Chapter XVI: I Saw You

67 4 3
                                    

Chapter 16: I Saw You
--------------------------

Time Check: 8:09 PM

XAVIER'S POV

Holy shit! Ba't nangyayari ito ngayon sa amin? Ba't nangyayari ito kay pinsan at sa mga kaibigan niya?

Gano'n nga ba talaga kasakim at kalalim ng galit ng killer upang patayin kami isa-isa? Ngunit kung naging gan'to siya, anong dahilan? Anong naging dahilan kung bakit nagawa niyang pumatay ng kaibigan?

"Xavier! Kanina ka pa diyan nakatunganga."

Bigla akong natauhan dahil sa matinis na boses ni Layla na siyang naging dahilan kung bakit naputol ang pagmumuni-muni ko.

"Shhhh, papalapit siya sa kinaroroonan nina Scarlett." Bulong sa akin ni Layla habang dahan-dahang gumagapang patungo sa ilalim ng dining table.

"Fuck! Papatayin niya ata sina Aubrey. Kailangan natin siyang iligtas!" Saad ko kay Layla sabay tayo ng bigla niya akong pigilan kaya nasagi ko ang isang flower vase na siyang naging dahilan kung bakit nakagawa ako ng ingay.

"Shhh! Ano ka ba! Kasalanan mo 'to. Tara na!" Saad sa akin ni Layla.

"Scarlett and Aubrey! Takbo paakyat!" Sigaw ko sa kanila kaya dali-dali nilang hinagisan ng flower vase ang killer at agad na sumunod sa amin paakyat.

"Aubrey at Layla! Bilisan niyo sa pagkilos." Saad ko naman habang hila-hila ang kamay ni Layla.

"Nakarating na kami ng 2nd floor na walang pag-aalinlangan. Nilingon namin ang isa't isa at nakitang kulang kami ng isang kaibigan.

"Shit. Nasaan si Scarlett?" Tanong ko kay Aubrey. Nanlaki naman ang mata ni Aubrey nang marinig ang tinanong ko.

"What? H-hindi ko alam. Akala ko kasama niyo siya? Simula ng mamatay ang ilaw hindi ko na alam kung saan siya pumunta at ang akala ko, sumama siya sa inyo."

Mahinahong nagpaliwanag si Aubrey sa nangyari. Napailing naman ako habang ginugulo-gulo ang buhok ko.

"Wait. Naririnig niyo ba ang mga yabag na 'yon? Baka si Scarlett na 'yan, tara sunda-"

Pinutol ko ang pagsasalita ni Layla at pinigilan siyang bumaba.

"We are not yet sure kung si Scarlett nga 'yan. Pa'no kung killer na pala 'yan at patibong niya ang lahat ng 'to?" Saad ko sa kanila ng marahan.

"What if, ang killer at si Scarlett ay iisa?" Dugtong ko. Bigla silang natahimik lahat ang tanging si Layla lang ang bumasag ng katahimikan namin.

"Oh my god! Xavier! Si Scarlett na naman ang pagdidisketahan mo? Oo aaminin ko, mataray at masakit magsalita si Scarlett pero hindi niya kami kayang saktan. Saksi sina Aubrey duon? Hindi ba?" Mahinahong paliwanag ni Layla sabay tingin kay Aubrey.

Nilingon ko si Aubrey at nakitang tumango-tango siya. I was wrong, akala ko masamang tao si Scarlett, pero may mabuting loob pala.

Nabalot ulit kami ng katahimikan nang muli naman naming marinig ang mga yabag ng paa, but this time, mas lalo itong bumibilis and we're sure na paakyat na siya rito.

"Hurry! Dito guys! Dito kayo tumago!" saad ni Layla sa amin. Agad kaiming pumasok ni Aubrey sa loob ng isang lumang cabinet.

Si Layla naman ay pumunta ng silid at pumailalim sa kama. Tinignan ko si Aubrey at nakita kong pinagpapawisan at kinakabahan siya.

"Everythings gonna be alright Aubrey." Saad ko habang mahigpit na hinawakan ang mga kamay niya.

"I'm here to protect you." dugtong ko naman.

LAYLA'S POV

Sana maging okay sina Aubrey at Xavier, gayundin si Scarlett. Sana matigil na ang kahibangang ito ngayong gabi.

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng biglang bumukas ang pinto ng silid na pinagtataguan ko, dahan-dahan siyang pumasok sa silid at tinungo ang isang mini drawer.

Nilingon ko ang buong ilalim ng kama at nakita ko ang isang maleta na puno ng mga damit. Halatang hinalungkat ito. Pinagmasdan ko ng maigi ang maleta hanggang sa mapagtanto ko na kwarto ito ni Scarlett.

Nilingon ko ang mga paa na nakaupo sa may arm chair at confirm! Si Scarlett nga ang nasa kwartong pinagtataguan ko.

Hindi na ako nag-alinlangang lumabas sa ilalim ng kama. Dahan-dahan upang hindi makagawa ng ingay hanggang sa tuluyan na nga akong nakalabas.

Babanggitin ko na sana ang pangalan niya nang biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya.

I thought that I can only see this in Mystery/Thriller movies but I was wrong.

Nakita ko si Scarlett na may hawak-hawak na kutsilyo habang nilalaro ito sa mga palad niya.

[Chapter End]

A Hell To Remember Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon