Chapter 17: Last Stand
------------------------Time Check: 8:24 PM
LAYLA'S POV
Monsters. Who are they? Why they exist? Can you guess who the monsters are? We. We are the monsters who show them the half side of us, I might say, the bitchy side of us. The real you is the monster inside you. ~ Josh Argonza
~
Halos 'di ako makakilos sa nakita ko. Why Scarlett? Bakit siya pa? Bakit may hawak-hawak siyang kutsilyo?
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob. Dahan-dahan upang hindi makagawa ng kahit anumang ingay ngunit palpak. Narinig niya ang pagpihit ng pinto kaya agad naman din niya akong nilingon.
"Layla? Shhh!" pagmamakaawang saad ni Scarlett sa akin. Mas lalo akong kinabahan sa mga itinuran niya. Anong nangyayari sa kaniya?
"Lumayo ka sa'kin! Killer ka!" sigaw ko sa kaniya at tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay agad na bumungad sa akin ang isang naka-costume na tao. Kung hindi ako nagkakamali, ang costume na 'yon ay sa tita ko na ginamit nila nung nag-cosplay sila.
"Who are you?" nanginginig kong tanong sa taong kaharap ko ngayon. Hindi ko maaaninag ang mukha niya dahil nababalot ng dilim ang kaniyang buong mukha.
Agad niyang hinablot ang isang palakol at sinubukan niya akong paghahampasin.
"Tulong! Xavier!"
Agad na lumabas si Xavier dala dala ang pamalo niya at agad itong hinampas sa likod ng taong kaharap ko.
"Aubrey! Layla! Takbo!" senyas niya sa amim sabay baba ng resthouse. Hingal na hingal kaming nakababa mula sa salas.
"Nasa'n si Scarlett?" dudang tanong naman ni Aubrey. Niyakap ko silang dalawa ni Xavier bago nagsalita.
"Natakasan ko si Scarlett. Nalilito ako kung may kasabwat ba siya sa pagpatay ng mga kaibigan natin." tugon ko naman.
Biglang kumunot ang noo ni Xavier at paulit-ulit na naglakad paikot-ikot.
"Pa'no nangyari 'yon? Nakaligtas si Scarlett kanina nang maiwan siya dito. Nakausap pa namin siya kaya pinapunta namin 'to sa pinagtataguan mo. Then sinabi namin na kumuha siya ng weapon na pwede niyang pangdepensa sa sarili niya. That's it!"
Mahinahong paliwanag ni Xavier na siya namang ikahina ng tuhod ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko nang marinig ang kaniyang paliwanag.
Mali ako. Hindi ko siya pinakinggan, kaya ngayon nasa pahamak na kalagayan na si Scarlett.
"Balikan natin siya sa taas! Maililigtas pa natin siya." saad ko sa kanila nang pataranta.
Hinawakan ni Xavier ko ang braso ko at pinakalma.
"No. She's hiding now to the killer." tipid niyang sagot.
SCARLETT'S POV
I'm sorry guys for what I haved done. Hindi ko akalain na dahil sa inyo, magbabago ang buong pagkatao. Gusto ko sanang pumatay pero hindi ko kaya, hindi ko kayang saktan ang mga bestfriends ko na minsan nang nagbigay ng kaligayahan sa buong buhay ko.
Dahan-dahang bumubukas ang pinto kaya dahan-dahan din akong naglakas upang magtago sa likod nito.
I can hear its shoes roaming around the room na para bang may hinahanap and I'm sure, hinahanap na niya ako. Susubukan niya na akong patayin.
Sinipa ko ang pinto na siya namang naglikha ng napakalakas na ingay kaya napalingon siya sa'kin.
"Oh ano? Matapang ka? Sige, lumapit ka sa'kin, hayop ka!" sumbat ko sa kaniya habang tinututukan ko siya ng matalim kong kutsilyo.
Hindi siya nagsalita at lumapit lang sa akin na para bang wala lang. Kampante na kamlante siyang kayang-kaya niya ako na walang anumang armas.
Bigla na lang niyang hinwakan ang kamay ko at itinwist ito na siyang naging dahilan kung bakit ko nabitawan ang kutsilyo.
"Ahhhh! Tangina mo! Sino ka ba ha? Magpakilala ka! Ang duwag mo!" sumbat ng sumbat pa rin ako sa kaniya kaya bigla niya akong itinulak sa may mini drawer na siya namang naging dahilan ng pagsakit ng likuran ko.
"Ahhhh, tulong! Layla!" ang tanging nasabi ko dahil sa sakit. Yumuko siya at kinuha niya sa ilalim ng kama ko ang isang mineral water na kulay yellow na ang laman.
Iwinagayway niya pa ito sa akin kaya lubos ko itong ipinagtaka. This is not only a mineral water, but there's a gasoline inside of it.
"Fuck! Anong gagawin mo?!" pasigaw na tanong ko ngunit hindi pa rin siya tumugon. Agad niyang binuksan ang plastic ng mineral water at binuhos ang laman nito sa buong katawan ko.
"Ahhhh! Anong ginagawa mo hayop ka?!" sigaw ko ulit. But this time, nagsalita na siya.
"Ang kati naman ng bunganga mo Scarlett! Gusto mo ibuhos ko pa itong gasolina sa bunganga mo?!" sumbat niya sa akin habang naka-krus ang mga braso niya.
Napatigalgal ako ng marinig ako ang boses niya. That sounds looks very famiiar. The killer is..
"Kung parati kang nagpapaganda or what should I call these? Beauty rest? Ugh! Hindi 'yon nababagay sa'yo! Alam mo kung anong rest ang bagay sa'yo?" pagpuputol niya ng salita.
Hinugot niya ang kung anong bagay sa bulsa niya at napansin kong hawak-hawak niya ang lighter na pag-gagamitan niya sa akin.
"REST IN PEACE!" pinihit niya ang lighter at itong tinapon sa akin. I can now watch my body, bloody and burning into pieces.
[Chapter End]
BINABASA MO ANG
A Hell To Remember
Mystery / Thriller"Sino-sino ba talaga ang tunay kong kaibigan dito?" Book Cover by: @jhe_apolinario