<di ako mag sstay lang sa POV ni Mika/Ella! because I want to give chance the other character para maishare yung story nila to make this story more interesting. ;))>
---------^^
Prina's POV
"Ma? ok na ba yung guest room.malapit na dumating sila Mika dito."
"Yes Darling, ok na. nakalimutan ko pala sabihin na aalis kami ng papa mo, birthday ng bestfriend namin nung college. baka malate kami ng uwi. Enjoy kayo ha! Wag gagawa ng kalokohan." pinanliitan pa ako ng mata ni mama.
Loka loka din talaga itong nanay ko. May pinagmanahan nga yata talaga ako.
di nagtagal dumating na sila mika,nella at kyla.
umalis naman na sila mama at papa.
"Im so excited girls!" makatili naman to si kyla di naman halatang excited nga siya.
"Tara na sa taas, dun tayo sa guestroom di pwede sa kwarto ko siguradong magkakalat kayo dun ayoko mag linis."
sumimangot naman yung tatlo. epic talag mga mukha nila. natatawa tuloy ako.
Sa totoo lang ayoko lang talaga makita nila mga tinatago kong sikreto doon. mahirap na. baka bumalik ang nakaraan.
Pag akyat nila sa kwarto bumaba ulit ako para kuhanin yung mga pagkain namin. Nag dinner naman na daw sila bago pumunta dito . buti naman dahil walang niluto si mama excited din ata umalis.
" nakakatuwa naman first time ko mag overnight sa ibang bahay, except siyempre sa mga relatives ko." strict kasi masyado parents ni nella kaya hindi rin siya pala labas ng bahay nila.
nag usap usap lang kami ng kung ano anong bagay.
narinig namin nag ring yung cellphone ko.
sino naman kaya ito?*alex baboy*
[Enjoy kayo diyan babe, wag niyo ko masyado pag usapan baka di ako makatulog. Hehe]Pinag sasabi nito? Sarap sapakin.
Yeah. medyo boyish talaga ako kumilos."Ayiie.... babe daw oh! " kinikilig kilig pa itong si kyla. "kamusta naman pala kayo niyang Babe mo?"
"Oo nga! Nako baka wala ka nang na kikwento samin ah!"
"mga malisyosa talaga kayo."
"that's why were friends,right?" nag tawanan kami sa sinabi ni nella. totoo naman kasi
"Wala naman talaga kaming something ni alex. Sawa na ako." napailing nalang ako nung maisip ko yung mga katangahan ko dati.
"Ha? anong sawa kana? E, diba siya yung nagpapapansin sayo?" oo nga pala, hindi pa namin na kwento kay mika yung samin ni alex at ang katangahan ko noon. Ayoko na din naman kasi balikan at pag usapan.
"Wala yun mika, huwag mo na isipin yun."
"Anobayan! Ang daya!" Pag mamaktol niya. tinawanan tuloy namin siya.
Naka upo lang kami sa gilid ng kama, naka pabilog kami."sabihin mo na kasi kay mika,Prina. O baka gusto mong ako pa magsabi sakanya?"
Bago pa mag kwento si kyla inunahan ko na. Siguradong may dagdag ang mga kwento nitang babaeng yan. Loka loka yan eh.
umayos sila ng upo at ready na makinig. tutok na tutok sila nakakataea tuloy.
Flashback!
"Alex ano bang nagawa ko? ayaw mo nanaman ako pansinin!" hingal na hingal ako sa bilis ko mag lakad. ang laki naman kasi ng hakbang ng lalaki na to. Nahawakan ko yung braso niya kaya napatigil siya sa paglalakad. para akong nakuryente nung mag dikit mga balat namin.
YOU ARE READING
The way You are
Teen FictionBakit nga ba tayo gumagawa ng desisyon? To be happy? or To make others happy? Paano kung ang desisyon na ikakasaya mo ang ikalulungkot ng mahal mo? Hindi mo na ba itutuloy ang desisyon na matagal mo ng pinagplanuhan, dahil nakasalalay rito ang ka...