At the lake

339 2 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

Napainat si Jesse matapos niyang i-finalize ang sinulat na article about kay Eric. Napangiti siya matapos basahin ang sinulat, she can't wait na ipasa na yon sa Royale Star sa lunes. She just hope na magustuhan ito ng Editor ng Royale Star. And now makakapagconcentrate na siya sa pagrereview para sa Prelim Exam. Isang linggo na lang ay first major exam na sa buong University. Kinakabahan na siya pero she felt confident kasi most of her subjects ay halos minors pa. Dalawa lang ang major subject niya ngayong semester.

"Tapos ka na ba?" tanong ni Nikki nang mapansin siya. Tumango naman siya saka ngumiti. Inabot niya rito ang netbook. Actually kay Nikki yon at nakigamit lang siya. Nagsimula itong magbasa samantalang siya ay napatingin sa bintana at namataan sina Cielo at Jason na magkasama. Naglalakad ang dalawa papunta sa waiting shed. Mukhang pupunta ang mga ito sa Market. Bigla siyang nakaramdam ng galit para sa binata, she really need to make a move soon. Ang kapal talaga ng mukha ng binata. Akala siguro nito ay sobrang gwapo na ito at napakalakas ng loob na mamangka sa dalawang ilog. Hindi niya kayang panoorin ang ginagawa ni Jason sa kaibigan. But how will she do it na hindi masyadong masasaktan si Cielo at sigurado ring maniniwala ito sa kanya. She should make a plan soon bago pa tuluyang mahulog dito sa Cielo. "Nice, Jes..I like it." narinig niyang sabi ni Nikki matapos nitong basahin ang ginawa niya.

Nilingon niya ito, "You sound like an editor in a publishing company." biro niya at muling binalik sa bintana ang paningin. Nasa shed pa rin ang dalawa. Mula sa binatana ay kita niyang masayang nag-uusap ang dalawa. Pinigil naman niya ang sarili na sugurin si Jason at ipamukha dito ang nakita nila but like what Nikki and Chellsey said, it's not a good idea. Cielo would never believe her. Napansin marahil ni Nikki ang tinitingnan niya kaya naman tumayo rin ito at tumungo sa kinaroroonan niya at napasinghap.

"I feel sad for Cielo. Kagaya mo ay gusto ko ring balaan si Cielo about kay Jason but she would definitely not listen to me. Kapag nakakasalubong ko siya minsan sa school ay napapatiim-bagang siya. Hindi pa nawawala ang galit niya sakin.." malungkot nitong pahayag.

Siya din ay nakaramdam ng lungkot. Alam niyang nangako siya na ibabalik ang dating sila pero hindi niya alam kung paano gagawin yon ngayon. She still believes na may mas malalim na explanation sa nangyari kay Adrian and it's connected to what she and James are trying to find out.

The investigation that she and James are doing ay nagkakaroon ng improvement pero napakadaming butas. Maging siya ay nalilito kung saang parte unang mag-iimbestiga. Malakas ang kutob niyang ang case ni Troy, Jacob, at Adrian ay connected pero paano masasagot ang mga tanong nila. Ano nga ba ang kinuha nina Adrian sa Admin and nasaan ang mga yon? Maaaring na kay Jacob ang mga yon but where is he now? Ito na lang ang tanging chance nila para malaman ang totoo. Pero di nila ito macontact dahil nag-iba na ito ng numero according to James. Sinubukan din kasi nitong tawagan si James dati but the number is no longer active.

"Anong iniisip mo Jes?" pukaw ng kaibigan sa kanya na ikinagulat niya. Hindi na kasi siya nagsalita kaya siguro napansin nitong sobrang lalim ng iniisip niya. Umiling siya rito at umupo sa kama niya, hindi pa niya pwedeng ipaalam dito ang nalaman kay Nikki. Ayaw niya ng dagdagan ang iniisip nito. Pero bigla siyang natigilan dahil naisip niyang baka may nakwento si Adrian dito tungkol sa ginawang panloloob sa Admin last semester. Paano niya itatanong sa kaibigan ang tungkol don na hindi ito magtatanong o magdududa?

Mukhang hindi naman nakumbinsi si Nikki dahil sumunod ito sa kanya at umakyat sa kama niya. Pasandal na naupo ito sa dingding, "Kahit hindi mo sabihin, alam ko may problema ka o ano kasi parati kitang nakikita na tulala at mukhang malalim ang iniisip gaya na lang ngayon. Nararamdaman ko rin sa gabi na nagigising ka dahil sa isang masamang panaginip. Kung ano man yan, Jes, andito lang ako at handang makinig. We're sisters, remember?" mahaba nitong turan. Natouch naman siya dito, gustuhin man niyang sabihin dito, hindi pa rin ngayon ang tamang panahon.

Royale University - CHANGES Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon