Chapter 12: Playing with Dumbasses
-----------------------------Time Check: 11:09 AM
SCARLETT'S POV
I just want to leave this bullshit place but why I can't? Kahit sarili kong mga paa ni hindi ko maitakbo o maihakbang man lang paalis sa islang ito.
What's happening to me! I'm tired! Ayoko na makipagtalo, makisabay sa kanilang pinag-uusapan, at tumulong maghanap sa killer.
Pero bakit ayaw nila akong paniwalaan? Ayaw nilang maniwala na ang palagi nilang sinusuyo, binabantayan at inaalagaan ay siya ding sasaksak sa mga likuran nila?
Ganoon na ba talaga ako kasinungaling? I'm just being myself! Nagpapakatotoo lang ako, kahit gan'to ako, hinding-hindi ko magagawang makipaglokohan sa kanila.
Bakit ayaw nilang maniwala na si Aubrey nga ang pumapatay?
"Tulooooong! Gusto ko nang umalis sa islang 'to!" sigaw ko sa harap ng dalampasigan, ngunit halos echo lang ng boses ko ang naririnig.
Napatigil ako bigla at napaupo sa buhangin. Damang-dama ko ang hapdi at init dulot ng sikat ng araw, kasabay pa nito ang mga along humahampas sa akin ngayon.
Binitawan ko ang tali ng alaga kong si Sushi at nakita kong lumapit siya sa may tabing-dagat at dinidila-dilaan ang mga tubig na humahampas.
Uhaw na uhaw na ata si Sushi. Pero paano ako, kahit ako nagugutom at nauuhaw na rin. Bwesit kasi 'tong si Layla eh. Siya ang may kasalanan ng lahat ng 'to. Hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sa peste niyang mga plano.
It should be in our province, 'yun nga lang, nagpapabida si Layla sa mga kaibigan ko. Tangina, ito ba ang ibibigay niyang enjoyable moments?
Tumayo ako at hinawakan ng mahigpit ang tali ni Sushi. Nilingon ko pabalik ang daan na dinaanan ko kanina.
"Kasalanan niya ito, kaya magbabayad siya."
LAYLA'S POV
Nakatulala pa rin ako sa hangin. Iniisip ko kung posible bang mawala ang bangkay ni Madeline dito sa silid kung saan namin siya itinago.
"Impossible! Hindi pwedeng mawala ang bangkay ni Madeline dito?!" Gulat na saad ni Rosette habang nakaface-palm.
Napakunot noo ang mga pulis na nasa harap namin at nilingon ang isa't isa, sabay bulungan.
Nagmumukha na tuloy kaming mga sinungaling at tanga. Pero bakit gano'n? Hindi kaya...
"Hindi kaya buhay pa si Madeline?"
Umalingaw-ngaw ang mahina ngunit dinig na dinig na boses ni Aubreyna may halong pagkasabik. Napalingon naman kaming lahat sa kaniya.
Nagtataka niyang tinignan ang mga itsura namin. Napaisip ako bigla sa sinabi ni Aubrey, kung buhay pa ba si Madeline.
"Buhay? Pero duguan na siya nang makita natin diba?" biglang tugon naman ni Rosette habang nakapamewang.
"Wait, it is." dagdag ko naman. Bigla naman silang napatingin sa akin, pati mga pulis napatingin din at may sinusulat na hindi ko maintindihan.
"What? Anong ibig mong sabihin Layla?" takang tanong naman ni Rosette. Binaling ko ulit ang tuon ko sa pagmumuni-muni tungkol sa nangyari kay Madeline.
Kung tutuusin, hindi namin alam kung buhay o patay na ba talaga si Madeline, kasi nung makita namin siyang duguan, isinilid na namin siya sa stock room.
Alam naming may angking talento si Madeline sa paggamit ng cosmetics, at make-ups.
Pero ang nakakaalam nito ay kaming dalawa lang ni Rosette.Posible kayang buhay si Madeline? Kung buhay nga siya, malaki ang possibilities na siya ang nagtatangka sa mga buhay namin.
"Si Madeline Shan Gomez ang nagtatangka sa buhay natin." saad ko sa kanila ng seryoso. Nanlaki naman ang mata nina Aubrey at Rosette pagkarinig ng mga sinabi ko.
"What?! Paano nangyari 'yon? E diba patay na si Madeline?" depensa naman ni Rosette.
"What's our evidences Rosette na buhay pa nga si Madeline? Tell me? Hindi ba magaling siya sa paggamit ng mga cosmetics?" tugon ko naman sa kaniya.
Napaface-palm naman si Aubrey nang malaman niya ang katotohanan. I think it's time to know all of this shitness.
"Bakit hindi niyo kaagad sinabi sa akin?" saad naman ni Aubrey. Napabuntong hiniga ako nang marinig ko ang tanong niya.
"You're sick at that moment. Tanging si Rosette at ako lang ang nakakaalam n'on. Pero suddenly, kaming dalawa ang natira ni Rosette dahil kami ang nagdala kay Madeline dito, kaya sa kaniya ko lang nasabi ang lahat." pagpapaliwanag ko naman.
"Pero bago tayo umalis sa stock room Layla, I'ved check Madeline's pulse, pero wala. Wala na siya, patay na talaga siya." saad naman ni Rosette.
Napaisip na naman ako bigla. Kung hindi si Madeline ang nagtatangka sa buhay namin, maybe, there's a killer in the 3 of us. It's either Rosette, Aubrey, or Scarlett. Hindi ko kayang pagbintangan ang pinsan ko dahil wala siyang kaalam-ala sa nangyari sa amin. He's innocent and I can prove it.
"Okay, okay. Mamaya na kayong mag-usap. Bibigyan ko pa kayo ng 1 day para makapaghanda, at kumilos. Hindi muna kami aalis ngayon para mabantayan ko ang bawat kilos niya. Kung papahintulutan niyo kaming, manatili muna dito ng isang gabi." pagpapaliwanag ng isang mamang pulis.
Kung hindi ako nagkakamali, Ruiz ang apilyedong nakalagay sa may kaliwang chest niya
"Okay po. Dito na lang po ang tulugan niyo." saad ko naman sa kanila sabay turo sa isang bakanteng kwarto. Tumango-tango naman sila 'tsaka umalis.
Malapit nang matigil ang mga kahibangang nangyayari dito. Malapit nang matapos ang kababalghang ito.
KILLER'S POV
Nagmamasid ako ngayon sa kanila. Palaban ang mga gagang 'to. Anong akala nila? Madadala nila ako sa mga pulis effect nila? My gosh! Don't me bitches!
Ang sarap sarap talagang makipaglaro sa mga bruhang 'to eh no? Ang sarap sarap maglaro, kapag ang mga kasama mo ay mga bobo.
Look what I can do. Kung gusto niyo nang matapos ang lahat ng 'to. Hindi ko na kayo iisahin dahil pagsasabayin ko kayong tutuhigin gaya ng barbecue! HAHAHA!
I'll end this. I will end this, bloody. Tonight.
[Chapter End]
A/N: Super Duper na matagal na update! Bwihihi! Sorry, busy si author eh. By the way, mapupublish na po kasi 'tong A Hell To Remember, and I DON'T THINK SO na matatapos ko ito dito sa wattpad. Pero enjoy lang! Aja! Fighting.
CLUE: 90633773
BINABASA MO ANG
A Hell To Remember
Mystery / Thriller"Sino-sino ba talaga ang tunay kong kaibigan dito?" Book Cover by: @jhe_apolinario