Chapter XI: Missing

107 8 1
                                    

Chapter 11: Missing
-----------------------

Time Check: 8:07 AM

ROSETTE'S POV

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nasisilaw ako sa sikat ng araw na siyang unang bumungad sa mukha ko. Dahan-dahan kong kinusot-kusot ang mga mata ko.

Umaga na. Panibagong struggles na naman ang haharapin naming magkakaibigan. Naghikab ako at nagpakawala ng buntong-hininga.

Tinanggal ko ang kumot na nakapulupot sa akin 'tsaka isinuot ang sapin ko sa paa. Lalabas na sana ako ng kwarto nang bigla naman itong bumukas at bumungad sa akin si Layla.

"Oh Rosette? Gising kana pala. Pinaghandaan na kita ng breakfast oh." Biglang saad niya pagkakita niya sa akin.

"Gosh! Nag-abala ka pa. Si Aubrey nga pala? Kamusta na?" tanong ko naman sa kaniya habang inilalapag ang foods at juice sa mini-table ko.

"Ayun! Okay na okay na siya. Kumakain na siya ng breakfast ngayon." tugon naman niya habang nakangiti.

"Nice! Edi may pag-kukwentuhan na naman tayo! HAHAHA!"

Bigla naman akong napatawa. Pinipilit kong tumawa na kahit alam kong oras na lang ang buhay ko. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyari sa amin, lalong-lalo na ang pagkamatay ni Madeline.

Tumawa naman siya kaya agad ulit akong napayuko at pinunasan ang mga nangingilid kong luha gamit ang damit ko.

"Alam mo ba Rosette? Pupunta na dito mamaya ang mga pulis para mahuli at madakip na ang suspek sa pagpatay kay Madeline." saad naman niya sa akin habang kinakain ang dala niyang burger.

Ngumiti lamang ako at tumango-tango. Sana nga lang mahanap na 'yung may gawa sa amin nito. Sana mahanap na ang pumatay kay Madeline.

AUBREY'S POV

Nagising na lang ako nang may marinig akong mga tunog ng plato at mga kutsara. Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

"Salamat sa diyos, nawala na din ang lagnat ko." saad ko ng mahina. Dahan-dahan kong inaayos ang mga pinaghigaan ko nang bigla akong makakita ng isang litratong parang inaamag na ang print sa kalumaan.

Dalawang babae at bakas sa kanilang mukha na masayang-masaya sila sa mga araw na 'yon.

Pinagmasdan ko nang maigi ang dalawang babae sa litrato hanggang mapagtanto kong si Layla ang isa sa mga 'to.

Ngunit sino nga ba ang babaeng kasama niya? Baka pinsan niya or dati niyang kaibigan ah no?

Isinilid ko ang litratong napulot ko sa bulsa at pinagpatuloy ang pag-aayos sa pinaghigaan ko

Nang matapos na ako, agad akong lumabas ng kwarto upang tignan kung nandiyan naba sa Rosette. Si Rosette lang naman ang kaya kong pagkwentuhan eh. 'Yung feeling na comfortable ka kung siya 'yung kasama mo?

Bigla akong napasimangot nang hindi ko makita si Rosette sa baba ng salas. Tanging si Layla lang ang nakikita ko sa baba. Naghahanda para sa kakainin namin.

Nilibot ko ang paningin sa paligid hanggang masagi sa paningin ko ang isang basketball shoes sa tapat ng kwarto ni Madeline.

"May tao sa kwarto ni Madeline?" takang-tanong ko. Napailing na lang ako nang makita ito.

Babalik na sana ako ng kwarto nang bigla naman akong tawagin ni Layla.

"Aubrey! Gising kana pala! Tara na! Sabayan mo ng kumain si Xavier!" pasigaw niyang saad sa akin mula sa salas.

A Hell To Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon