CHAPTER THIRTEEN
Parang piniga ang puso ni Cielo nang makita si Jesse na umiiyak habang palabas ng English Department. Nabangga pa siya nito nang palabas ito at humingi pa ng sorry. Katatapos lang ng last exam niya nang marinig niya ang announcement mula sa English Department. Kinabahan siya nang marinig yon. Akala niya ay safe na si Jesse dahil binantayan niya magdamag si Cheska. Sabay at magkasama silang nagtake ng last two exams nila ngayong araw na 'to at sigurado siyang hindi niya nakitang nakalapit man lang kay Jesse. Nang marinig nila ang announcement ay parehas silang napatakbo sa CAS building at nakiusyoso. Narinig nila mula sa mga students na naroon na nahuli na raw ang nagnakaw ng Exam sheet. Kinakabahang dumiretso siya sa English Department at doon ay nakita niya si Jesse kasama ang isang English teacher. Sa itsura nito ay nahulaan na niya ang nangyari. Napatingin ito sa kanya pero umiwas siya ng tingin. Ayaw niyang makita nito na nag-aalala siya. At kanina nong lumabas ito sa office ay nabangga pa siya nito.
Nanghihina ang mga tuhod niya na napasandal sa dingding, napansin din niya sina Nikki at Chellsey na worried at confuse na nakasunod lang dito.
"Diba siya yong dati mong kaibigan na full scholar?" tanong ni Cheska na nasa likod na pala niya. Tumango siya pero hindi umimik, she felt so helpless at the moment. Maging siya ay walang idea kung pano napunta sa gamit ni Jesse ang ninakaw na sheet nina Angel.
Nilinga niya si Cheska, "Do you know anything about this?" hindi niya napigilang itanong na agad namang itinanggi nito.
"Why would I do such thing? I may not like their group but I'm not that mean." tinitigan niya ito sa mga mata at nakita niyang sincere ito. It must be someone else then, at kailangan niyang malaman kung sino ang kasabwat ni Angel. "I know how you feel, Ciel and i understand that. She was your friend.." tinapik siya nito sa balikat at umalis na rin sa lugar na yon. Naiwang nanghihina si Cielo, hindi niya alam kung paano tutulungan si Jesse or dapat ba talaga niya itong tulungan?
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ayaw ng tumigil ng luha ni Jesse sa pagtulo. Sa nangyari ay hindi siya sigurado kung ano ang kahihinatnan niya. Hindi man siya maexpel sa University pero nanganganib naman ang scholarship niya. And kapag nangyari yon, goodbye RU na siya. Hindi siya makapaniwalamg nangyayari ang lahat ng ito, of all people ay siya pa ang napiling bibiktimahin ng kung sino man ang naglagay non sa libro niya.
"Jesse...hindi kami naniniwala na ikaw nga ang kumuha nong sheet. Maaaring may naglagay lang non dun para ikaw ang mapagbintangan at hindi ang taong yon." comfort ni Nikki.
"A-ang scholarship k-ko...a-ayaw nilang mani...maniwala na i-inosente ak..ako.." she said while sobbing. Naramdaman niyang hinimas ni Chellsey ang likod niya. She felt so helpless right now...Bumabalik-balik sa isip niya ang mga sinabi at itsura ng Dean kanina. Hindi niya masisisi ang mga ito pero hindi pa rin niya matanggap. Though wala pa namang hatol sa kanya pero she should expect the worst.
"Jesse..." naaawang sambit ni Chellsey. Hindi nila alam kung paano siya icocomfort. Maging sila ay kinakabahan sa mangyayari kay Jesse lalo na si Nikki. Alam nito kung gaano ka-importante sa kanya ang scholarship niya at ang RU. Pinaghirapan nitong makapasok dito and now biktima na agad siya ng mga bully sa University.
Isang oras din siyang umiyak ng umiyak, saka lang siya nahinto nong tila pakiramdam niya ay naubusan na siya ng luha. Namamaga ang mata na pinunasan niya ang mukha ng panyong iniabot sa kanya ni Chellsey. Nanatili siyang nakaupo sa bench na naroon. Hindi niya alam kung nasaan sila ngayon, basta lang siya tumakbo kanina para umiwas sa mapanghusgang tingin ng mga students na naroon.
Nilinga niya ang paligid, napakaaya sa paningin ng mga yellow roses na nagsisimula ng mag-bloom. She felt the wind touching her face and blew some of her hair na para bang kino-comfort siya. But she doesn't feel any better at all, kahit na umiyak na siya ng umiyak kanina. She still feel the same weight inside her heart.
BINABASA MO ANG
Royale University - CHANGES Book 1
Mystery / ThrillerThis story is inspired by Nathan Scott and Haley James of ONE TREE HILL.. After High School, there's this next stage called College. Jesse, Nikki, and Cielo will soon be joining the challenging world of Royale University.They will start pursuin...