Kabanata sampu

5 0 0
                                    


A'N: Waaaah!!! nakakabitin yung ending nung "dating aly perez" -.- baka may special chapter kayo diyan. Paki naman.  Huhuhuhu   :'(

Mika's POV

"Goodmorning, sunshine!! " Im so energetic today.

mamaya na yung christmas eve. Sana lang talaga makakauwi si papa, kaso may emergency daw bigla sa work niya.

"Hi ma? Sup? Amabango naman niyan " Naamoy ko yung adobo na favorite ni papa.  'we miss him so much'  .

"of course, Especialty ata 'yan ng maganda mong mama. " Sabay kindat.

"Naku ma! gutom lang 'yan."

"Oo nga anak eh, samahan mo pala ako mamaya mamili ng panghanda natin. Otw na sila tita mo."

makikita ko ulit si claire *u*
Kahit madalas wala sa katinuan 'yun. na mimiss ko pa din pagiging madal-dal niya.

pagtapos namin kumain ni mama naligo na'ko para makaalis kami agad.

------^^

"ma! Bakit ang daming tao?" akala ko kunti nalang kaya sumama ako, ang dami pa rin pala nag lalast minute shopping.

"Ano ka ba anak, h'wag ka nga magulo, magulat ka, kapag walang kahit isang tao dito maliban sa atin." Yeah! yeah! alam niyo na kung kanino ako nagmana.

Sinundan ko nalang si mama kahit saan siya magpunta. hindi ko naman siya matutulungan pumili ng mga ingredients, Sad to say wala akong alam sa pagluluto.

Hindi pa naman ako mag aasawa.

"shit"  o______o "Aray naman po" hinimas himas ko yung ulo ko na nabatukan ng mabait kong nanay.

"Sino nagsabing mag mura ka? akala mo hindi ko maririnig ha! "
Eh, kasi.. si ano. nakita ko.
Future asawa.

"Hi Tita and Mika "

"Oh! Ikaw pala Tris. Hi din" napag hahalataan na crush niya si Tris. Pati nanay ko,  kaagaw ko sa poging to.

Nag smile lang ako. nahihiya ako, baka nakita niyang binatukan ako ng sarili kong nanay.

"Mukhang madami po kayong pinamili, para po ba 'yan mamaya?"

"Oo Tris. ikaw ? anong ginagawa mo dito? "

"Naghahanap po ng panregalo, nahihirapan po kasi ako mag-isip ng ireregalo ,kaya ngayon ko lang po naisip ang ireregalo."

"Ay! Ang swerte naman pala ng taong 'yan. Mukhang pinag isipan mo talaga ang ireregalo mo sakanya." biglang sulyap sa akin ni mama. Hindi ko alam kung maasar ako o matutuwa? Pero mas na feel ko yung una. tsk.

"Yes tita. She is. "  She is? So,  that means... ? No Ella, don't be so affected.

"Matagal pa ba tayo ma? ang init na. "

"Tsk. Hindi ka naman umiitim kahit mabilad ka sa araw. wait lang, kinakausap ko pa 'tong manliligaw mo."

"Ma!! " I said as a protest.

I heard Tris chuckled.

Tinaasan ko siya ng kilay. napansin naman niya agad 'yun.

"Tita, tapos na po ba kayo mamili? Ice cream po tayo?"

Ice cream *u*

"Hindi pa Tris eh, Pero kaya ko na 'to mag isa." nilingon niya ako. "Kayo nalang ni ella."

tapos pinagtulakan niya kami ni Tris palabas ng market.

"Your Mom is cool."

Halatang natutuwa siya masyado kay mama. Paanong hindi, eh, unang pagkikita palang nila gustong gusto na siya ni mama para sa'kin. Halos i benta na ko ng sarili kong nanay sakanya.
nakakaiyak.

"Whatever!" nauuna ako maglakad, naiinis parin ako. hindi ko alam kung bakit? aist!

"Huy! galit ka ba?" Nauuna na siya 'kesa sakin ngayon. nasa harap ko siya, habang naglalakad siya ng nakatalikod.

"Umayos ka nga, baka makabangga ka."

