Chapter X: Calling the Police

96 7 0
                                    

Chapter 10: Calling the Police
------------------------

Time Check: 11:09 PM

LAYLA'S POV

Nanginginig ang mga paa ko nang makita ko ang mga patak ng dugo na nanggagaling sa kwarto ni Rosette.

Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang pag-akyat ko o bababa na lang ako? Ayoko kasing makita na naman ang duguang bangkay. Malay mo, patay na pala si Rosette, pero sana 'wag naman. Ayoko na ulit mawalan ng kaibigan.

"R-rosette?" nanginginig kong saad habang palapit nang palapit sa kwarto ni Rosette. Nakikita ko pa rin ang mga dugo pero mukhang mas kumalat ang dugo sa loob.

Unti-unti kong pinihit ang doorknob at dali-dali kong hinila ito sabay sigaw sa pangalan ni Rosette.

"ROSEEEEETTTTE!"

"Oh my! Puta! 'Wag ka ngang nanggugulat diyan Layla! Ano bang nangyayari sayo?!" iritang saad ni Scarlett sa akin, pati si Rosette napabalikwas sa kama niya.

"So-sorry guys, akala ko kasi may nangyari na namang masama." tugon ko naman habang nakatingin sa kanila ng seryoso.

Halatang galit na galit ang mukha ni Scarlett at kulang na lang, ihagis ang hawak-hawak niyang alcohol. Pero teka, ba't nandito siya sa kwarto ni Rosette?

"Anong nangyari sa'yo Scarlett? Ba't nandito ka sa kwarto ni Rosette?" takang tanong ko naman sa kaniya.

"Nasugatan kasi ako, 'yung hawakan kasi sa may hagdan, hindi mo sinabi na marupok na pala 'yung kahoy. Ayun, nasagi ng paa ko 'tsaka nasugatan. Look oh! This is all tpur fault!" Pangdidiin niyang saad sa akin.

Napakunot naman ako ng nuo nang marinig ang sinabi niya. Tinignan ako ang paa niya. She's right, nasugatan at duguan ang paa niya ngayon. So sa kaniya palang dugo ang nakita ko kanina. Akala ko naman, kung anong nangyari na.

"Si Aubrey? Kamusta na?" alalang tanong sa akin ni Rosette. Nilapitan ko naman siya at hinagod-hagod ang buhok niya.

"Natutulog na siya ngayon sa kwarto niya. Tumahan na din 'yung lagnat niya."

Agad naman siyang humarap sa akin at ngumiti. She looks pretty kung parati siyang nakangiti, 'yun nga lang, daldalita.

"Salamat nga pala sa pag-aalala at pag-aalaga sa amin ni Aubrey ah. Swerte nga kami kasi naging kaibigan ko kayo nina Scarlett." bigla siyang napatigil sa pagsasalita at agad na yumuko.

"Sorry nga pala kung chismosa at maingay ako palagi. Kung wala kayo, hindi sana magiging makulay at masaya ang buhay ko." dagdag niya.

Hindi ko namalayan na nangingilid na pala ang mga luha ko kaya napayuko ako at pinunasan ko ito ng damit ko.

"Oh Layla, ba't naluluha ka? May nasabi ba akong masama?" tanong naman niya sa akin sabay hawak sa mga balikat ko.

Tumingin ulit ako sa kaniya 'tsaka umiling-iling.

"Wala Rosette. Masaya lang ako kasi naging kaibigan ko kayo." saad ko naman sa kaniya habang nakangiti. Tinugunan naman niya ang ngiti ko.

"Best Actresses! Whoo! Panalo na kayo! Kayo na!" saad naman sa amin Scarlett sabay palakpak ng malakas.

Nilingon ko naman si Scarlett at tinignan siya ng masama. Inirapan lamang niya ako.

"Bahala na nga kayo diyan. Goodnight girls! Stay safe! Sana mabuhay pa kayo bukas!" sarkastikong saad niya sa amin habang paika-ikang lumabas ng kwarto ni Rosette.

"Buti nga sa kaniya." bulong ni Rosette ngunit dinig na dinig ko naman.

