Chapter XVIII: Face to Face

99 5 2
                                    

Chapter 18: Face To Face
-----------------------------

LAYLA'S POV

"What's that?" Bigla akong kinutuban sa narinig kong ingay mula sa taas. Pinagmasdan ko sila isa-isa at ang kumuha ng atensyon ko ay ang nangingilid na luha ni Aubrey.

"Aubrey? What's wrong? Ba't umiiyak ka?" takang tanong ko sa kaniya. Pinunasan niya ang mga nangingilid niyang luha gamit ang kaniyang mga kamay.

"Ba-baka kung a-ano nang na-nangyari kay Scarlett. B-baka nahanap at napatay na siya!" nanginginig niyang tugon sa akin. Agad kong nilingon si Xavier at gayundin ang naging reaksiyon niya.

Napalunok na lang ako ng laway dahil kinukutuban din ako. Imposibleng mapatay si Scarlett. She's a strong woman and we know that she can fight that bitch. Sisiw lang 'yan sa kaniya.

"Para makasigurado tayo, kailangan sabay-sabay tayong pumunta duon. Para kahit papa'no, madedepensahan natin ang bawat isa."

Sabay-sabay naming hinawakan ng mahigpit ang mga hawak naming armas 'tsaka dahan-dahang umakyat sa tass upang hindi makagawa ng ingay.

"I hope this time mahuli na natin siya. I hope na hindi na tayo papalpak." mahinang sabi sa amin ni Aubrey. Hinawakan naman ni Xavier ang kamay ni Aubrey habang naglalakad.

Nakarating kami sa taas na hindi nakakagawa ng ingay ngunit wala na ang killer duon. Tinungo din namin agad ang kwarto ni Scarlett ngunit wala ni kahit yapak niya man lang ang naroroon. Nasa'n si Scarlett?

"Tulong! Tulungan ninyo ako! Ahhh!"

Bigla kaming nakarinig ng isang babaeng humihingi ng tulong mula sa baba. Her voice is vry familiar. 'Yung boses na 'yon ay malapit sa amin.

"R-rosette?"

Bigla akong napatanong sa sarili ko kung siya ba talaga 'yon. Buhay siya? Nakaligtas siya sa kamay ng killer?

"Oh my gosh? That voice cames from Rosette!" biglang saad ni Aubrey habang nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat.

Agad kaming bumaba sa salas at confirmed. Sugatan si Rosette at duguan pa siya. Dali-dali naman naming inalalayan si Rosette upang umupo sa may mini sofa.

"Oh my god. Rosette! You're alive! Pa'no ka nakaligtas at bakit ka nagkaganito?"  biglang tanong ko naman sa kaniya.

"Wait. Kukunin ko muna sa taas yung first aid kit." saad naman ni Aubrey sabay akyat sa taas.

"Mag-iingat ka Aubrey!" pahabol ko naman. Binaling ko ang atensyon ko kay Rosette na ngayo'y namimilipit na sa sakit.

"L-layla, tubig. Kailangan ko ng tubig." mahinang saad nito kaya agad kong tinungo ang kusina upang kumuha ng isang baso ng tubig.

Habang pinaghahandaan ko ng maiinom si Rosette ay bigla kong nadatnan si Xavier na sumunod sa akin.

"Oh insan? Anong problema?" saad ko naman habang kinukuha ang pitsel sa refrigerator.

"Layla, hindi ka ba nagtataka sa mga ikinikilos ni Rosette?" mahinang saad niya sa akin. Napakunot noo naman ako sa narinig.

"Bakit naman ako magtataka?" balik ng tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim 'tsaka nagsalita.

"Kung bakit buhay pa siya. Imposible namang mabuhay pa siya gayo'y natuhog ng dalawang kahoy ang tiyan niya?" pagpapaliwanag naman niya.

Nagdalawang isip ako sa mga itinuran ni Xavier. Maybe he's right. Imposibleng mabuhay pa si Rosette.

Magsasalita na sana ako ng biglang nakaramdam ng sakit si Xavier mula likuran niya hanggang sa may lumalabas na malapot na dugo sa bibig niya.

"Xavier!" ang tanging naisigaw ko nang tuluyan na siyang natumba sa sahig. Pagkatumba niya ay agad na bumungaw sa akin ang isang babaeng may hawak-hawak na kutsilyo. And that girl is Rosette.

"Takbo Layla! Takbo!" saad niya sa akin sabay saksak ngunit nakatakbo agad ako sa mga oras na 'yon kaya hindi siya nagtagumpay.

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makakaya nang hindi ko namamalayang nakalabas na ako ng resthouse at nasa tabing dagat na ako.

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa bumungad sa akin. Why her? Bakit si Rosette ang killer? Bakit niya pinatay ang mga kaibigan ko? Bakit siya nagkakaganito?

Madaming tanong ang namumup sa isipan ko ngayo'y alam ko nang si Rosette ang pumapatay. Ngunit ang mga tanong na ito ay siya lamang ang makakasagot.

"Oh my gosh. Si Aubrey, naiwan ko si Aubrey sa resthouse. Kailangan ko siyang balikan!"

[Chapter End]

A Hell To Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon