CHAPTER SEVENTEEN
Napainat si Jesse at tumayo mula sa kama niya. Hindi pa niya tapos basahin ang librong binabasa pero itinigil na muna niya dahil nakaramdam na siya ng gutom. Napansin niya si Nikki na tahimik pa rin na nagbabasa. Nagustuhan marahil nito ang story dahil hindi man lang ito humihinto sa pagbabasa. "Nik, tarang kumain. I'm hungry." napatingin siya sa relo niya at narealize niyang alas-singko na ng hapon. "Nikki?"tawag ulit niya rito.
Huminto ito sa pagbabasa at nakangiting sinulyapan siya,"Sorry..nadala ako sa binabasa ko." anito, "What did you say?" tanong nito.
Napakamot siya sa ulo,"Sabi ko, nagugutom na ako. Tara ng kumain, daanan na natin sina Cielo para sabay-sabay na tayo." ulit niya. Tumango naman ito at nilagyan ng bookmark ang librong binabasa. Mukhang nagustuhan nga nito ang libro. "Nagustuhan mo ba ang story?" usisa niya.
Ngumiti ito saka tumango, "Oo. Gustong-gusto ko ang character ni Cassey. Napaka-brave niya." tumayo na ito at nag-ayos ng sarili. "Do you think tutuloy si Eric bukas?" naalala nitong itanong.
Nahinto sa ginagawang pagsuklay si Jesse sa tanong ng kaibigan, "I think so, kasi kung ayaw naman talaga nitong sumama ay tatanggi kaagad ito but he said yes so maybe pupunta nga ito." sagot niya. Naisip niyang imbitahan ang bakla este binata para pumayag na sumama sina Chellsey at Cheska. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nito kapag nakita sina Chellsey at Cheska. Wala itong idea na nagkokompetensiya ang dalawa sa attention nito kaya tiyak na maiinis ito sa kanya. Pero bahala na kung paano nito ihahandle ang dalawang admirers.
She already told James about their plan tomorrow, tinatapos nito ang research paper nito sa Chemistry dahil malapit na ang deadline non. Naintindihan naman niya yon at ayaw rin niyang kasama ang nobyo sa bonding nila na magkakaibigan. Baka kasi kapag kasama ito ay nasa binata lang ang buong attention niya which she doesn't want to happen. He's a huge temptation para sa kanya, sabi pa niya kay Cielo. Gusto kasi sana nilang kilalanin si James at kilatisin. Natawa tuloy siya sa term nito, pero gaya ng sabi niya sa mga kaibigan ay may next time pa naman. She was actually thinking of inviting him na doon sa kanila magspend ng semestral break. She would love to introduce him to her parents..
"Hay, napaka-peaceful dito sa restaurqnt kapag wala si Angel. Sa'n kaya siya ngyaon? Ilang araw ng hindi nagkukrus ng landas ang mga anino namin" ani Chellsey nang makaupo sa napili nilang pwesto.
Sa sinabi nito ay napatingin naman sina Jesse at Nikki sa tables ng Squad, wala nga ang Captain ng Squad at ngayon lang nila napansin na ilang araw na nga itong hindi nila nakakasalubong o nakikitang nakikijoin sa Squad. Alam nilang suspended ito for month gaya ni Leyla pero pwede naman itong makihalubilo sa mga kaibigan nito sa restaurant dahil nasa loob lang naman yon ng dormitory.
"According to Cheska, pinalabas nito at ng dad niya na nagbakasyon siya sa Singapore for one month para hibdi na magtaka at magtanong ang ibang students." si Cielo ang sumagot.
Napangiwi si Chellsey, "Nagsinungaling sila para sa reputation ng dad niya...I'm sure nasa kanila lang yon at hindi pinapalabas ng bahay dahil sa kahihiyang dinulot nito sa ama. Anyways, kumain na tayo bago pa tayo mawalan ng gana." she said while opening the menu now. Naupo na rin sina Jesse at tumingin sa menu.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nasa lobby na sina Jesse, Cielo, Nikki, at Cheska. Kasalukuyan nilang hinihintay si Chellsey, naiinip na nga si Cheska lalo pa at si Chellsey ang inaantay nila. Gusto nitong mauna na lang sila at pasunurin na lang si Chellsey sa Market dahil siguradong nag-aantay na doon si Eric. Ang usapan kasi nila ay sa Market na nila imi-meet si Eric.
"Hay, naku..ano pa kayang ginagawa non. Baka naman kung anu-ano pang pinaglalalagay sa mukha na mga cream." impatient na reklamo ni Cheska.
Si Jesse at Nikki ay nagkatinginan, mukhang hindi pa nagkakasama ang dalawa pero mukhang mainit na ang ulo ni Cheska. Bigla tuloy natakot si Jesse at nagdalawang-isip na magiging okey ang lahat ngayong araw na 'to. Napatingin siya sa relo niya, it's been forty minutes since nong last call niya kay Cheska. Ayon dito ay aayusin lang nito saglit ang buhok nito at bababa na rin afterwards. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Hinanap niya ang pangalan nito sa history ng phone niyanupang tawagan na naman sana pero pinigilan siya ni Nikki, "She's here." nakahinga naman siya ng maluwag nang makita itong palabas ng elevator.
BINABASA MO ANG
Royale University - CHANGES Book 1
Mystery / ThrillerThis story is inspired by Nathan Scott and Haley James of ONE TREE HILL.. After High School, there's this next stage called College. Jesse, Nikki, and Cielo will soon be joining the challenging world of Royale University.They will start pursuin...