Chapter 8: Enemy or Friend?
-------------------------LAYLA'S POV
Time Check: 9:45 PM
Napako si Scarlett sa kinatatayuan niya ngayon. Nanginginig ang kaniyang mga binti. Namumutla din ang kaniyang mga labi.
"Hey! I'm asking? Bakit Scarlett huh?" tanong ko ulit sa kaniya. Tinignan niya ako ulit sa mata at tinaasan ng kilay.
"Concern lang ako. Hindi ako mamamatay tao." mahinahon ngunit diin niyang tugon sa akin.
Natawa naman ako bigla sa sinabi niya. Oh my gosh! What's wrong with this girl? Sineseryoso niya talaga ang mga sinabi ko?
"Joke lang Scarlett! Ano ba! Baka magalit kana naman sa akin."
Agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi. That's how I treat my bestfriends. Siguro lahat kami nagyayakapan dito, maliban kay Scarlett. Warfreak ang babaeng 'yan eh.
"Tangina Layla! Pinapakaba mo ako!"
Agad niyang tinanggal ang mga kamay ko sa pagkakahawak sa kaniya 'tsaka iniwan akong mag-isa sa sofa.
"Maldita!"
Binaling ko ang tuon ko sa dalawang babaeng nakahiga ngayon sa sofa. Si Aubrey at si Rosette.
"Sorry kung naging pabaya ako sa inyo Rosette at Aubrey." saad ko habang hinahawakan ang magkabilang kamay nila.
"Ako naman talaga ang may kasalanan. Kung hindi ko kayo sana idinala dito, edi sana hindi sana namatay si Madeline. Hindi sana kayo nagkakaganito." dagdag ko.
Napansin ko na naiwan kong nakabukas ang front door namin. Masyado nang madilim at halos liwanag na lang ng buwan ang nagbibigay liwanag dito.
Umihip ang isang napakalamig na hangin, hudyat na malapit na naman bubugso ang malakas na ulan.
Agad akong tumayo at tinungo ang front door upang isara nito. Isasara ko na sana nang bigla akong makaaninag ng tao sa labas ng gate na pinagbabakasyunan namin.
Hindi ko maaninag ang mukha niya pero sigurado ako na tao ang nakatayo sa harapan ng vacation house. Sabi nga nila, when curiosity strikes, wala ka nang magagawa dito kaya agad kong nilapitan ang taong nakatayo sa haraIvy g gate namin ngayon.
"S–sino ka?" mahina ngunit seryoso kong tanong matapos kong malapitan ang taong nasa harapan ng vacation house namin.
Hindi pa rin siya umiimik. Tahimik ngunit nakatayo pa rin siya. Ano kayang nakain ng taong 'to at dito pa tumambay sa harap ng resthouse namin. Ang pinagtataka ko pa, ba't napadpad ang taong 'to sa isla nila tita? Gayo'y private 'to?
"Kulit naman neto."
Agad kong kinuha ang iPod sa bulsa ko at pinaon ang flashlight. Dali-dali ko naman itong itinutok sa taong nasa harapan ko.
"Hey who are you?!"
Isang lalaki. Lalaki pa talaga ang nasa harap ko ngayon ah? Baka lasing na naman 'to at pa'no din siya nakarating sa islang 'to?
Ang tanga ko talaga, sa likod ko pa naman tutukan ng flashlight? Hanggang kailan ka ba magiging tanga Tanya?
Haharapin ko na sana siya nang agad niya akong hinarap at hindi nag-alinlangang gulatin ako.
"Heeeeey Yoooow!"
Agad ko ding nabitawan ang dala kong iPod sa pagkakagulat. Oh my gosh! Ba't andito ang mokong 'to?
"Xavier Salcedo? P—pa'no ka nakarating dito?" takang-tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako pinansin at naglakad papasok ng vacation house.
"Teka nga!"
Hinila ko ang white polo niya pabalik sa harap ko. Grabe, paano nakarating ang unggoy kong pinsan dito sa vacation house namin?
"What's up?" iritang tanong niya sa akin.
"Huwag mo'kong ma wazzap wazzap diyan! Sagutin mo ang tanong ko." seryosong tanong ko sa kaniya. Ayaw kong katulad siya sa mga kaibigan ko, ayaw ko siyang mamatay, ayaw ko siyang magdusa, at lalong-lalo na, ayaw ko siyang mapahamak dito sa island 'to.
"Simple. Sinabi sa akin ni Tita Ivy kung saan kayo nagbakasyon. 'Tsaka, balita ko daw, may mga kasama many chiks?" tugon niya sa akin sabay kindat.
"Huwag mo ng ituloy Xavier. Bukas na bukas aalis na kami dito." saad ko sa kaniya habang nakayuko.
Nagulat naman siya sa sinabi ko kaya napakunot nuo siya. Didiretsuhin ko na siya kasi ayaw ko siyang mapahamak, ayaw ko siyang madamay sa kababalaghang nangyayari dito sa isla.
"Bakit Layla? A-anong problema?" dire-diretsong tanong niya sa akin. Hindi ako agad ako umimik.
"Hey Layla! Magsalita ka naman!"
"May kababalghang nangyayari sa amin ngayon Xavier. Nanganganib ang bawat isa sa amin. Kahit ano mang oras, pwede kaming atakihin." pagpuputol ko ng kwento.
"Atakihin? A-anong aatakahin? Naguguluhan ako sa sinasabi mo Layla." takang tanong niya sa akin. Ang kaninang masayahin na Xavier, napalitan ng pagdududa.
"Killer. May killer dito sa isla kaya kailangan kong mahanap ang killer bago pa niya ako unahan. Bago pa siya makabiktima ng iba." pagpapaliwanag ko.
"What? Killer?! K-kailangan malaman ni tita 'to!" tarantang saad niya.
"Kailangan nga niyang malaman, kaya bukas na bukas. Aalis na tayo dito kasama ang mga kaibigan ko." saad ko sa kaniya.
"Ikaw Xavier. Tutulungan mo ba kaming mahuli ang killer sa islang 'to?" seryosong tanong ko sa kaniya. Tumango-tango lang siya sa akin.
Sana nga lang tama ang napili kong kakampi, or should I say, tama ang napili namin. Kasi hanggang ngayon, dudang-duda pa rin ako sa pinsan ko kung bakit nakarating siya sa islang 'to na gayo'y gabing-gabi na.
[Chapter End]
A/N: Hi! I'm really sorry kung ngayon lang nakapag-update! Alam mo na! Tinatamad si author/hectic pa schedule ko kasi school days na. But I'll try my best to update my story once a week. Thank your for your patience!
BINABASA MO ANG
A Hell To Remember
Mystère / Thriller"Sino-sino ba talaga ang tunay kong kaibigan dito?" Book Cover by: @jhe_apolinario