Chapter VII: Guilty?

145 8 3
                                    

Chapter 7: Guilty?
------------------

SCARLETT'S POV

Time Check: 8:45 PM

Bigla akong nakarinig ng sigaw mula sa labas ng vacation house. Someone is bothering me, damn. When I heard that noise, isa lang ang pumasok sa isipan ko.

It looks kind'a familiar. Kaboses ni Layla. Hindi kaya, si Layla 'yon?

Dali-dali akong lumabas ng vacation house. Saktong pagkalabas ko, nakita ko sa malayuan si Layla na may inaalalayan.

"Damn, ano na naman ba 'yang ginagawa niya?"

Lumapit ako nang malapitan at nakita kong may inaalalayan siyang babae. Si Rosette.

"Oh shit! What happened?" takang tanong ko.

"Bilisan mo nga ang paglalakad mo!" sigaw ni Layla sa akin. Napairap na lang ako nang marinig ko ang sinabi niya.

Gosh, super demanding naman neto.

"Oo, wait lang! Ugh!" iritang sigaw ko sa kaniya. Actually, gustong-gusto ko na talagang umalis dito. Si Layla kasi, mapilit. Gusto pa niyang hintayin lumabas ang araw bago ka mag-evacuate.

Napabuntong-hininga ako. I want to escape this shitty happenings.

"Oh? Anong nangyari kay Rosette?" tanong ko naman.

"Mamaya mo na itanong, dali! Tulungan mo'kong alalayan siya."

Dali-dali naman naming inalalayan si Rosette. Inilagay namin ang kaniyang mga kamay sa magkabila naming mga balikat kaya naman, hindi na kami mahihirapang alalayan siya. Ngunit nakaramdam pa rin ako nang bigat nang magsimula na kaming maglakad. Shit!

"Ano ba talaga ang nangyari Layla? Siguro kasalanan mo 'to." saad ko sa kaniya habang naglalakad kami.

Tumigil siya saglit 'tsaka tinignan ako ng masama.

"Nakikita mo ba kung anong nangyayari ngayon Scarlett? Hindi oras na mambintang ka. Honestly, hindi ka nakakatulong. Umalis ka na lang kung ganiyan ka." sumbat niya sa akin.

Tumahimik na lang ako pagkatapos ko'ng marinig ang sinabi sa akin ni Layla. Damn! Ang init ng ulo niya! Shit!

Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa maaninag ko na ang gate ng vacation house.

Heaven! Malapit nang matapos ang paghihirap ko sa pag-alalay sa babaeng 'to. Damn!

"Konting tiis na lang Rosette, makakaalis na tayo dito sa islang 'to." saad ni Layla.

Buti pa si Layla, napagtitiyagaan niya ang mga kaibigan namin. Pero ako? Never! Over my dead body! Duh!

"Finally! We're here!" sigaw ko nang makapasok na kami sa loob ng vacation house.

Agad naming ipinahiga si Rosette sa isang sofa at nagpakawala ako ng malaking buntong-hininga nang mailapag na namin siya.

"Scarlett, ikuha mo ako ng bandage, facetowel at betadine, dali!" utos ni Layla sa akin.

Gusto ko ma'ng umayaw, wala na akong magagawa. It's my friend's sake. Buti nga may natitira pang bait sa akin eh.

"Okay fine. Just wait for me in a minute." tugon ko naman.

Nagsimula na akong umaykat papunta sa kwarto ni Layla kung saan nakalagay ang mga first aid kit niya.

Girl Scout of the Month kaya 'yan siya sa school dati. Note! Dati lang. Dahil ako na ang queen of the month ngayon.

Kinalkal ko ang bag niya at nakita ko ang isang handy bag na may lamang kit kaya 'yun nalang ang kinuha ko.

Aalis na sana ako ng biglang bumungad ang jacket na nakasabit sa may pinto ng kwarto ni Layla.

Wala naman ito kanina pagpasok ko dito. So creepy huh? May balak ata'ng manakot sa akin eh. Tangina!

Tinignan ko ang jacket na nakasabit sa may pinto at hinagod-hagod ito. It looks familiar, parang nakita ko na 'to dati.

Habang hinahawakan ko ang jacket, unti-unting bumungad ang pangalang nakaprint dito.

"Madeline"

Agad kong nabitawan ang jacker at dali-daling bumaba ng kwarto.

"Oh Scarlett? Ba't parang nakakita ka ng multo?" takang tanong sa akin ni Layla.

"Gaga ka! Ba't nasa kwarto mo ang jacket ni Madeline ha?!" sumbat ko sa kaniya.

"Huh? Anong sinasabi mo Layla? Nilagay ko 'yon duon eh. Remembrance ng namayapa nating kaibigan!" tugon naman niya. This time, nag-iba na ang tono ng pananalita niya.

"Ano ka ba Layla? 'Wag mo nang gamitin ang pag-aari ng isang taong patay na! Put in on trash!" sumbat ko sa kaniya.

Bigla namang tumayo si Layla at hinablot ang hawak-hawak kong handy bag. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Naglakad-lakad siya sa paikot sa akin. Bigla din akong napako sa kinatatayuan ko. She's creeping me out.

Hindi pa rin mapawi ang mga mata niyang kanina pa'ng nagmamasid sa akin ng seryoso.

"Tila, natatakot ka ata Scarlett? Gamit ng kaibigan natin kinatatakutan mo?" sarkastikong tanong niya sa akin.

Ugh! Naiirita na ako ah. What is she trying to say?

"Bakit Scarlett? Guilty kaba? Guilty kaba sa ginawa mo kay Rosette? Lalong-lalo na kay Madeline?" dagdag niya.

Ang mas lalong nagpakilabot sa akin ay ang kaniyang mga ngisi na kanina pa nakapagkit sa kaniyang mga labi.

[Chapter End]

A Hell To Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon