CHAPTER FIFTEEN
"Malapit na ba tayo sa lake, Jason?" inip na usisa ni Cielo. Kanina pa kasi sila naglalakad at hindi pa rin niya nakikita ang lake. Nagtataka na rin siya sa binata dahil hindi man lang ito umiimik. Hindi ito sumagot sa tanong niya, napatingin siya sa paligid. Medyo madilim na sa gubat, she looked at her watch and realize it's already five-thirty in the afternoon. "Jason saan ba talaga tayo pupunta?" nagsimula na siyang kabahan..pero hindi niya 'yon pinahalata sa binata.
Nilinga siya nito, "Malapit na tayo, Jes. We will be there in five minutes." sagot nito saka hinawakan ang kamay niya and she felt better. Nawala bigla ang takot na nararamdaman niya. Hindi siya nito binitawan hanggang sa marating nila ang lake, she fell inlove with the beauty of the place.
"Wow......" amazed niyang sabi.
"Maganda ba?" napalingon siya sa nagsalita. Nalaman niyang hindi lang sila ni Jason ang nasa lugar na 'yon. Hindi niya kilala ang binata pero halatang student din ito doon dahil sa suot nitong uniform. Tumayo ito mula sa damuhan kung saan ito nakaupo kanina at lumapit sa kanila. "Kumusta ka na Cielo?" tanong nito. Nagulat siya dahil alam nito ang pangalan niya. Sino kaya ito at parang kilalang-kilala siya nito. "I'm Marco. Kaibigan ako ni Adrian..I'm so sorry about what happened. Anyways, I want to know kung may naiwan bang gamit sayo si Adrian."
"A-anong gamit?" hindi niya maintindihan ang nararamdaman, she felt so nervous and uncomfortable talking to this guy. At pakialam ba nito kung may iniwang gamit sa kanya ang pinsan o wala. At hindi siya naniniwalang kaibigan ito ni Adrian. And ano ang ginagawa nito dito? Did Jason brought her to this place for a diffetent reason? How could he???? She suddenly felt very scared and unsafe.
Tinitigan siya nito, "I'm wondering kung may iniwan siyang mapa at itim sa libro sayo. I lend it to him before and he forgot to return it to me." hindi man lang ito ngumingiti habang nagsasalita. Nagsitayuan ang mga balahibo niya. She gave an accusing look to Jason, naalala niyang nagtatanong rin ito sa kanya dati tungkol sa isang mapa. Umiwas naman ito ng tingin, halatang guilty ito. Magkakilala kaya ito at ang lalaking kaharap nila? At kaya ba siya dinala dito ng binata sa forest para i-confront?
Umiling siya, "Wala akong napansing mapa sa mga gamit ni kuya. And I'm not sure kung may naligpit akong itim na libro sa kwarto niya." pilit na pinakalma niya ang boses. Kalahati ng utak niya ay nag-iisip kung paano tatakas sa lugar na yon ng ligtas. She should find a way.
"Hmmm..." napahimas ito sa baba nito. "Are you sure? Sa lahat pa naman ng ayaw ko ay ang mga sinungaling.." he said calmly.
"Baka wala talaga siyang idea sa mga bagay na hinahanap mo, Marco." si Jason na ang nagsalita.
Binigyan ito ng masamang tingin ni Marco, "Shut up, Jason. Kaya wala kang nakakalap na impormasyon kasi ang bilis mong maniwala kapag sinabi sayong wala. Kulang lang ng kunting pilit itong si Cielo." ibinalik nito sa kanya ang tingin, this time ay nakangisi na ito. "Ayaw mo naman sigurong sundan sa kabilang buhay si Adrian, right?"
Nanlamig siya sa sinabi nito and felt Jason's hands on her, "W-What do you mean, Marco?" si Jason. Halatang natakot din ito sa sinabi ng binata.
Tumawa ito, "Depende na sa inyo kung paano niyo iintindihin ang sinabi ko. So habang hindi pa nauubos ang pasensiya ko, umamin ka na." diniinan nito ang salitang pasensiya.
"Wala nga akong alam sa mga bagay na hinahanap mo! Ba't ba ang kulit mo?!" pagalit na niyang sabi. Nilalakasan niya ang loob at ayaw niyang magpadaig sa takot na kanina pa nararamdaman. Hindi siya natatakot sa banta nito, student lang din ito na gaya niya at once na makaalis sila sa lugar na 'yon ay irereport kaagad niya ito sa Guidance Counselor.
BINABASA MO ANG
Royale University - CHANGES Book 1
Mystery / ThrillerThis story is inspired by Nathan Scott and Haley James of ONE TREE HILL.. After High School, there's this next stage called College. Jesse, Nikki, and Cielo will soon be joining the challenging world of Royale University.They will start pursuin...