Chapter 3: Nightmare
-----------------------------------LAYLA'S POV
"What? Sigurado ka ba talagang si Aubrey ang nagpadala sa'yo ng threat na 'yon? takang tanong ko naman sa kaniya. I can't believe this situation right now. Kung sino pa 'yung mukhang inosente, siya pa 'yung mag-threat sa buhay mo?
"Yes Layla, she can do it! Baka naiinis na siya sa akin or what! Kaya nagawa niyang tangkain ang buhay ko!" takot na tugon niya sa akin.
Sa pagkakaila ko kay Aubrey, she's so innocent, lovely and kind person. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ginawa 'to ni Aubrey kay Scarlett. O di kaya naman, gumagawa-gawa naman si Scarlett ng kwento.
"Wala pa tayong malinaw na evidence na si Aubrey nga ang may gawa niyan." saad ko naman sa kaniya.
Napatigalgal naman si Scarlett sa sinabi ko at tinanggal ang kaniyang pagkakahawak sa mga braso ko.
"What?! Anong evidence pa ang kailangan niyo! At isa pa, do you think i'm lying?!" bigla na namang nag-iba ang tono ng pananalita ni Scarlett. Nandiyan na naman 'yung pagkamaldita niya.
Iyong tipong, kapag may sinabi ka, minamasama niya.
"Hindi sa gan'on Scarlett, naniniwala naman kami sa'yo pero wala pa tayong sapat na patunay na si Aubrey nga ang salarin ng mga sinasabi mo." pagpapaliwanag ko naman ngunit inirapan niya lang ako.
"Huwag na kayong mag maang-maangan pa, hindi ko kayo tunay na kaibigan, lalong-lalo na, hindi niyo ako tinuring na kaibigan!" sigaw niya sa akin.
"Heto na naman tayo. Hindi ba--" biglang naputol ang mga sinabi ko ng biglang pumasok at hingal na hingal na dumating sina Rosette at Madeline.
"Oh? Bakit pa kayo bumalik mga gaga?!" tanong naman ni Scarlett sa kanila habang nakataas pa ang kaniyang kaliwang kilay.
"Si Aubrey, ang taas ng lagnat!" tugon ni Madeline na labis ko namang ikinagulat.
"What?! A–anong nangyari?" takang tanong ko sa kanila.
"Hindi namin alam, basta nadatnan na lang namin siya sa baba na nakahandusay at inaapoy ng lagnat." tugon naman ni Rosette sa akin.
"W–wait! Ako na muna ang bahala." tarantang sagot ko naman sa kanila.
"What?! Tutulungan mo pa ang babaeng 'yon?! Siya pa nga ang nagtangka sa buhay ko eh. Leave her alone!" saad naman sa amin ni Scarlett.
"Leave her alone? Siguro desperada lang ang kayang gumawa niyan sa taong kaibigan niya. Nangangailangan si Aubrey ng tulong. Kung ayaw mo tumulong, hindi ka namin pipilitin." tugon ko naman sa kaniya at sabay na umalis ng kwarto. Hindi ko na nakita ang reaksiyon niya dahil alam ko namang iirap lang 'yun sa amin.
"Ano kayang nangyari kay Aubrey. Nakahandusay na ba siya sa sahig bago niyo madatnan?" tanong ko sa kanila habang pababa ng ikalawang palapag.
"Oo Layla, hindi namin alam kung saan o pa'no niya nakuha ang lagnat 'yun. Wala namang ulan, hindi naman tayo nagpainit 'di ba?" tugon ni Rosette sa akin.
"Oo nga, hindi namin alam kung bakit nagkaganun si Aubrey, kawawa naman siya." saad ni Madeline.
Mas lalo pa naming binilisan ang paglalakad hanggang marating namin ang sofa kung saan nakahiga ngayon si Aubrey habang nanginginig sa lamig.
"Au-aubrey! Wha-what happened?! Bakit kaba nagkakaganiyan"
Hinawakan ko ang nuo niya at naramdaman ko'ng umaapoy nga ng lagnat si Aubrey. I need something to do. Hindi ko siya pwedeng hayaang nagkakaganiyan.
Bukod sa kaniyang kalagayan, baka ako pa ang pag-initan ng kaniyang mga magulang. I need to do something.
"Rosette, ikuha mo ako ng bimpo at isang plangganang may maligamgam na tubig." saad ko kay Rosette. Tumango naman siya at nagsimulang kumilos.
"Madeline, ikuha mo naman ako ng gamot sa bag ko. Sa kwarto ko mismo." saad ko naman kay Madeline. Gaya ni Rosette, tumango lamang siya.
"Aubrey, gagaling ka okay? Ako ang bahala sayo."
Hinagod-hagod ko ang buhok niya habang nakatingin sa kaniyang nanginginig na katawan. Kawawa naman si Aubrey.
"Wait lang Aubrey ha? Iinom lang muna ako ng tubig" saglit kong iniwan si Aubrey na nakahiga at agad na tinungo ang kusina.
"AHHHHHHHHH!" isang sigaw ang nagpabulabog sa aming lahat. Hindi namin alam kung kaninong sigaw 'yun pero siguradonh-sigurado ako na ito'y nanggagaling sa ikalawang palapag.
Dali-dali akong umakyat sa ikalawang palapag. Hindi ko alam kung anong nangyayari, basta ang alam ko, may nangyaring kakaiba. May nangyaring hindi kaaya-aya.
"S–scarlett?, R–rosette? Anong nangyari?" nanginginig na tanong ko sa kanila. Nanghina ang kalamnan ko ng may makita akong mga dugo na nagmumula sa kwarto ko.
"W–wala na si Madeline. P–patay na siya! Pinatay siya Layla!" naghahagulgol na saad sa akin ni Rosette.
[Chapter End]
BINABASA MO ANG
A Hell To Remember
Mistério / Suspense"Sino-sino ba talaga ang tunay kong kaibigan dito?" Book Cover by: @jhe_apolinario