"Huy! Bad 'yon. Hayaan mo na si Scarlett. Hindi na natin mababago ang ugali niyan." tatawa-tawa kong sabi sa kaniya.

Napangiwi naman siya sabay higa sa kama niya. Sinenyasan ko naman siya na matulog na kaya tumango-tango siya.

"Goodnight Rosette." saad ko. Pinatay ko na ang ilaw sabay alis sa kwarto niya. Sweet dreams.

SCARLETT'S POV

Tangina! Ang sakit talaga ng paa ko, puta! Bakit kasi hindi pinacheck ni Layla itong resthouse.

Nilibot ko ang paningin ko sa likod at nakita ko ang sapatos nung pinsan ni Layla.

"Ano nga 'yong pangalan nung cutie boy?"

Agad akong napatingin sa kawalan at inaalala ang pangalan ng pinsan ni Layla.

"Xavier Salcedo"

Agad din naman akong napangiti ng maalala ko ang pangalan niya. Pretty ko talaga! Hindi lang pretty, smart pa! Gosh!

Dali-dali kong tinungo ang sapatos niya hanggang nakarating ako sa may harap ng kwarto niya.

"I'll make you mine, baby boy."

Pipihitin ko na sana ang doorknob nang bigla akong nakarinig ng tawag ng pangalan ko.

"Hey! Anong ginagawa mo diyan Scarlett?"

Bigla akong napaatras nang makitang si Layla pala ang nagsasalita habang nakatingin sa akin.

"Nothing! I'm just going to check Xavier if he's okay?" tugon ko naman. Tumango-tango lang siya.

"Kung ako sa'yo, 'wag mo nang gambalain ang tao. Natutulog na 'yan eh." saad naman niya sa akin sabay alis.

Napangiwi na lamang ako sa narinig. Ang overprotective naman nitong si Layla. Akala mo kung sinong girlfriend ni Xavier.

Umirap ako habang pababa ng kwarto at tinungo ang salas. Nakita kong nakabukas ang pinto kaya perfect timing 'to.

"Sushi? Sushi?"

Nilibot ko ang paningin ko sa labas ng bahay at nakita kong nakahiga si Sushi sa may buhangin habang nakatali. Umupo ako at pinagmasdan siya.

"Sorry Sushi kung hindi kita mapapasok dito sa tinutulugan namin. Gustuhin ko man ngunit baka magalit lang 'yong bwiset at epal kong kaibigan.

Hinimas-himas ko ang makakapal na balahibo ng alaga ko hanggang makaramdam ako nang pagkaginaw. Tangina, nahamugan na ata ako. Dis-oras na kasi ng gabi eh.

Tatayo na sana ako ng biglang may tumama sa likuran ko na kung ano kaya naman agad itong nakalikha ng sugat.

"Tangina ano 'to?"

Pinakiramdaman ko ang likuran ko hanggang mabahidan ito ng mga dugo. Unti-unti na din itong kumikirot.

"Layla! Rosette! Tulungan niyo ako!"

Nilingon ko ang likuran ko ngunit hindi ko nakita kung sino man ang taong humagis sa akin nito. Ang tanging nakita ko lamang ay ang isang matalim na kutsilyong may mga bahid ng dugo.

"Tangina! Ano na ba! Bilisan niyo! Layla!"

"Oh Scarlett? A-anong nangyari? Ba't duguan ang likuran mo?" tarantang saad ni Layla.

"Sinubukan akong patayin ng killer! Tawagan mo na ang pulis! Ngayon na! 'Wag na tayong maghintay ng bukas!" sigaw ko.

Dali-daling tinungo ni Layla ang isang desk kung saan may nakakabit na telepono.

"Bilisan mo! Ayaw ko pang mamatay! Baka maubusan ako ng dugo dito!" pagrereklamo ko ulit.

"Hello? This is Velazco De Isla! Please help us! Please go in here as soon as possible! We need your help!" tarantang saad niya sa kausap niya sa telepono.

"This island is owned by Mendez's Residence! Thanks!" dugtong nito.

Bigla naman akong nagulat sa sinabi ni Layla. That's surname looks so familiar. I think I've heard that surname before my sister dies.

A Hell To Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon