Chapter 5: Cat Fight
--------------------AUBREY'S POV
Kakayanin ko kahit masama ang pakiramdam ko. Ayoko nang masali sa kanilang pinag-aawayan. Dahil alam ko naman na ako ang puno't dulo nang lahat ng paghihirap nila ngayon. It's all my fault.
Kasalukuyan akong naglalakad paalis ng vacation house na tinutulugan namin. Nanginginig ako sa lamig sa bawat paghampas ng mga alon. Sabay pa rito ang malalakas na mga hangin dulot ng ulan kani-kanina land.
"Please! Somebody help me, I want to leave this hellish island!" nanginginig kong saad dahil sa panlalamig.
Alam ko'ng walang tao ang makakatulong sa akin ngunit pilit pa rin ako sa paghingi ng tulong dahil alam ko'ng sa paraang ito, baka may tao pang makarinig sa akin.
Gusto ko nang umalis dito, baka ako na ang isusunod niya.
SCARLETT'S POV
Alam mo ba 'yung pakiramdam na ako parati ang napapagbintangan. Una si Sushi, tapos ako naman ang pagbibintangan na killer? What the fuck!
"Oh my god! Saan naba pumunta si Aubrey? Hindi pa niya kaya ang sarili niya! Baka mapano siya." pag-aalala naman ni Layla.
Kung ako, hindi ko na hahanapin 'yong bruhang 'yun no. Over my dead body, deserve naman niyang maglayas at umalis dito eh. Sasama-sama pa sa outing namin.
"Baka napano na siya! B-baka napatay na siya ng killer!" tarantang saad naman ni Rosette. Ang kaniyang bestfriend in crime. Baka nga magkasabwat pa sila sa pagpatay kay Madeline eh. Hula ko lang ah.
"Ano ba 'yan guys! Magsitigil nga kayo! Let's just relax! Babalik din 'yun si Aubrey!" saad ko sa kanila sabay kindat.
Tinitigan na naman ako ng masama ni Rosette kaya nagtitigan kaming dalawa. Lumapit naman siya sa akin at binigyan ako ng isang malakas na sampal.
"Oh ano? Akala mo hindi ako papatol sa'yo Scarlett? I'm not the old Rosette that you've met before! Ibang Rosette na ang kaharap mo ngayon. Better back off!" sumbat niya sa akin at agad na hinila si Layla palabas ng vacation house.
How does Rosette do this to me? Bakit naging harsh na siya?
LAYLA'S POV
Bigla akong nagulat sa ginawa ni Rosette kay Scarlett. I can't believe that she can do that to our queen bee.
"R-rosette? Pa'no mo nagawa kay Scarlett 'yon?" takang tanong ko sa kaniya. Ngumiti lang siya sa akin at saglit na tumigil sa paglalakad.
"It's so easy bes! Bakit ikaw? Hindi mo ba kaya gawin 'yon kay Scarlett?" tanong niya sa akin habang nakangiti.
Nagawa niya pang ngumiti sa sitwasyong ito ah. Ibang Rosette na talaga ang nasa harap ko ngayon.
"Hindi. Mahirap na kapag si Scarlett nakalaban ko no." tugon ko naman agad. Tumawa lang siya ng mahina at tinignan ako ulit ng seryoso.
"Are you sure Layla? Eh bakit kaya mong patayin si Madeline?" tanong niya ulit sa akin.
Nagulat naman ako nang tanungin niya ako tungkol sa pagkamatay ni Madeline. Sinusubukan niya ba akong idiin sa kasalanang hindi ko naman ginawa?
"What? Are you insane Rosette? I didn't kill anybody. I didn't kill my own bestfriend!" tugon ko sa kaniya agad. Humalakhak siya nang humalakhak at biglang napaupo sa kakatawa. What's wrong with this girl? May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"Naniwala ka din sa akin Layla? Oh my god! Joke lang ano ka ba! Siniseryoso mo naman ako eh!" saad niya sa akin habang tumatawa.
Natahimik naman ako bigla ng marinig ko ang sinabi niya. God, akala ko pinagbibintangan niya ako.
"Tara na, hanapin na natin si Aubrey. Baka saan pa 'yon nagsususuot." saad niya ulit sa akin sabay hila sa kamay ko.
Patuloy kami sa paglalakad hanggang makakita kami ng mga footprints sa buhangin. Imposibleng may ibang tao dito sa isla maliban sa amin.
Isang liblib na isla ang lugar na pinagbakasyunanan namin kaya walang kahit sino ang maaaring pumunta dito maliban sa akin, at sa pamilya ni Tita Ivy. It's a private place, kaya walang pumupunta dito maliban sa kanila.
Ang ipinagtataka ko lang, kaninong mga footprints ito? Posible kaya'ng, kay Aubrey 'to?
"Oh my god! Nandito lang si Aubrey sa tabi-tabi! Kailangan natin siyang mahanap agad at baka may mangyari sa kaniya!" tarantang saad ko kay Rosette.
Hihilahin ko na sana siya nang bigla niya akong pigilan.
"Don't make noise. We are not sure kung kay Aubrey nga ang footprints na 'yan" saad sa akin ni Rosette habang tinatakpan ang bibig ko.
Inalis ko naman agad ang kamay niya sa bibig ko.
"No! Kay Aubrey nga 'tong footprints. Walang tao dito sa islang 'to maliban sa atin!" saad ko naman sa kaniya 'tsaka umalis.
"Aubrey nasaan kana ba?" Halika na, bumalik na tayo sa resthouse!"sigaw ko habang patuloy pa rin na naglalakad. Naiwang nakatayo si Rosette sa likod ko. Bahala na, basta mahanap ko lang at masigurado ko'ng ligtas si Aubrey.
Ayaw ko nang matulad siya kay Madeline. I won't let that happen again.
"Layla stop! Hindi mo alam kung anong ginagawa mo." sigaw niya sa akin ngunit hindi ko siya pinakinggan.
THIRD PERSON'S POV
Nanantiling nakatayo si Rosette sa kinatatayuan niya at tintignan ang kinikilos nang dalagang si Layla.
"Layla naman eh, hindi mo alam kung anong ginagawa mo." saad nang dalagang si Rosette habang pinagpapadiyak ang kaniyang dalawang paa.
"Bahala ka na nga diyan. Ayaw mo'ng makinig sa akin." saad ni Rosette atsaka tuluyang bumalik sa kanilang tinutulugan.
Hindi pa siya nakapasok sa gate ng kanilang pinagbabakasyunan nang biglang may tumama na kung ano sa kaniya.
Hindi na niya natantya ang sakit kaya tuluyan na siyang bumagsak. Sabay pa dito ang pagkawala nang kaniyang malay.
KILLER'S POV
Why so bobo guys? Lima lang tayo tapos hindi niyo pa mahanap kung sino ang pumapatay? Oh my god! Todo na 'to, bongga talaga ang mga plano ko.
[Chapter End]
A/N: Some clues are hidden in this chapter. So, be ready for the mind-blogging excitement in the next following chapters.
BINABASA MO ANG
A Hell To Remember
Mystery / Thriller"Sino-sino ba talaga ang tunay kong kaibigan dito?" Book Cover by: @jhe_apolinario