Mystery Letter

374 2 0
  • Dedicated kay Eric Theodore
                                    

CHAPTER FIVE

Takot na tumatakbo si Jesse palayo sa duguang si Adrian, sigaw siya ng sigaw para humingi ng tulong ngunit tila walang nakakarinig sa kanya. Pakiramdam niya mauubusan n siy ng boses sa kakasigaw.

"Jesse, tulungan mo ako...." nagmamakaawa ang boses nito. Umiling naman si Jesse saka nagpatuloy lang sa pagtakbo.

Agad na napabalikwas ng bangon si Jesse. It was just a bad dream again about Adrian. Pangalawang beses na niya itong napapanaginipan. Nong una ay nasa gubat ito at duguan dahil binaril ito, ngayon naman ay humihingi ito ng tulong. May nais bang ipahiwatig sa kanya ang binata? Napailing siya saka sinipat ang alarm clock na nasa bedside table niya, mag aalas-dos pa lang ng madaling-araw. Pupungas-pungas na tinungo niya ang mini fridge at kumuha ng tubig.

Muli siyang bumalik sa kama at pinilit na matulog ulit ngunit natatakot siyang baka pagpikit niya ng mga mata ay muli niyang makita ang duguang si Adrian. Bigla niyang naalala ang sinabi ni James, may sasabihin daw ito tungkol kay Adrian. Pero ano naman kaya yon? Siguro ay dapat niyang puntahan mamaya ang binata at nang mawala na ang malaking question mark sa isip niya. Baka kasi may nabanggit dito o nakwento man lang si Adrian about sa totoong problem nito kaya nagpakamatay. Naalala niyabg may nabanggit itong kakaibang nagaganap kay Adrian dito s campus, she just forgot about it sa dami ng iniisip niya. Hindi rin marahil ito matahimik kung nasaan man ito ngayon dahil sa nangyayari sa dalawang babaeng sobrang malapit dito.

Nakapagdecide na siya, pupuntahan niya bukas si James sa Chem lab at i-confront, sa ngayon ay kailangan na muna niyang matulog ulit at sobrang aga pa kung ayaw niyang antukin bukas sa Algebra. May long quiz pa naman sila bukas.

After a few minutes na nakapikit siya ay nakatulog na ulit si Jesse. Hindi na siya muling napanaginipan si Adrian.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Two hours before ang klase ni Jesse ay pumunta muna siya sa Chem lab at hinanap si James. Natatandaan niyang nabanggit nitong nasa room 231 lang ito. Hindi naman siya nahirapang hanapin 'yon dahil may arrows na nakapaskil sa wall kung nasaan ang mga laboratories. Sumilip siya mula sa salamin ng pinto kung naroon nga ang binata at napangiti nang makita ito. Halatang abala ito sa ginagawa, may suot itong lab gown at mask habang may binubuhos sa isang testtube. Kumatok muna siya bago pumasok. Ngumiti ito nang makita siya and she felt her heart jump. For the first time, nakita na rin niya itong ngumiti. And that moment, she realized na mas gwapo ito kapag nakangiti.

"I'm glad you came." masaya nitong sabi saka hinubad ang mask na suot.

"Busy ka yata..pwede namang bumalik na lang ako dito." alanganin niyang sabi.

Umiling naman ito, "Nope, it can wait." sagot nito saka itinuro ang stool na naroon, "Please, have a seat."

"Ah, huwag na. Hindi naman siguro aabot ng isang oras ang sasabihin mo, diba?" Huminga ito ng malalim saka tumango. "So tell me, anong tungkol kay Adrian ang nais mong malaman ko?" simula niya sabay sandal sa laboratory table na nasa likod niya.

Tumalikod ito at tinungo ang bag nito. May kinuha itong notebook at kinuha mula doon ang isang nakaipit na papel saka inabot sa kanya. Tahimik na binasa niya ang nakasulat doon.

"An,

8pm mamaya, antayin kita sa likod ng Admin.

Jb"

Matapos basahin ang nakasulat ay confuse na ibinalik niya ang tingin sa binata. "Anong ibig sabihin nito? Sino si An at si Jb?" Kung abbreviation ito ng pangalan ng nagsulat at pinadalhan ay sigurado siyang hindi si Adrian ito dahil nagsisimula sa C ang apelyido ni Adrian.

Royale University - CHANGES Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon