Roomates

406 2 0
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Nine o'clock pa lang ay ready na si Cielo. She is expecting their family driver to arrive at nine-thirty. Tinulungan siya ni Cheska na ibaba ang mga gamit niya sa lobby upang doon antayin ang driver nila. Sina at Nikki Jesse naman ay darating maya-maya mula sa first class nito sa CHM building para lang makapagpaalam sa kanya for the last time. Si Chellsey lang ang hindi makakarating dahil may long quiz ito sa Psychology nito ng nine o'clock.

Pagkababa nila sa lobby ay naroon na sina Jesse at Nikki, mukhang kararating lang ng mga ito. Napangiti ang dalawa nang makita sila ni Cheska. "I'm so glad na andito kayo.." she said happily.

"Of course! Mawawala ba naman kami.." ani Nikki, sa sobrang saya ni Cielo ay niyakap niya ang dalawa. Kinuha niya ang kanyang camera at nakiusap kay Cheska na kunan sila ng litrato. Nagpakuha rin siya kay Nikki ng picture nila ni Cheska. Sayang lang at wala si Chellsey pero alam niyang magkikita pa naman ulit sila ni Chellsey. Iimbitahan niya ang mga ito sa birthday niya sa September. Usually ay sinasabay nilang tatlo nina Jesse at Nikki ang birthday celebrations nila since weeks lang ang pagitan ng kaarawan nila sa buwan ng September. Her birthdate is ninth of September, si Nikki ang sumusunod which is Thirteenth of September and lastly Jesse which is on the twentieth of the same month. Parang sinadya talaga na ipagtagpo at pagsamahin silang tatlo ng tadhana.

Matapos nilang magpicturan ay dumating na si Mang Javier, ang driver nina Cielo. "Handa ka na ba Cielo?" tanong nito nang makalapit saka kinuha ang maletang hawak niya. Tumango siya rito saka ngumiti, "Iyo rin ba tong isang maleta?" tanong nito sabay turo sa hawak na maleta ni Cheska.

Tumango siya at saka n "Opo." aniya. "Pero ako na po ang magbibitbit nito." magalang niyang sagot sabay kuha sa maleta kay Cheska.

"O siya. Magpaalam ka na muna sa mga kaibigan mo. Hihintayin na lang kita sa labas." anang matanda saka lumabas.

Nang wala na ulit ang matandang driver ay malungkot na hinarap niya ang mga kaibigan, "I'm gonna miss all of y-you..." garalgal ang boses niya nang magsalita. She felt her eyes are getting wet now. It may be sad to leave her friends but sobrang saya niya ngayon dahil tapos na ang conflict between them. Temporary lang naman tong goodbyes nila, kasi magkikita pa naman ulit sila. "Dont forget our celebration next month..okey.." remind niya sa dalawa.

"Don't worry hindi namin nakakalimutan yon..Magrerequest na kami mamaya ni Jesse na uuwi sa last weekend ng September." para fair ay sini-celebrate nila ang birthday nilang tatlo at the end of the month. "Ikaw na ang bahalang mag-organize.." ani Nikki sa kanya sabay kindat.

Umirap siya, "Aba, dapat umuwi kayo ng biyernes para tulungan ako sa pagdecorate. Don't worry sa food dahil si mommy na ang bahala don as usual. Kayo na ang bahala sa invitation. I don't have much to invite." aniya saka hinarap si Cheska,"Please come, I'd be glad kapag dumating ka.." hinawakan niya ito sa kamay.

Masayang tumango si Cheska, "I will."

"O siya, kailangan ko ng umalis. Nakakahiya kay Mang Javier na naghihintay sa labas." she said with so much effort to make her voice sound cheerful. As much as possible ay ay ayaw niyang maging madrama ang pagpapaalam nila sa isa't-isa. Nauna na siyang lumabas ng lobby at nang makita siya ni Mang Javier ay kinuha nito sa kanya ang maletang bitbit niya. "Salamat po." magalang niyang sabi. Mang Javier had been working for their family for ages now. Binata pa lang ang daddy niya ay naninilbihan na ito sa family ng dad niya. Muli niyang hinarap ang mga kaibigan na tahimik lang na nakasunod sa kanya. "Bye for now..." she said saka niyakap si Jesse, then Nikki, and lastly Cheska.

Matapos magpaalam sa tatlo ay sumakay na siya ng sasakyan at saka pa pinaandar ng matanda ang kotse. Napabuntong-hininga siya saka napatingin sa labas ng bintana. The University is a perfect place, she could still remember the day when she first set foot on this place. She was very amazed and thought that she is in a fairytale. Everything seems to be made of magic. From structures of the building which are extraordinary and full of imagination to the facilities and the kind of services they recieve from the staff.

Royale University - CHANGES Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon