Chapter 10: Meet, Xavier
---------------------Time Check: 10:09 PM
LAYLA'S POV
Kahit pinsin ko pa 'tong kaharap ko ngayon, hindi ko pa rin maiwasang pagdudahan siya. Pero bakit ko nga ba siya pagdududahan? 'Di ba? Kamag-anak ko nga tapos pagdududahan ko?
Napabuntong hininga ako at huminto saglit sa paglalakad, tuloy pa rin si Xavier sa paglakad papasok ng vacation house namin. Pinagmasdan kong maigi ang mga kinikilos niya, wala namang kahina-hinala eh. Sadyang paranoid lang talaga ako dahil sa mga naunang nangyari.
"Hey insan? Ba't hindi ka pa papasok? Sige ka, may mumo diyan." tatawa-tawang biro niya sa akin. Inirapan ko lang siya at tuluyan na akong pumasok ng vacation house.
Nakita kong nakabangon na si Rosette at hirap na hirap sa nadarama niya kaya agad ko naman siyang inalalayan.
"Oh Rosette? Gising kana pala, dahan-dahan at baka mabinat ka." saad ko sa kaniya habang hawak-hawak ko siya sa braso.
Inilibot ni Rosette ang paningin niya hanggang makita niya si Xavier. Biglang nanlaki ang mata niya. Siguro dahil sa pagkakagulat or pagtataka?
"S-sino siya?" mahinang bulong niya sa akin. Binaling ko ang mga mata ko kay Xavier na ngayo'y inaayos na ang mga damit niya. Hayop 'to. May damit pa palang dinala.
"Ah, pinsan ko. Si Xavier Salcedo. Weird nga eh 'di ba? Gabing-gabi pa dumating dito sa vacation house?" tugon ko sa kaniya. Mas lalong nanlaki ang mga mata matapos kong sabihin ang tungkol dito.
"A-anong problema Rosette? Parang nakakita ka naman ng multo." takang tanong ko habang nakatingin sa kaniya ng seryoso.
"L-layla, b-baka siya 'yong k-killer dito? Baka s-siya ang may g-gawa sa akin nito?!" takot na may halong pagdududa na tanong sa akin ni Rosette.
Tinignan ko siya ng maigi at halos hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa kaniyang reaksiyon.
"Calm down Rosette. Hindi siya kaaway, he's our friend. Tutulungan niya tayo para mahanap ang killer at nang maipakulong na natin siya sa mga ginawa niyang karumal-dumal." pagpapaliwanag ko naman sa kaniya. Bumalik naman ang dati niyang reaksyon at biglang kumalma sa narinig.
"Ganun ba? Edi mabuti at nang madali nating mahanap ang pumapatay." saad naman niya sa akin. Nginitian ko naman siya dahil bumalik na naman ang dating siya. Ang masiyahin at masiglang si Rosette.
"Paano 'yan? Kailangan mo munang magpagaling Rosette para may kasama kami sa paghahanap sa killer. Okay?" saad ko naman sa kaniya. Tumango naman siya habang nakangiti.
"Okay good! Sige na matulog ka na. Dahil bukas ng umaga, aalis na tayo dito at mapapahanap na natin ang killer." saad ko naman sa kaniya habang tinatakluban siya ng kumot.
"Good night!"
"Good night too Rosette!"
Saktong pagkalabas ko, nasalubong ko naman si Scarlett na pababa ng kwarto niya. As usual, nakabusangot na naman ang mukha.
"Oh? Ano na naman nangyari sayo?" tanong ko naman sa kaniya.
"Tangina! Nawawala 'yong charger ng iPhone ko!" iritang saad niya habang nililibot ang paningin sa paligid.
"Baka nandiyan lang? Hanapin mo na lang kasi." tugon ko naman sa kaniya sabay krus ng mga braso.
Hinalungkat niya ang buong mini table sa salas hanggang mapansin niya ang sapatos ni insan. Bigla namang nanlaki ang mata niya at kagaya din ng reaksiyon ni Rosette, takang-taka.
"Kanino 'tong shoes na ito?" May lalaki bang nakatira dito na hindi mo sinasabi sa amin Layla?" takang tanong niya sa akin habang iwinawasiwas ang sapatos ni Xavier.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya at itinuro ang lalaking nakatoples ngayon sa ma kusina banda.
"That's mine miss sungit." sulpot ng moko kong pinsan. Nagpakawala ako ng buntong hininga ako ng makita kong walang pang-itaas si Xavier.
"Hoy! Magdamit ka nga pagkatapos mong magbanlaw!" iiling-iling kong saad sa kaniya. Nagkibit balikat naman siya at ipinakita pa sa amin ni Xavier ang 4 packs abs niya.
Akala siguro ng unggoy kong pinsan na magkakacrush ulit ako sa kaniya no?! Noon lang 'yon! 'Tsaka bata pa kami n'on.
Tinignan ko naman ang naging reaksiyon ni Scarlett. Ayun, napako sa kinatatayuan niya habang nakanganga. Kulang na lang siguro pasukan na ng langaw eh.
"Huy! Scarlett! Anong tinutunga-tunganga mo diyan? Akala ko ba naiirita ka kasi hindi mo mahanap ang charger ng phone mo? Eh bakit ngayon para kang statwang nakatingin sa insan ko." tatawa-tawang saad ko sa kaniya.
"No need na. Nahanap ko na pala. Bye! Goodnight guys!" saad niya sa akin habang todo ang ngiti. Tuluyan na siyang kumaripas ng takbo paakyat.
"Goodnight baby boy!" dagdag ni Scarlett sabay kindat nito. Eh? Landi talaga nung maldita kong kaibigan no?
"Oh? Anong akala mo? Hindi ba, natulala nga 'yong suplada mong kaibigan dito sa abs ko? Haha!" saad niya habang pinupunasan ang buong katawan niya.
"Ewan ko sayo! Kadiri ka Xavier! Magbihis ka na nga!" iritang saad ko sa kaniya. Ngumiti lang siya at umandar na naman ang pagkakasingkit ng mata niya.
"By the way, kapitbahay lang tayo ng kwarto ng mga kaibigan ko okay? Kwarto ni Scarlett, Rosette, ako at kwarto mo. 'Yung kwarto mo nga pala 'yun yung kwarto kung saan namatay 'yung kaibigan namin. Kaya sana, pahalagahan mo at 'wag na 'wag monh dudumihan okay?" pagpapaliwanag ko habang binabantaan siya.
"Okay po!" sarkastikong saad ni Xavier sa akin. Inirapan ko lang ulit siya.
"Goodnight!" dagdag ko at tuluyan ng umakyat papunta ng kwarto ko. Ngunit habang naglalakad ako, may napansin akong mga patak ng dugo. Bigla na namang umandar ang mga kilabot sa katawan ko.
Nanginginig at halos nawawalan na naman ako ng lakas para tignan kung saan nanggagaling mga dugong iyon.
Nanginginig akong umakyat hanggang mapagtanto kong, ang mga dugo na nakita ko ay nagmumula sa kwarto ni Rosette.
No! It can't be! May nangyaring masama kay Rosette!
[Chapter End]
BINABASA MO ANG
A Hell To Remember
Mystery / Thriller"Sino-sino ba talaga ang tunay kong kaibigan dito?" Book Cover by: @jhe_apolinario