Napaka boring na araw nga naman oh! Pasukan na bukas kaya dapat may sense 'tong huling araw ng bakasyon ko. Pero heto ako, Nakahiga sa kama ko habang nakataas ang paa sa pader!"Insaaaaaan!!!"
"Ay anak ka ng put@! este tupa!"
Sinamaan naman ako ng tingin ni claire! Siya na nga 'tong may kasalanan."ano bang problema mo? " umaayos na 'ko ng upo. umupo din siya sa kama ko.
"Since last day ng bakasyon ko dito sainyo ngayon. Pasyal naman tayo. punta tayo SM? "
"Ay, gusto ko yan. Wait ligo lang ako. " Pumunta na ako sa damitan ko para mag hanap ng damit.
" Sama mo din yung iba mong mga friends, I want to meet them." oo nga pala 'di ko pa siya napakilala kila kyla.
"kunin mo nalang yung cellphone ko diyan, ikaw na mag text. kunyari ako,ikaw. maliligo na'ko.
inabot ako ng twenty minutes sa pagligo, paglabas ko naman ng nandun parin si claire. Naglalaro siguro sa cellphone ko. Nakatapis lang ako ng twalya nung lumabas ako.
"Parang turon" bulong niya pero halata naman na pinaparinig niya sakin yon. Hinarap ko nga habang naka pamewang .
"sinong turon ha?! " Nginitian niya lang ako at nag peace sign.
"Lumayas layas ka sa kwarto ko baka hindi kita matantsa. naku claire! " kumaripas naman siya ng takbo palabas. Natakot, kasi claire na ang tawag ko sakanya it means seryoso na ako. HAHAHAHA
Lumabas na din ako after 15 minutes. naka black skirt at blouse na pink na may print na minie mouse. Favorite ko siya. cute niya kaya. ang kikay. tapos ng flat shoes lang ako. Nakita ko rin si claire na nakabihis na din pala. dress na violet naman siya. karamihan sa gamit niya violet dahil favorite niya yon.
"Let's go? tagal mo. " Makapag reklamo. busy naman siya sa cellphone ko.
sumakay kami ng jeep papunta sa SM. hahatid sana kami ni mama kasi pupunta daw siya sa office niya na dadaan lang din sa Sm. kaya lang na ka skirt kami ni claire.
"saan tayo magkikita kita?" Tanong ko kay claire ng makapasok kami ng SM.
"Sabi ni kyla andito na sila, sa foodcourt daw? saan yun?"
Nakakahiya naman sakanya parang siya may ari ng cellphone ko 'noh?
"Tara doon yun sa second floor" hinila ko na siya sa. 'andun na nga silang tatlo.
"dumating ka din babaita ka. kanina pa kami dito. Nag order na tuloy sila rein para sa'tin."
" Ha? andito sila? akala ko tayong lima lang?!" di naman halatang gulat ako.
"Pinag sasabi mo? ikaw nag sabi na isama sila."
tinignan ko ng matalim na tingin si claire, siya may pakana neto eh!.
umiwas siya ng tingin. guilty siguro.
"Baka gusto mo kami ipakilala sa pinsan mo?" pag iiba ng topic ni prina.
"Wag na! 'di ko na pinsan 'yan simula ngayon." pang aasar ko kay claire. lumingon naman siya sakin tapos kinurot ako sa tagiliran. sadista din talaga to eh!
"Aray! bwisit ka talaga." Tinawanan lang kami nung tatlo.
"Nandito na pala kayo mika? buti dinagdagan namin 'tong order." dumating na sila alex dala yung tray na puno ng pagkain. oo nga pala 'di pa kami kumakain ng lunch.
umupo na rim sila. so eto set up ng upuan.
waluhan yung upuan.
Prina/Alex/rein/?kyla. Wow by pair. Hiya naman kaming apat kaharap nila.
nella/tris/ako/claire."ikaw pala ang pinsan ni mika. Hello :))" Nag wave ng kamay si alex. Sa kanilang tatlo si alex talaga yung friendly. madaldal kasi siya.
"Hello din" ngumiti si claire sa kanila. Kunyari pang nahihiya maya maya lang madal dal na 'yan. Isa isa na silang nagpakilala. Pag tapos ng pag papakilala nila saka lang kami kumain. Sa WAKAS! Gutom na talaga ako noh.
Nilagyan ni tris ng ulam yung plato ko. alam niya kasing favorite ko sinigang.
"Ehem! Parang ang tamis ng adobo noh claire?"
" oo nga prina, try natin 'tong sinigang gusto mo lagyan ko 'yang plato mo?" Nag tawanan silang lahat. Magkasundo na talaga 'tong dalawang to. dahil pareho sila ng ugali. mga baliw.
nakitawa din to si tris. halos hindi na nga ako makakilos dito sa pwesto ko. buti nalang di uso mag blush sakin.
" Tumigil kayo diyan! Kumain nalang tayo para makapag ikot pa tayo." Tinuloy ko na yung pagkain ko. Ganun din naman sila.
pag katapos nga kumain nag libot libot lang kami.
Nakarating kami sa timezone.
Nag aya sila 'dun kaya doon kami pumunta.Humiwalay muna kaming mga babae sakanilang mga lalaki dahil trip nila mag basketball. trip naman namin yung ibang games.
Naglalakad lang kami tapos....
"Ouch!" nakita nalang namin si nella na nakaupo na sa sahig. tinulungan namin siya makatayo. kainis tong lalaki na bumangga sakanya. hindi manlang siya tinulungan.
"Sorry." buti naman marunong siya mag sorry. nakayuko siya.
"Pre! Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." inangat nung lalaki yung ulo niya. Parang pamilyar,san ko ba nakita 'to.
"AHA! " tinuro ko pa siya. " ikaw yung bumunggo 'sakin nung nakaraan sa mall. kumunot naman yung noo niya. Hindi niya siguro naalala.
"I don't know what you're talking about" aba umi english pa.
"Hey! fan girl ng exo. oo nga ikaw nga. akalain mo nga naman hanggang dito nagkikita tayo. What a coincidence, right?" tapos tumawa na siya ng tunawa. may sapak ata 'yun e.
"what ever you say! tara na nga girls." nag walk-out na si nella. magkakilala pala sila.
Sinundan nalang namin siya.
humito kami sa may videokehan.pumasok kami 'dun sa room.
tinext namin yung boys para sumunod nalang sila dito .
Bilis nga eh, andito na kagad sila." Sino yun nella?"
"Nako kyla wag mo na itanong nang gigigil talaga ako sa mukha non." halata nga eh, namumula na siya sa inis.
"Hahahaha magkwento kana eto naman. ang cute nga 'nun e. yung kasama nga lang niya medyo weird. " pag pupumilit ni prina.
"tsk, mas gwapo pa ' ko 'dun eh," bulong ni alex sa gilid ko. Hahahaha selos kagad.
"Wala! kapitbahay ko lang yun. kelan ko nga lang nakita pag mumukha 'nun eh, Simula nun 'di na ako pinatahimik kada lalabas ako ng bahay nakikita ko din sa labas! Bodyguard lang ata yun ng bahay sa tapat namin eh!," hmm. I smell something .
"Baka type ka? Ayiie" Ayan ayan. diyan magaling ang pinsan ko. Nag kwentuhan lang sila ng nagkwentuhan.
Hawak ko yung song book. Kakanta ako kaya dapat may dala silang payong. BWAHAHAHA"eto kaya? ay di ko pala alam lyrics neto. Hm. eto nalang? Ano bayan. wala ko mahanap. " naiinis nako kanina pa'ko nag hahanap ng kakantahin.
"haha ako na nga maghahanap. tapos ako na din kakanta.Mahirap na. " inagaw sakin ni tris yung songbook.
"Ah,ganon?" pinanliitan ko siya ng mata.
"Hahaha joke lang. kakantahan nalang kita kaya 'wait ka lang diyan." sabay kindat. jusko. gusto ata ako atakihin sa puso nito eh,?
-----
YOU ARE READING
The way You are
Novela JuvenilBakit nga ba tayo gumagawa ng desisyon? To be happy? or To make others happy? Paano kung ang desisyon na ikakasaya mo ang ikalulungkot ng mahal mo? Hindi mo na ba itutuloy ang desisyon na matagal mo ng pinagplanuhan, dahil nakasalalay rito ang ka...