Kabanata Siyam

4 0 0
                                    

Prina's POV

Ang lamig na. Feel na feel na malapit na mag Christmas.  ba't ko ba kasi naisipan lumabas pa ng bahay na gabi na? Kaloka din ako eh!

Di ko namalayan sa haba ng paglalakad ko nakarating ako dito sa plaza, yung malapit lang samin. Naupo muna ko sa isang bench. nakakapagod maglakad kahit malapit lang, parang tumataba na talaga ako ah! madali na'ko hingalin.

"Shems, Ang lamig." niyakap ko yung sarili ko. Wala naman ibang yayakap sakin, kawawa naman ako.

"Si....sino yan?"
may narinig akong kumuluskos sa mga halaman malapit sakin.
Isa lang ang una kong naisip.. ..

"Multo? " bulong ko sa sarili ko.
takot ako sa multo. gusto ko na tumakbo pero naestatwa na'ko sa pwesto ko.
Ba't ba kasi ako nagpunta dito!? tsk.

"Wag kang lalapit marunong ako mangarate! Kahit multo ka,lagot ka sakin." pinilit ko talaga wag mautal para kapanipaniwala .

"HAHAHAHAHAHAHAH" marunong ba tumawa ang multo?

"Ay! bwisit ka!"
pinag papalo ko yung multo na tumalon nalang bigla dito sa harapan ko.

teka... nahahawakan ko siya multo ba talaga 'to?

"ouch! Ano ba? masakit-aray!"

nasasaktan din sila? Paano naman nangyari yun?
Hindi kaya? Baka rapist to?

natigilan ako sa paghampas nung nahawakan niya yung dalawang kamay ko.

"Hoy! nakakarami ka na ha!"

parang kilala ko siya?

"Ikaw?" tanong ko nung naalala ko na kung sino siya.

"kilala mo'ko? " nagtataka yung mukha niya.

"Yeah! Don't touch me!"  hinila ko yung dalawa kong kamay baka manyakin nalang ako bigla neto!

"Arte! "

Sinamaan ko nga ng tingin.

"Parang pamilyar ka rin " Tsaka niya ko tinitigan.

"hey! wag mo ako titigan, alam kong maganda ako. kilala kita . ikaw yung ka dance troupe ni alex."

"So ikaw pala yung Crush ni alex. "

"Crush?" napalingon ako sakanya.

"Oo, Hindi mo ba alam, lagi kayong magkakasama 'di ba?"

yumuko ako.

"Hmm.. seryoso pala siya."

"haha akala mo nagbibiro lang siya? " Tumawa siya ng malakas.

Baliw ba 'to?

maka alis na nga.

Tumayo na'ko dahil wala naman ako mapapala sa mukhang butiki na'to.

"Wait lang uy! Gabi na. Hatid na kita. san ba bahay mo?"

binigyan ko siya ng what-are-you-saying look. ?

"wag kang mag assume na may gusto ako sa'yo. baka pagalitan lang ako ni leader pag may nangyaring masama sa mahal niya. tara na! " nauna pa siya maglakad 'kesa sa akin.

hinabol ko siya at sinabayan.

"close pala kayo?" pag titiyagaan ko na kausapin kaysa naman awkward kami.

"Medyo, Idol ko siya eh."

"idol? what do you mean?"

"Idol ko siya sa galing niya sa pag sasayaw , and the way how he lead our group." deretso lang yung tingin niya.

The way You areWhere stories live. Discover now