Together Again

370 2 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

What happened in the forest was definitely a big issue, it spread all over the campus so fast. Kinabukasan ay ito na agad ang topic ng bawat students sa buong University. Nalaman nina Jesse na namatay si Jason, samantalang si Marco ay may tama rin ng baril sa balikat pero nasugod kaagad ito sa hospital. Hindi nila alam kung saan kung sino ang may gawa sa mga ito. And the news made Cielo really confuse. Wala siyang nakitang baril si Marco nong makita nila ito sa forest. And she felt so guilty sa nangyari kay Jason, kung hindi siguro siya nito tinulungan ay baka buhay pa ito ngayon. She is also questioned by the investigating team kaninang umaga dahil nalaman ng Security Department na magkasama sila ni Jason na pumasok sa forest before the incident happened. Kinuwento niya ang mga nasaksihan at dahil wala na siya sa lake nong panahong mabaril sina Jason at Marco, na-dismiss na siya sa kaso.

Ayon naman sa kwento ni Marco na agad na kumalat sa campus, nagsusuntukan sila ni Jason nang biglang may dumating na lalaki mula sa kung saan at unang binaril si Jason. Tatakas daw sana si Marco pero naabutan siya ng lalaki at binaril saka tumakbo palayo. Duda ng mga mga nag-iimbestiga na may nakapasok na mga rebelde sa forest at napag-initan ang dalawa. Nang dahil sa nangyari ay nilagyan na ng harang ang entrance ng forest. All the students ay pinagbabawalan ng gumala sa gubat.

After hearing the tragic news ay nagmukmok na naman si Cielo sa kwarto nila. Sina Jesse at Nikki ay dinadalaw siya sa kwarto nila every now and then at kino-comfort. Sinasabi ng mga ito na wala siyang kasalanan sa nangyari kay Jason. But what he did was a herioc act. Siguro kung hindi nito pinaunang tumakbo si Cielo ay baka may masamang nangyari na rin sa kanya.

"Don't do this to yourself again, Ciel. Wala kang kasalanan." malumanay na pahayag ni Jesse. Dumiretso ito sa kanya after ng klase nito. Dinalhan pa nga siya ng paborito niyang doughnut. Nagsumbong marahil si Cheska rito na hindi pa siya kumakain since kahapon.

Pinilit niyang ngumiti rito,"Salamat, Jes..pero hindi ako nagugutom. Wala akong ganang kumain, pakiramdam ko sinusubukan ako ng tadhana. Lahat na lang kasi ng malalapit sa akin, nawawala. Life is really so unfair. Kung kelan sobrang napalapit na ang loob ko kay Jason, saka naman may nangyaring masama rito. And the worse thing is, it was all because of me." she said bitterly.

Tinabihan siya ni Jesse at inakbayan, "Nandito pa naman kami ah... your mom and dad.. We will never leave you." wika nito. She took a deep breath, she know that but she can't help but feel guilty for Jason. She's scared to lose another person in her life..

"I called my mom last night and told her my plan. She was a bit confuse kasi hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari sa forest but pumayag rin siya later on." inform niya rito. "I might leave next week. I just need to settle everything that needs to be settled."

Halatang nalungkot si Jesse sa binalita niya pero alam niyang naiintindihan nito ang decision niya. "We still have a few days to be together then...kailangan nating su,itin yln. Let's go to the Market sa Sabado at mag-enjoy. Let's forget about everything and pretend as if nothing bad happened. Let's make a wonderful memory before you leave..." suggestion nito. Hindi siya nakasagot, how could she do that? "Please, Ciel...we could invite Cheska and Chellsey if you want..it would be fun.." kulit pa rin nito. And wala siyang nagawa kundi tumango na lang.

Namiss niya rin si Chellsey, after the incident ay worried din itong tumungo rito sa room nila ni Cheska. And as usual ay napakadaldal pa rin nito. Nagtatampo rin ito dahil bakit daw hindi siya tinawagan para at least nakasunod ito sa forest at natulungan sila. Kaya naman napawi kaunti ang depression niya. She's really like a comic character, very funny.

"I miss all of you.." puno ng emosyon ang boses niya. The incident became a bridge for them to be together again. Yon lang ang magandang idinulot ng nangyari sa kanila.

Royale University - CHANGES Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon