Mika's POVNaglakad lang ako pauwi kasi 'do ko pa nga magamit yung motor ko.
"Miks? About sa kanina ---"
Hindi ko na siya pinatapos.
"Okay lang Tris." I gave a bit smile.
"No. hindi okay 'yun. Sasabihin ko naman talaga sayo na bumalik na siya, kaso mukhang you're not in a good mood. So---"
"Pfft" nakatingin siya sakin all the time na sinasabi niya 'yun. At nakakatawa talaga yung itsura niya. Akala mo nakapatay siya .
"Bakit ka natatawa" Pout
"okay nga lang kasi." kanina talaga naiinis ako, pero ngayon naiintindihan ko na. Nabigla lang din siya sa pagbabalik ng ex niya. "Naiintindihan kita, Tsaka bakit ka ba nag papaliwanag sakin?"
"Ha?! Malamang magpaliwanag ako sa'yo. Im courting you Mika!"
Nagulat ako sa pagsigaw niya.
Anong problema niya? Alam ko naman na nililigawan niya 'ko."Sorry, " yumuko siya. "Bakit nga ba ako magpapaliwanag sa'yo. Wala ka naman pakialam. Sige, uwi na 'ko."
I was left there,speechless..
-------^^^
"WHAT?" bwisit talaga 'tong si Prina. nabibingi na ako sa lagi niyang pagsigaw ha!
"Sinabi niya lahat yon? " amazingly na tanong ni Nella.
Breaktime ngayon. kaming tatlo lang yung magkakasama, May kanya kanya sipang Business.
"Oo nga. Anong gagawin ko? hindi kami naguusap kahit magkatabi kami."
Kainis na araw 'to. hindi ako pinapansin ni Tris. tahimik lang kaming dalawa. Ang alam ko dapat ako yung galit, At saan niya nakuha yung sinabi niya kahapon na wala akong pakialam sakanya?
"Bakit kasi hindi mo kausapin?"
"Bakit ako?, 'Di ba dapat ako yung galit? tsaka bakit niya nasabi yon?" Pinagtinginan kami ng ibang nandito sa canteen na malapit dito sa table namin.
"Napatunayan ko na talagang Slow ka.." pailing iling pa si Prina habang sinasabi 'yun.
"Ha?"
"Eto ha!" Lumapit pa silang dalawa lalo sa'kin.
"Nag effort siya na pumunta sainyo di ba? di ba? . Tapos nag paliwanag, Hindi ba ayun naman ang inaantay mo kahapon na gawin niya. " Tumango nalang ako sa sinabi ni Prina. Pero 'di ko parin Gets.
"sinabi mong okay lang. Tapos tinanong mo kung bakit ba siya nagpapaliwanang sa'yo? Aba! Isipin mo nga kung anong dapat maramdaman 'nun? siyempre nasaktan siya dahil feeling niya wala kang pakialam kahit may iba pa siyang babae. Hindi ka manlang nag selos. " medyo naliwanagan na ako sa paliwanag ni Prina.
"Gets mo na ba?"
"Oo na. Oo na. Eh, ano gagawin ko? " Nagtinginan silang dalawa tapos tumayo.
"alam mo na iyan. Matanda ka na. Babush! "
"W-what? wait! " Hindi nila ako pinansin, Lumabas ba sila ng canteen. Iniwan nila ako. kakaiyak.
Hindi ako marunong mang amo. Parang aso lang si Tris ha. haha
Nakarating ako ng Room. Wala pang tao. Busy pa sila kumain. siguradong late nanaman mga 'yun.
Nakinig nalang ulit ako ng music. tapos yumuko sa desk ko.
Kaylangan ko pag isipan kung paano ko kakausapin at magpapaliwanag kay Tris.
Mahirap pa 'to sa graded recitation sa english. Tsk.
YOU ARE READING
The way You are
Teen FictionBakit nga ba tayo gumagawa ng desisyon? To be happy? or To make others happy? Paano kung ang desisyon na ikakasaya mo ang ikalulungkot ng mahal mo? Hindi mo na ba itutuloy ang desisyon na matagal mo ng pinagplanuhan, dahil nakasalalay rito ang ka...