"ayaw! galit ka sa'kin eh,"

"No. I'm not,  okay? imagination mo lang 'yan." Umayos na siya ng lakad.

teka, bibili siya ng regalo di'ba?
Huminto ako sa paglalakad. automatically, huminto din siya.

"Bibili ka ng gift, right?"

"Yeah! pero, mamaya na lang 'yun. Ice cream muna tayo. umiinit nanaman ulo mo eh," Inakbayan niya ko, pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Pogi naman talaga 'to si Tris. Hindi man yung poging mala prince charming sa mga fairytales, pero hindi ko naman kaylangan ng prince charming. Kaylangan ko yung lalaking hindi ako iiwan at sasaktan.

"Lutang ka nanaman. iniisip mo nanaman ako."

"Kapal!"
tinawanan niya lang ako. Bad Tris.

"Pakain ako sainyo mamayang gabi ha?"

"Ha? bakit? wala ba kayong handa? imposible."

natawa nanaman siya. Yung totoo mukha na ba talagang joke 'tong mukha ko?

"I just want to be with you . mga 1am pa naman ako pupunta."

"okay" Yun lang nasabi ko.
Speechless nanaman ako. lagi naman pag bumabanat siya.

Nagmalling lang kami saglit, pero dahil naalala ko si Claire. baka nakauwi na sila. Nag aya na ako umuwi.

Hinatid niya ako sa sakayan, kasi bibili pa nga siya ng ireregalo sa 'she is' niya.

I trust him naman, baka para sa mama niya naman talaga 'yun. pinaparanoid niya lang talaga ako. As if naman. pero 'nung una talaga, OO.  Kainis talafa 'yun.

"Merry Christmas Insan" Claire embrace me. Mabuti nalang talaga dito sila nag christmas buong family kaya andito rin sila kuya Jason at tito Chris pati si baby Clarence. three years old palang siya kaya siya talaga ang baby namin.

"Merry Christmas rin. " Nagbigayan kami ng gifts.
every year ganito kami, Laging magkakasama. Pero pag Newyear nasa kanya kanya kaming bahay. kaya madalas dalawa lang kami ni mama.

"Ella, Papa mo! " hinarap sakin ni Mama yung loptop ka skype pala niya si Papa.

"Merry Christmas Pa " Naipon na yung mga christmas gift ko sayo dito. "

"Mukhang madami na 'yan ha? " makikita sa screen na may handa rin si Papa sa apartment niya. Siguro kasama niya yung ibang Filipino Co-workers niya, medyo maingay rin kasi.

"Maraming marami. hahaha"
Nagkwentuhan lang kaming tatlo nila Mama hanggang magpaalam na siya. Inaaya na kasi siya ng mga katrabaho niya.

"Ma! Yung Gift natin para kay Princess. naibigay mo na ba?"

"Hindi pa Pa, surprise ko nga sana yun eh, Spoiler ka naman. Sige na nga bye na. I love you,. take care.Merry christmas! "

Anong Gift kaya 'yun? Nag flying kiss na kami kay Papa .

Magsasalita palang ako nang unahan ako ni Mama.

"Oh!"
Tinitigan ko lang yung hawak niyang maliit na box. "Ayaw mo? sige, babalik ko nalang sa Papa mo."

"Waaah, wait lang. eto na po ba yung gift niyo ni Papa sakin? *u*"  She nodded.  "OMG!"

Niyakap ko ng sobrang higpit si mama.

"Ingatan mo 'yan ha! at h'wag gagala kung saan saan. Hindi porket may motor ka na. Nako!"

"OMG pinsan. I try na natin 'yan -- Aray!" Binatukan ko nga si Claire.

"hindi pa nga ako marunong mag motor. Tsaka wala pa 'kong license. "

"Asikasuhin mo na 'yang license mo, Tapos tuturuan kita how to drive. Para pag pasok mo ng college 'di ka na mag commute."

"Yes ma!."

Pinuntahan ko yung motor ko sa labas. Kulay black siya na may halong Pink. Alam talaga ni mama Favorite color ko. Katabi siya ng motor ni Mama.

Papasok na sana kami ng bahay ni Claire nung biglang may kumatok sa gate.

Pag bukas ko, si Tris pala.

The way You areWhere stories live. Discover now