Chapter 4: Blame it to Who?
--------------------------ROSETTE'S POV
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa amin ngayon. Hindi ko din alam kung bakit may nangyaring karumal-dumal sa pinagbabaksyunan namin. Ang masaya sana naming kasiyahan, nauwi sa patayan.
"OH MY GHAAAAD!" naririnding sigaw ni Scarlett nang makita niya si Madeline na duguan.
Patuloy pa din ako sa paghahagulhol. Nanginginig ang mga kalamnan ko nang makita kong duguan at wala ng buhay si Madeline. Hindi ko pa rin matanggap na wala na ang isa naming kaibigan. Ang kaibigan naming pinagkakatiwalaan namin ng lubos.
"Sinong may gawa sa kaniya nito?! Magbabayad siya Madeline!" paghahagulhol ko habang isinisigaw ang pangalan niya.
"What happened? P–pano nangyari kay Madeline 'to?" tarantang saad ni Layla. Nilingon ko si Scarlett at tinignan ng masama.
"W-what's wrong with you R–rosette? Ba't ganiyan ka makatingin sa'kin?" nanginginig na tanong sa akin ni Scarlett habang pinupunasan ang mga luha niya. Mga luhang puno ng kaplastikan.
"Don't get me wrong Scarlett. Pero hindi ba ikaw lang ang natira dito sa ikalawang palapag?" saad ko sa kaniya habang nakakumo at nagtitimpi ng galit.
"What?! I won't kill my own bestfriend!" pangdedepensa naman niya sa kaniyang sarili. Lalapit sana siya sa duguang bangkay ni Madeline ngunit inunahan ko na siya.
"Huwag na huwag ka'ng lalapit kay Madeline! KILLER KA! KILLER!" sumbat ko sa kaniya. Hindi ko na din napagtimpian ang galit ko kaya nasigawan ko na siya. Wala akong pakealam kung magalit man siya sa akin. Kung dati bitch siya sa grupo, ipagtatanggol ko na ang sarili ko. Hindi para sa akin, para sa mga kaibigan ko, lalong-lalo na, kay Madeline.
"What the hell?! Don't you dare accuse me of being killer!" tugon naman ni Scarlett sa akin. Akmang sasampalin niya na sana ako ng bigla kaming awatin ni Layla.
"Ano ba guys?! Hindi niyo ba alam na may patay sa harapan natin, may sakit pa si Aubrey?! Hindi oras magbintangan guys!" saad sa amin ni Layla kaya napahinto kami.
Kailangan mapaniwala ko si Scarlett. Kung tutuusin, mas madaling patayin ni Scarlett si Madeline dahil nasa iisang palapag lang sila. Kung sa gayon, 95% na si Scarlett ang pumatay rito. Ngunit saan napunta ang ibang persyento? Bakit hindi ako sure na 100% na si Scarlett nga ang pumatay?
Here's my theory. Napunta ang 2% sa outsider. Why? Hindi kami nakakasiguro na safe nga ba talaga ang vacation house na pinuntahan namin. Maybe, the killer is outside of our vacation house. Pero pa'no naman mangyayari 'yon diba? Nakalock lahat ang windows sa kwarto ni Layla. Wala din namang ibang pwede daanan ng outsider.
Another 2% goes to Layla. Bakit? Kasi sa kanila ang vacation house na tinutulugan namin. Alam na niya ang pasikot-sikot sa buong house na 'to. Pwede ring planado na niya ang lahat. Ang point ko lang naman, bakit nasa baba siya ng sumigaw si Madeline? I'm confused. Even she's my friend? I don't trust her too much.
And the last 1% goes to Aubrey. Hindi ba? Kilala natin siya bilang tahimik, shy type person. Pero ika nga, being silent is the best weapon to hide the true YOU. Maybe she's acting para magawa na niya ang plano niya 'diba? Sinamantala niya ang pag-alis namin para mapuntahan niya si Madeline 'tsaka patayin? But, may gamot ba'ng pampalagnat? Tell me.
Pwedeng siya'y may kasabwat, pwedeng siya'y nag-iisa. The killer may be, Scarlett, Layla, or Aubrey.
"A–ano nang gagawin natin Layla? Paano natin 'to sasabihin sa mga magulang niya!" tarantang saad ko habang nakatingin sa nakakaawang bangkay ni Madeline.
"I don't know Rosette, pero pwede naman natin 'tong gawing secret diba? Sasabihin nalang natin sa parents niya pag-uwi natin ng kabihasnan." saad niya sa akin habang nakatingin ng seryoso sa bangkay ni Madeline.
Awang-awa ako kay Madeline. She's very young to die. Marami pa siyang pangarap sa buhay.
"Okay, pero saan naman natin ilalagay ang bangkay ni Madeline? Alangan namang hayaan nating nakahandusay siya diyan? Ang baho kaya, my god!" pagrereklamo ni Scarlett habang diring-diri na nakatingin sa duguang bangkay ni Madeline.
"Huwag kang ganyan, KILLER!" sumbat ko sa kaniya sabay irap. Nakakairita na kasi eh.
"Bakit ba parati na lang ako ang pinagbibintangan niyo sa pagkamatay ni Madeline? Sinabi ko na nga na wala akong kinalaman diyan!" tugon naman niya sa akin.
Kung ganiyan naman ang pag-aasta niya. Obvious na masyado na siya ang may pakana nang lahat ng 'to. Bakit ayaw pa kasi niyang umamin?
"Ano ba! Sabi ko'ng huwag na kayong magbintangan eh. Mabuti pa, ilagay niyo na lang 'yang bangkay ni Madeline sa stock room. Nasa ikatlong palapag ng resthouse bandang kaliwa." saad sa amin ni Layla habang nakapamewang.
"Yuck! Nakakadiri kaya! Fuck!" pagrereklamo ulit ni Scarlett.
"Ano ba Scarlett! Kaibigan natin 'to! Huwa kang aarte-arte diyan! Baka ikaw na ang susunod." tugon ko sa kaniya.
Nagsimula kaming kumilos ngunit halata pa rin sa mukha ni Scarlett na naririndi siya sa ginagawa niya. Shit, what kind of bestfriend is her?
"Siguraduhin niyong hindi mamamaho ang bangkay ni Madeline dun ah? Siguraduhin niyong nakalock ito ng maayos bago kayo umalis." dagdag ni Layla.
Tumango lamang kami at sinimulan ang pagkarga sa bangkay ni Madeline.
"Kakamustahin ko lang muna si Aubrey sa baba." dugtong nito 'tsaka tuluyang umalis.
Umakyat kami sa ikatlong palapag at agad naming tinungo ang sinasabing stock room ni Layla. Grabe, ang bigat pala talaga ni Madeline.
"Guys! Guys!"
Bigla kaming nakarinig ng tawag mula sa baba. Boses ni Layla 'yun ah. Hingal na hingal na dumating siya sa amin.
"Oh Layla? Anong nangyari?" takang tanong ko naman. Hinihintay ang susunod na sasabihin ni Layla.
"Nawawala si Aubrey!"
[Chapter End]
BINABASA MO ANG
A Hell To Remember
Mystery / Thriller"Sino-sino ba talaga ang tunay kong kaibigan dito?" Book Cover by: @jhe_apolinario