Mika's POV"Ella? Himala nag rereview ka? May lagnat ka ba?"
"Grabe ka naman Ma? Nag rereview lang ba talaga ako kapag may sakit? " Pero may sinat talaga ako ngayon. Dahil parin ata sa pagpupuyat ko kagabi.
"Naku! Oo kaya. Eto yung meryenda mo, kukunin ko lang yung gamot mo sa baba." Nilapag ni mama yung ensaymada na binili niya, Tapos lumabas na.
kilalang-kilala talaga ako ni mama. Halos lahat kasi ng subject ni review ko na. Pagkahatid sa 'kin ni Tris kanina dito sa bahay hindi pa ulit ako natutulog..
Satisfied na ako sa tulog ko kanina sa balikat ni Tris kahit nakakangalay ng kaunti.
*Phone Ringing*
"problema mo?" pambungad ko sa tumawag.
"Hello din ha? Ganda ng pambungad mo ah."
"Arte mo Prina . Sabihin mo na yung sasabihin mo. Nag rereview ako." I rolled my eyes, As if naman na makita niya.
"himala nanaman. dapat pala sayo lagi kang may sakit. hehe dejoke lang. Overnight tayo. this time kila kyla daw. bigla nag aya ang gaga e. " bwisit talaga 'to. Anong tingin nila sa 'kin, hindi nag rereview pag may exam.? ang talino ko naman.
"Lagot ka sa 'kin bukas Legarda! " Ayan surname niya. Ayaw niyang tinatawag siya sa apelyido niya, Naiinis siya. maganda naman, Ang arte.
"what ever Mika. basta tuloy tayo sa Thursday. After exam."
umoo na ako. wala naman choice. Natulog na ako pagkatapos ko mag review at uminom ng gamot. I need rest.
Two days passed.
Bukas na malalaman ang score namin sa exam.
Nandito na kami sa bahay nila Kyla. Naabutan namin si Ryla. Nakababatang kapatid ni Kyla. dalawa lang sila. Ang cute cute ni Ryla. Naglalaro siya ng Doktor doktoran.
"Hi Ryla. Where's ate Kyla?"
"Ate Nella! Ate Prina! Ate Mika!! " sumugod siya sa aming tatlo. sinalubong kami ng yakap. Sweet.
"Where's your ate ?"
"Nata Room niya. wait lang po tawagin ko cha" Bulol parin talaga siya . Pero nakakatuwa pakinggan.
Bumaba na si Kyla . sumunod kami sakanya papunta sa kwarto niya.
------
"So anong ginawa mo?" pag uusisa namin kay Kyla. Nag away daw kasi sila ni Rein kanina.
"Edi pinabayaan ko. hindi na sana ako sasabay sa kanya pag uwi kaso, nakita niya ako paalis."
"Anong pinag uusapan niyo?" Chismosa talaga 'to si Prina.
Nilapag niya yung kinuha niyang Snacks namin. Feel at home na kasi siya dito, Siya kasi yung madalas makitulog dito kaysa kay Nella.
"Pinag-uusapan namin kung paano nag break ang Ultimate Love team ng Tropa." Sagot ko.
Break na sila Kyla at Rein. Kanina lang. Kaya pala tahimik si Kyla, Pinilit lang namin siya na mag kwento.
"WHAT? Totoo ba 'yan Besh? Anyare?"
"Ang OA Prina! Ikaw yung jowa?"
"Pakielam mo ba Nella. bestFriend ako . Ikaw kasi walang lovelife. Ay meron nga pala si Et-----" Hindi na natapos ni Prina yung sasabihin niya dahil tinakpan ni Nella yung bibig niya.
YOU ARE READING
The way You are
Ficção AdolescenteBakit nga ba tayo gumagawa ng desisyon? To be happy? or To make others happy? Paano kung ang desisyon na ikakasaya mo ang ikalulungkot ng mahal mo? Hindi mo na ba itutuloy ang desisyon na matagal mo ng pinagplanuhan, dahil nakasalalay rito ang ka...