Chapter 14: Nightmare
----------------------Time check: 5:50 PM
ROSETTE'S POV
Kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa kama ko habang nakatingin sa kawalan. Katatapos ko lang naman din magligpit ng mga gamit ko eh.
Napabalikwas ako ng higa nang may biglang kumatok sa kwarto ko.
"Pasok lang, nakabukas 'yan." Tinatamad kong sagot. Agad din naman niya itong binuksan at dali-daling isinara ang pinto.
Bumungad sa akin ang hindi ko maipintang mukha ni Aubrey. May hawak-hawak siyang isang baso ng juice at tila sinadya niya talaga akong puntahan at ibigay ito.
"Rosette, mukhang stress ka ata ngayong araw ah? Eto oh, uminom ka muna." Mahina niyang saad habang marahang inaabot ang juice na hawak niya sa akin.
"Thank you Aubrey. Paki-lagay na lang pala diyan sa mini-table." Nakangiting tugon ko naman.
"Ah sige, mauna na ako sa baba." saad niya. Hinila ko ang kamay niya kaya napalingon siya ulit sa akin.
"Saglit lang Aubrey. May sasabihin pa sana ako eh." mahinang saad ko sa kaniya. Napaupo naman siya sa gilid ng kama ko, habang ako naman ay naka chinese sit.
"Matagal na tayong mag-bestfriend Ros, kaya okay lang kahit anong gusto mong sabihin." saad naman niya habang nakangiti.
"Hindi ka ba naiilang kapag parati mong kasama sina Layla at Xavier?" tanong ko naman sa kaniya.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita ng marahan.
"Minsan, pero nasasanay naman din akong kasama sila eh. Hindi ba bestfriends tayong lima? Kaso nga lang, wala na si Madeline." dire-diretso naman niyang sabi.
"Yeah. Ganiyan din naman ang naramdaman ko simula noong makilala ko silang tatlo." tugon ko naman.
Tumango-tango lamang siya. Hinawakan ko ulit ang kamay niya 'tsaka tinignan siya sa mga mata.
"Aubrey, kung aalis ba ako agad dito. Sasama ka ba sa'kin?" seryosong tanong ko sa kaniya.
Nanlaki naman ang mga mata niya sa mga itinuran ko.
"Huh? Anong ibig sabihin mo Rosette? Siyempre, sasama ako." agad naman niyang sagot sa'kin.
"Talaga? Edi tara na, alis na tayo dito." saad ko habang hinihila siya paalis ng kwarto ko ngunit pinigilan niya ako sa pamamagitan nang paghila ng kamay ko.
"Teka lang. Pa'no si Layla? Si Xavier? Hindi ba tutulungan pa natin ang mga pulis sa pag-iimbestiga?" nagtataka niyang tanong sa'kin.
Hindi na ako umimik pa at dali-daling lumabas ng kwarto ko. Paulit-ulit na binanggit ni Aubrey ang pangalan ko ngunit hindi ko na ito pinakinggan, alam ko naman na hindi siya makikinig sa'kin eh.
Bumungad sa akin si Layla na nakahiga sa may sofa at parang himbing na hibing sa kaniyang pagkakatulog. Perfect opportunity.
Dali-dali akong lumabas at tuluyan na akong naglakad papalayo sa resthouse.
AUBREY'S POV
"Rosette! Sandali! 'Wag mo kaminh iwan. Saglit lang!" paulit-ulit kong sigaw ngunit parang hindi ito naririnig ni Rosette.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nakita ko si Layla na nakahiga sa sofa kaya agad ko naman din siyang ginising-gising.
"Layla! Dali! Si Rosette! Umalis ng resthouse!" paulit-ulit konh banggit kay Layla ngunit parang ayaw nitong gumising.
Agad ko namang tinungo ang kwarto ni Xavier sa taas. Pagpasok na pagpasok ko pa lang, bungad na saakin ang kalat nitong kwarto.
"Xavier! Si Rosette umalis nang mag-isa sa resthouse. Hindi ko na siya napigilan dahil tuloy-tuloy ang pag-alis niya." taranta kong saad sa kaniya.
"Huh? Saan na siya?" ang tanging lumabas sa bibig niya dahil sa pagkagulat.
"Hindi ko alam. Pero sigurado ako, hindi pa siya nakakalayo." tugon ko naman. Dali-dali niyang isinuot ang kaniyang sapin sa paa at agad na lumabas ng kwarto.
Sumunod naman ako sa kaniya. Bago pa man ako makalabas ng resthouse, hinablot ko ang isang bottle lamp sa may desk. I know I will need this one.
Tuluyan na kaming umalis ng resthouse habang nililibot-libot ang buong paligid. Papagabi na, hindi ba alam ni Rosette na private island ito? Ni walang taong dumarayo dito, sasakyan pa kaya?
"Rosette!"
"Rosette!"
Tanging mga pangalan lang niya ang isinisigaw namin sa buong dalampasigan. Saan naman kasi nagsusuot 'yong babaeng 'yon.
Nilingon-lingon ko ang mga mata ko sa tabi-tabi hanggang makita ko ang isang nakakapanindig balahibo na hindi ko dapat makita.
"Ro-roseteeeeeee!!" sigaw ko nang paghihinagpis nang makita kong may nakatuhog sa tiyan niya na isang matalim na bagay habang naliligo siya sa sarili niyang mga dugo.
[Chapter End]
BINABASA MO ANG
A Hell To Remember
Mistério / Suspense"Sino-sino ba talaga ang tunay kong kaibigan dito?" Book Cover by: @jhe_apolinario