Ikalaping Apat

3 0 0
                                    


Mika's POV

"Nalaman niyo na ba yung balita?"

"Anong balita Kyla?" tanong ni Prina kay kyla na kakadating lang ngayon dito sa canteen.

Kaming mga girls lang dahil yung tatlong lalaki pinaglilinis ng library ngayon dahil sa kalokohan nila sa klase kanina. huwag niyo na tanungin kung ano dahil baka pati kayo mabatukan niyo sila.

"Yung about sa Fieldtrip. Sabi nila wala na daw ."

"WHAT???" Ay! Grabe maka react to si Prina. mapapatid na ang ugat sa leeg niya.

"Ang OA mo Prina ha! Wala na tayong magagawa dahil Anti-Social ang Principal natin ngayon."

"Oo nga Nella, bakit ba kasi pinalitan yung dati nating Principal?" Nagtataka talaga ako kasi ngayong taon lang dumating yung bagong Principal. Bago naman mag Christmas break yung dati paring Principal yung Principal dito eh.

Mukhang totoo yung kumakalat na balita na may pagka Kill joy siya.

"Hindi ko rin alam eh, Balita ko nga rin sa mga kasama ko sa SSG, Mommy daw ni Shiella yung bagong Principal na 'yon."

"Mommy ng loka loka na 'yon?"

Galit na galit parin si Prina dahil sinabihan daw ako ng Nobody lang ni Shiella.

"Hayaan niyo na. Sa bakasyon nalang tayo mag enjoy. Tsaka may Js Prom pa naman , 'di ba?"

umiling iling naman si Nella.

"Hindi rin daw sure."

"Grabe na talaga ah," Halata mo sa mukha ni Prina na sobrang disappointed siya. kawawa naman.

"Anong pinag uusapan niyo?" biglang sulpot ni Rein sa gilid ni Kyla at umupo sa tabi niya.

"Yung Fieldtrip tsaka Js! " Masungit na sagot ni Prina sabay Crossarms pa.

"Anong meron 'dun?" Halatang wala pa din alam si Rein.

"Hey! Guys? Anong Meeting 'to?"

Nandito na rin pala yung dalawa. Tumabi si Tris sakin, tapos si alex sa tabi ni Rein kaharap si Nella.

Medyo Awkward pa kasi sila ni Prina. mabuti nalang nagpapansinan na sila, hindi katulad 'nung unang linggo ng pangbasted sakanya ni Prina.

Mahirap talaga kapag close Friend mo yung nagka gusto sa 'yo tapos hindi mo masuklian 'yung pagmamahal nila. It's Complicated talaga.

"Hindi naman puwede yung wala na ngang Field Trip, wala pang JS. mag rereklamo talaga ako. " buong paninindigang sabi ni Prina.

kahit kami din ,hindi namin tanggap 'yon.

"Sure ako mag kakaroon tayo ng JS. " napatingin kaming lahat kay Tris, parang siguradong sigurado siya.

"Paano mo nalaman?"

"siguradong kukulitin ni Shiella si tita Sanny na magkaroon ng JS. Isa 'yon sa pangarap ni Shiella kaya imposibleng wala 'yon. Last year kasi hindi siya naka attend sa JS ." Paliwanag niya. Lahat ng atensyon namin nasakanya.

"Bakit hindi siya naka attend?"

Na curious lang ako, Halata kasing sobrang kilala niya na si Shiella. Mag Ex nga pala sila.

"Hindi ko alam."

"Ayun naman pala. Isa nalang ang Problema ko." Nagtaka kami sa sinabi ni Prina. Anong problema niya?

"Anong problema mo?" Ay, Concern naman po pala ang kuya mo Alex.

Nailang ng kaunti si Prina sa way ng pagtatanong ni Alex.

The way You areWhere stories live. Discover now