Chapter Two: Death Threat
---------------------SCARLETT'S POV
"Magbabanlaw lang muna ako guys, nangangati na kasi ako. Siguro dahil 'to sa aso ni Scarlett kanina, nilapitan ako. Allergic pa naman ako sa mga aso." dinig ko pang sabi niya habang kinakamot-kamot ang kaniyang dalawang hita.
So ang aso ko pa ngayon ang may kasalanan? Bakit hindi niya sisihin ang sarili niya? Kung hindi lang sana siya madumi at naglilinis siya ng katawan, edi sana hindi siya nagkakaganyan. Palibhasa laking squatter.
"Bakit ang aso ko pa ang kailangan mong sisihin Madeline? Hindi ba, ikaw lang 'yung tamad dito sa grupo natin? Siguro hindi ka masyadong naglilinis ng katawan mo?" sarkastikong saad ko sa kaniya.
"Grabe ka naman makapagsalita Scarlett! Kung pagsalitaan mo ako akala mo hindi mo ako kaibigan! Sa tatlong taon nating pagsasamahan? Tapos ganiyan ka?" tugon niya naman. Nakita ko din na parang napapaluha na siya.
"Kapag pinagbintangan mo ako, o di kaya lahat ng pag-aari ko, hindi ako magdadalalawang isip na patulan ka! Hindi din ako magdadalawang isip na putulin ang pagkakaibigan natin! Bitch!" sumbat ko sa kaniya at tuluyan ng pumasok sa kwartong tutulugan ko.
Pagpasok ko pa lang, binuksan ko agad ang aircon at agad na humilata sa kama ko. Nagpakawala din agad ako ng buntong hininga.
Gaga talaga, ang alaga ko pa ang sisisihin niya. Gano'n na ba talaga siya kadesperada? Oh my god!
Hinilot-hilot ko ang noo ko at agad na hinablot ang smartphone na kanina pa nakatago sa bag ko.
Tinignan ko ang laman ng messages ko. Laking gulat ko na lang ng bigla akong nakakuha ng isang text message mula sa unknown number.
Since ako lang isa sa kwarto ko. Natakot din ako. Sino ba naman ang hindi matatakot kung may nagtext sayong unknown number? Hindi ba matatakot at magtataka ka din kung kanino nanggagaling ang message na 'yun? Marunong din matakot ang isang dyosang katulad ko.
Tinignan ko ang message mula sa unknown number, hindi ko alam kung anong kailangan ng pesteng taong 'to sa akin.
Nahagis ko naman bigla ang smartphone ko ng mabasa ang message niya sa akin. Isang nakakatakot na pagbabanta ang naghihintay sa akin ngayon.
"Ahhhhh! Guys! Help!" sigaw ko naman. Agad-agad ding pumasok ang mga kaibigan ko at chinicheck pa kung okay lang ba ako.
"Scarlett what happen? Are you hurt? Are you okay?" pag-aalala naman sa akin ni Rosette habang hinahawak-hawakan pa ang mga braso ko.
"Do you think i'm okay Rosette? Tanga ka talaga!" saad ko naman sabay alis ko sa mga kamay niya na kanina pa nakahawak sa braso ko.
Tatanungin pa naman ako kung okay lang ako? She's so dumbass! Hindi ba siya nag-iisip? My god!
Nakita ko naman si Aubrey banda sa pinto habang nakatitig sa akin. Nakatingin lang siya sa akin na parang tanga. Siguro tinatakot ako ng babaeng 'to. I think she's the one who is trying to scared me!
"Iyan! 'Yang babaeng 'yan! Ilayo niyo siya sa akin! Siya ang nagtext sa akin nito!" pambibintang ko naman kay Aubrey sabay turo sa kaniya kaya lubos niya naman itong ipinagtaka.
"Scarlett? Wala ka pa namang patunay na siya nga ang nag-threat sayo niyan eh" saad naman sa akin ni Layla habang nakakunot ang kaniyang nuo.
"Gaga ka talaga kahit kailan Layla eh no? Matagal mo na akong kaibigan Layla! Bago pa lang si Aubrey sa grupo natin! I'm sure siya ang nagthreat sa akin!" tugon ko naman sa kaniya habang minamasama ko ang tingin kay Aubrey.
Bigla naman siyang napailing 'tsaka tumakbo pababa ng kwarto namin.
"Aubrey sandali!" sigaw ni Rosette kay Aubrey at tuluyan na siyang umalis.
Oh my god! People nowadays! Kung sino pa 'yung matagal mo nang kilala! Siya pa 'yug ayaw maniwala! Mga tanga! Bobo!
"Sigurado ka ba na si Aubrey nga ang nagthreat sayo Scarlett? Baka nagkakamali ka lang" saad naman ni Madeline sa akin. Ang tangang mambibintang sa grupo.
"Isa ka pa! Remember Madeline, may kasalanan ka pa sa akin. We are not yet done! At isa pa, magbanlaw ka na duon! Mamaya mahawa pa ako sa kadumihan mo myghad!" sumbat ko naman sa kaniya.
Akala niya siguro tapos na kami. Fuck herself!
Natameme naman si Madeline sa sinabi ko at nanatili pa rin sa pagkakatayo sa tabi ko.
"Ano ba Madeline! Are you deaf? Sabi ko alis, ALIS!" sigaw ko naman sa kaniya kaya tuluyan na siyang sumunod kina Aubrey at Rosette.
"Oh ano? Susunod ka? Go! Iwan niyo na ako! Tutal hindi niyo naman ako tinuring na kaibigan diba?" saad ko naman kay Layla na kanina pa nakaalalay sa akin.
"No Scarlett! We've treated you as a friend and your always be our friend. Hindi kami nagkulang sayo. Pantay-pantay ang pagmamahal natin sa isa't isa." tugon niya naman sa akin habang hinahagod hagod pa ang buhok ko.
Here comes the plastikan moments! Kailangan makisama na lang ako! Oh god! Damn!
"Oo na, naniniwala na ako sa inyo! Bruha ka. Pero hindi ako titigil hangga't hindi ko napapatunayan na si Aubrey ang may kagagawan lahat ng 'to.
May painosente effect pa ang gaga
"Ano bang threat ang ginawa sayo Scarlett?" takang tanong niya naman sa akin.
"It's a death threat. Malapit na daw akong mamatay." tugon ko naman sa kaniya.
[Chapter End]
BINABASA MO ANG
A Hell To Remember
Mystery / Thriller"Sino-sino ba talaga ang tunay kong kaibigan dito?" Book Cover by: @jhe_apolinario