Chapter XV: She's Back

72 5 3
                                    

Chapter 15: Falling Lives
--------------------------

Time Check: 7:32 PM

AUBREY'S POV

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang duguang bangkay ni Rosette. Hindi ko rin siya magawang lapitan dahil parang napako na ako sa kinatatayuan ko.

Patuloy pa rin sa ako paghahagulhol sa harap niya habang nakatitig sa kaniyang bangkay.

"Xavier! Humingi ka ng tulong sa mga pulis! Dalian mo!" saad ko ng pataranta. Dali-dali naman siyang umalis at tinungo ang resthouse.

Nilingon ko siya at sinundan upang balikan si Layla.

"I'm sorry Rosette kung hindi ka namin napigilang umalis. I'm sorry." Saad ko sa kaniya sabay alis papuntang resthouse.

Nakarating na kami sa resthouse at ang agad na bumulaga sa amin ay si Layla. Halatang kakagising niya lang.

"Anong nangyari sa inyong dalawa? Ikaw Xavier? Ba't parang hinihingal ka? Ikaw naman Rosette ang putla-putla mo. Umiyak kaba?" Mga tanong ni Layla na kahit ni isa wala kaming nasagot.

"Ikukwento ko sa'yo ang lahat-lahat Layla. Pero kailangan muna naming puntahan ang mga pulis." Mahinahon ko namang tugon.

Aakyat na sana ako ng bigla akong pigilan ni Xavier at sinenyasan na sabihin ko kay Layla. I know na makakasakit lang 'to sa kaniya kung bibiglain ko siya. Pero mas lalo din siyang masasaktan kung hindi namin sasabihin agad.

Hinarap ko si Layla at huminga ng malalim bago nagsalita.

"I saw a dead woman. She's dead. The dead woman who I was talking about is Rosette. She's dead Layla." Nangingiyak kong saad sa kaniya.

Bigla siyang nanlumo at namutla. Nabitawan din niya ang kaniyang sinisimsim na tubig na siyang naging dahilan sa pagbabasag nang katahimikan dulot ng sandaling katahimikang ginawa namin.

"That's not true. Baka namamalik-mata ka lang Aubrey! She's not dead!" Paghahagulgol niya habang hinahawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.

"We need to end this tonight. Ang tanging paraan lang upang agad nating malaman kung sino ang killer ay ang pag-iimbestiga sa tulong ng mga pulis na kasama natin." Saad naman ni Xavier sa amin ni Layla.

Dali-dali kaming umakyat sa 2nd floor upang tuntunin ang kinaroroonan ng mga pulis.

Agad naming binuksan ang kwarto kung saan sila natutulog nang biglang bumungad sa amin ang isang masangsang at sunog na bangkay ng mga pulis.

"Ahhhhhhhhhh!"

Napaupo agad ako sa pagkakagulat. Ang pag-asa na hinhintay namin, ang pag-asa na makakaalis kami ng mga kaibigan ko na buhay dito sa isla. Ang pag-asa na mabibigyan namin ng hustisya ang pakamatay ni Madeline, nawala ng parang bula.

"Wala na tayong choice guys. Kailangan na nating umalis dito sa resthouse as fast as we could." Saad naman ni Xavier habang hinihila kami ni Layla pababa.

Parang pinagbagsakan ng lupa at langit si Layla sa nakita niya. Halos mahulog din ang mga panga ko sa mga nakita ko. The killer is behind or near us. If we can't escape, we need to fight.

Dali-dali kaming bumaba ng 2nd floor dahil sa takot at pangamba na baka nakapasok ang killer dito sa loob ng resthouse natin.

"Ano nang gagawin natin? Tatlo na lang tayong natitira." Saad naman ni Layla habang tinatakpan ang kaniyang mga bibig.

"Tatlo? Anong tatlo? We're four. I'm back bitches."

Isang pamilyar na boses ang narinig namin mula sa pinto ng resthouse kaya napalingon kami bigla.

"Scarlett?"

Dahan-dahan siyang lumapit sa amin at hinawakan ang kamay namin ni Layla.

"I thought you leaved us already." Hindi makapaniwalang saad ni Layla sa kaniya. Nanlaki din ang mga mata ko nang makita ko si Scarlett. Nananaginip ba ako, o totoo talagang siya 'to?

"Hindi naman kaya ng konsensya ko na iwan ang mga bestfriends ko eh." Saad niya sa amin sabay yakap.

"Pero Scarlett, we have a bad news." Pagpuputol ko ng katahimikan.

"What's it?" Takang tanong naman niya.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil parang nangingilid na naman ang mga luha ko tuwing binabanggit ko ang pangalan ni Rosette.

"Ah Aubrey. Hayaan mong ako na ang magsabi sa kaniya." Bulong sa'kin ni Layla kaya tumango na lamang ako.

"Rosette is already dead." Tipid na sagot ni Layla. Nanlaki naman ang mata ni Scarlett ng marinig ang masamang balita. Napaupo siya sa sofa at humagulhol ng iyak.

"Kaya Scarlett we need to be strong, para sa mga namayapa nating kaibigan. Hindi 'yong iiyak na lang natin dahil walang mangyayari. They're already dead. The only way we can do is to save our own lives dahil baka mamaya-"

Naputol ang pagsasalita ni Xavier ng biglang magflick ang ilaw sa sofa, sumunod din sa kusina at kung saan-saan na, hanggang sa tuluyan na rin itong namatay.

Nabalot ng katahimikan ang buong resthouse at tanging liwanag na lang ng buwan ang nagbibigay aninag sa aming isa't isa.

Habang pinagmamasdan namin ang isa't isa. Nakarinig kami ng mga yabag ng paa na nagmumula sa 2nd floor kaya lubos din naman namin itong ipinagtaka.

"Guys, did you hear that?" Mahinang bulong sa amin ni Scarlett. Patuloy pa rin ito sa pagyabag hanggang sa marinig naming tuluyan na itong bumababa.

Dali-dali kaming naghiwa-hiwalay na hindi nakakalikha ng ingay. Kumuha din kami ng isa-isa naming pangdepensa sa sarili nang sa gayon, walang mapahamak sa amin.

Tama nga kami, the killer is in the house at ang tanging paraan na lang namin upang makaligtas ay maglaro ng tagu-taguan sa kaniya.

[Chapter End]

A Hell To Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon