Begining

937 8 1
  • Dedicated kay Nikki Yami Asong
                                    

CHAPTER ONE

SMALLTOWN ACADEMY

MARAMAG, BUKIDNON (March 2007)

Katapos lang ng practice ng mga fourth year students para sa graduation at kasalukuyang nagtatambay sina Jesse, Cielo, at Nikki sa canteen.

"Hai..." naudlot ang gagawin sanang pag kagat ni Cielo sa kanyang sandwich nang marinig si Jesse. "Pa'no ko kaya sasabihin sa mama at papa ko na nakapasa ako sa entrance exam ng R.U.? Ang gusto nila ay sa CMU na lang ako dahil mura lang ang tuition fee.." confuse na wika nito.

"Eh, pwede ka namang mag-apply ng scholarship, ah?" si Nikki na akala nila ay abala sa pagtitext.

Nilingon ito ni Jesse, "Pa'no kung di ako makapasa sa cut off nila?"

"Naku, Jesse. Sa score mo na one hundred, ninety-seven over two hundred ay siguradong sila na ang mago-offer ng scholarship mo plus the fact that you will graduate as Valedictorian. Full-scholarship kaya ang makukuha mo, baka nga may allowance ka pa." paliwanag ni Cielo.

"Oo nga, friend." sang-ayon ni Nikki.

"Naku, mga kaibigan ko nga kayo..Pinagaan niyo talaga ang loob ko, sobra." Madamdaming pahayag ni Jesse sa mga kaibigan. Lih siyang nanalangin na sana nga ay tama ang mga ito saka muling napabuntong-hininga. Hindi sa ayaw niya sa CMU, in fact it's a high standard University. Sadya lang na matagal na nilang pangarap na magkakaibigan na makapasok sa Royale University. Isa itong International School at hindi basta basta ang mga nakakapasok dito. At ang pangarap niyang kurso ay doon lang din ino-offer sa Province nila. If not, then mapipilitan siyang kumuha ng kursong hindi naman niya gusto.

"Hello, Power Puff Girls!" sabay silang napatingala kay Francine, hindi nila namalayan ang paglapit nito kasama ang dalawang friends a.k.a mga alalay nito. Nag-hagikhikan pa ang mga ito sa tinawag ni Francine sa kanila.

Tinaasan ito ng kilay ni Cielo, samantalang sina Jesse at Nikki ay napailing na lang. Nasanay na sila sa kaartehan ng anak ng School President na si Francine.

"Ito talagang si Cielo, hindi mabiro," anito sabay tabi kay Cielo at inakbayan pa siya, "Anyways, gusto ko kayong imbitahin sa Graduation celebration ko ngayong Sabado. Pinaaga nina mommy at daddy ang celebration kasi gusto nilang dumiretso kami ng HongKong after ng graduation para mamasyal at magshopping. Oh, diba, ang sweet?" maarte nitong salaysay. "And I want you guys to come, okay? Dahil naghire ako ng mascot ni mojojo para masaya, what do you think?"

"Naghire ka pa, pwede naming ikaw na lang." pagkasabi no'n ay nagtawanan silang tatlo. Hindi rin nakapagpigil ang dalawang kaibigan ni Francine na tumawa. Natigil lang ang mga ito nang tingnan ito ng masama ng huli. Hindi niya maintindihan kung bakit takot na takot ang mga ito kay Francine samatalang hindi naman ito scholars na gaya niya.

Hinampas nito si Cielo ng pagkalakas-lakas sa braso na ikinabigla ng huli, "Hahaha, you're so mean, Cielo. But I know, it's just a joke." sabi nito sabay tawa. "So I'll see you guys on Saturday, okay? Bye." Pagkasabi no'n ay tumayo na ito at lumakad palabas ng canteen.

Nang wala na ito ay sabay na nagtawanan sina Cielo at nag high five. Napikon na naman kasi nila si Francine. Parati silang inaasar nitong si Francine sa pagtawag nito sa kanila ng power puff girls. Para kasi talaga silang powerpuff girls dahil sa personality nilang tatlo. Ang tawag nito kay Jesse ay Bubbles, si Nikki ay Buttercup, samantalang si Cielo ay tinatawag nitong Blossom. Si Cielo ang paborito nitong asarin dahil hindi niya pinapalampas ang bawat pang-aasar ng dalaga. Si Nikki ay minsan lang pumapalag kapag sobrang pikon na ito at galit na galit na talaga ito. At ito naming si Jesse ay tumatahimik lang kapag tinutukso nito, takot kasi siyang matanggal ang scholarship niya. Dahil sa kanilang tatlo ay siya ang pinaka mahirap at ang nagpapa-aral lang sa kanya sa school na 'yon ay ang scholarship na iginawad ng papa ni Francine para sa mga matatalinong students na gaya niya.

Royale University - CHANGES Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon