 years na silang break. Wala siyang kinwentong iba bukod doon, hindi na rin ako nagtatanong tungkol dun kasi sabi niya. Past is past.

*Clap*

"Ay! Palaka! Ano ba kayo?" Tatlo silang pumalakpak sa mukha ko.

"nakatulala ka kasi. Wala palang paki alam ha?" Hanggang mamaya masasapak ko na 'to si Prina .

"Hindi namin kinwento sayo to para ma insecure ka sakanya. Sinasabi namin 'to para kilala mo ang kalaban mo." Anong kalaban pinagsasabi nito ni kyla?

"Kalaban?" Nagtataka kong tanong.

"Yes, Si Shiella. Makulit kasi 'yun. Kaya niya nga nagawang ma fall sakanya si Tris dati . 'di nakaka pagtaka kapag nakulit niya ulit si Tris ngayon. Pero dahil nandiyan ka na. ewan nalang namin." si kyla naman ngayon ang nagsalita.

"bakit naman ako ma iinsecure? alam kong maganda ako. wala pa nga akong ginagawa nahulog na si Tris. Wala ba kayong tiwala sa akin? " Kinindatan ko pa sila.

"Yeah Girl! Fight Fight! " Natawa kami kay Nella. Akala mo talaga makikipag away.

Fight?

Fight for what nga ba?

-------^^

A'N:

The way You areWhere stories live. Discover now