Jealous

335 1 0
                                    

CHAPTER TEN

James was at the Chem lab doing his Prelim Project when someone knocked at the door. He saw the door knob turn and waited kung sino ang malakas ang loob na i-interrupt siya. He'd been trying to be busy, that way he would stop thinking about Jesse. He saw her at the gym yesterday and he couldn't forget how happy she was and hugged Eric so tight. Para siyang itinulos sa kinatatayuan sa eksenang nasaksihan, he couldn't stand it kaya naman umiwas siya ng tingin. And when he looked at them again, papasok na ng gym si Eric and Jesse looked so happy. Hindi niya alam kung anong meron ang dalawa pero kakaiba ang nakikita niyang ningning sa mga mata nito. The thought striked a pain in his heart, which is surprising. After Christina's death, his heart died too that it never felt anything for anyone anymore until Jesse. When he saw her that morning in front of the CHM building, he felt his heart alive again.

"Hi." bati ni Angel. He knew her, ito ang bagong Captain ng Cheerleading Squad. At kagaya niya ay third year student rin ito sa kursong BS Biology.

"May I help you?" walang kangiti-ngiting tanong niya. Wala siya sa mood makipag-usap ngayon kahit na kanino.

"Gusto sana kitang yayain sa Sabado na manuod ng movie sa Market. I have two tickets." pinakita nito ang tickets sa kanya but he's not interested.

"I'm sorry. I'm too busy for that." sagot niya na ibinalik na ulit sa ginagawa ang attention. Usually kapag ganon na ang tono niya ay lumalayo na ang mga girls sa kanya sa takot na sungitan niya. Ngunit iba si Angel, ayaw nitong sumuko.

Lumapit ito sa kanya at iniwan sa working table niya ang isang ticket, "Baka lang magbago ang isip mo." sabi nito saka tinungo na ang pinto. Nang makalabas ito ay napabuntong-hininga na lang siya. Sa lahat ng ayaw niya ay siya ang niyayaya ng babae. He may have grown up in a liberated country and was born in a modern generation but he remain conservative. He still thinks that it's always the man who should make the first move but maybe it was his fault. Never pa kasi siyang nagyaya ng babae na lumabas o um-attend ng parties dito sa University. And when he met Jesse, tila takot naman siyang yayain itong lumabas. Parati niyang ginagamit na dahilan ang investigation nila about Adrian's death para lang makita at makausap ito. And now, mukhang may gusto pa yata ito kay Eric. Akala niya hindi ito kakausapin ni Eric dahil sa pagiging woman hater nito but nagulat na lang siya nang malaman na nagkwento dito ang binata sa nalalaman nito. And now that scene outside the gym..

Babalik na sana siya sa ginagawa nang muling bumukas ang pinto, akala niya si Angel ulit but it was his cousin Charlotte. Gaya niya ay may lahing pinoy rin ito pero nanay nito ang Pilipina. Itinakwil ang daddy nito ng grandparents ni Charlotte dahil ipinaglaban nito ang relasyon sa nanay nito. First cousins ang mom niya at dad ni Charlotte and when she left Denmark, kina Charlotte siya tumira.

"What was she doing doing here?" curious nitong tanong sa kanya.

Nagkibit lang siya ng balikat. Kahit nakitira siya sa bahay ng pinsan dati ay hindi sila naging magkasundo ni Charlotte. Parati kasi nitong iniinsist sa kanya kung gaano siya kaswerte for having a wonderful life in Denmark pero binalewala niya lang yon at iniwan. Hindi naman niya siya nakikipagdiskusyon dito dahil alam niyang hindi rin nito maiintindihan ang mga nangyayari. And then one day, he heard her talking with her mom over the phone at kinukwento dito ang mga nangyayari sa kanya, he was very furious nong malaman na spy pala ito ng mommy niya. But he never confronted her, instead nag-enroll siya dito sa RU para makalayo pero sumunod din ito sa kanya na lalo niyang ikinainis. And now, she's here again.

"It's none of your business." sagot niya na hindi man lang ito tinitingnan.

Nagkibit ito ng balikat, "Fine. But I want you to know na tumawag ang mom mo kahapon and asked me to tell you na tawagan siya. She said, it's urgent." maarte nitong turan.

Royale University - CHANGES Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon